"OUCH! Wait! Aray!" Daing ni Erie nang bigla niyang idiin ang cold compress sa sugat nito.
Inirapan niya ang binata.
"Ang lakas ng loob mong makipagsuntukan tapos konting sugat lang kung maka ouch ka diyan akala mo ika-mamatay mo!" Mataray na sabi niya rito.
"Sinadya mo kaseng diinan eh. Wait a minute! Bakit parang sa akin ka galit?" Apela ng binata.
"Alam mong may balak na akong sagutin siya. Kaya alam kong pin-rovoke mo talaga si James." Saad niya.
"Woah! At pinag-tatanggol mo siya ngayon?" Magkasalubong ang kilay na bulalas ni Erie.
"I'm just telling the truth." Sagot niya rito.
"You know babe, you should have thanked me. E kita mo naman sa kanya na nanggaling na di niya ako tanggap bilang best friend mo. I mean di niya directly sinabi pero yun na din yun. Kapag naging kayo na bawal kanang magkipagkita sa akin. Tsk! Bawal makipagkita my ass!" Mahabang lintanya ng binata.
Napabuntong hininga nalang siya sapagkat may katwiran si Erie. Actually, tama talaga ito. Okay na din na nangyari ang nangyari ngayon dahil maaga palang nalaman na niya ang pagco-control na gagawin ni James sa oras na maging sila. At ayaw niya ng ganon baka kung sinagot niya ito di rin sila magtagal at nakakahiya iyon imagine 1st boyfriend niya sa edad na 26 tapos di tumagal ng 1 week! Ang pangit naman ng headline na yun kung nagkataon.
"Babe, ganyan ba kalabo ang mata mo para sobrang lapit dapat ang mukha mo habang ginagamot mo ang sugat ko?" Parang kinakapos na hiningang sambit ni Erie.
"Oh! I'm sorry. Di ko namalayan." Hingi niya ng paumanhin ng makitang gahibla nalang ang layo ng mukha nila sa isa't isa.
Bahagya siyang dumistansiya sa binata.
"It's okay, actually I like it better when you are close to me." Parang wala sa sariling saad nito.
Bigla na namang bumilis ang pintig ng puso niya. Aasa na naman ba siya?
"Can you just take me home?" Pagkuway tanong niya dito. Parang bigla siyang napagod at gusto na niyang magpahinga.
Hindi na niya hinintay sumagot ang binata. Kinuha lang niya ang kanyang bag at nagpaalam sa mga staff niya at tinahak na ang daan kung saan naka park ang sasakyan ni Erie.
Hindi niya dala ang kotse niya dahil sinundo siya ni Erie kaninang umaga. Ewan niya but this past few days feeling niya nagiging over protective ito. And she is not complaining, except her heart of course kailangan niyang gwardiyahan ng maiigi ang puso niya. Mahirap na kapag nagkataon....
PA-SIMPLENG sinulyapan ni Erie si Jade at ibinalik ang tuon sa kalsada. Wala pa ring imik ang dalaga habang tinatahak nila ang daan pauwi. Nang sulyapan niya ito kanina blanko ang mukha nito pero ni hindi iyon naka bawas sa kagandahan ng dalaga. Yes! He is not immune to Jade's beauty. He is fully aware na maraming naiinggit sa kanya noon pa dahil siya lang ang malayang nakakalapit kay Jade.
Si Jade ang tipo ng babae na hindi masyadong pinagtutuunan ng pansin ang mga kabaro niya. Ni wala nga itong pakialam sa mga nagpapalipad hangin na lalaki dito noon. Kaya siguro hanggang ngayon wala pa rin itong nagiging boyfriend.
"Sweetie, are you still mad at me? Sorry na. I just think na you don't deserve him to be your 1st boyfriend." Paliwanag niya sa dalaga.
"At sino pala ang deserving? Ikaw?" Anang munting tinig sa isip niya na di niya pinansin.
Hindi sumagot ang dalaga.
"Babe, talk to me please. Mas nakakatakot ka kapag di ka nagsasalita eh. Tapos parang bulkan ka nalang na sasabog diyan." He is saying it base on facts.
Wala paring sagot mula sa dalaga. Nang sulyapan niya ito naka tingin lang ito sa labas ng bintana.
Kapag hindi nagsasalita si Jade, dalawang bagay lang - galit ito o nag iisip.
He is hoping na ang huli ang dahilan.
Dahil kapag galit ang dalaga as in mamamatay ka sa cold treatment nito!
"Jade Eriette——"
" Huwag ka ngang magulo diyan dahil nag-iisip ako!" Putol nito sa sasabihin niya.
Nakahinga naman siya ng maluwang, dahil nag-iisip lang pala ito at hindi galit.
"Anong iniisip mo?" Tanong niya.
"Ikaw." Sagot nito na biglang ikinabilis ng tibok ng puso niya.
"Hmmm... ako?" Aniya na tumaas ng bahagya ang sulok ng labi.
"Iniisip ko kung anong magandang thank you gift sa iyo." Anang dalaga.
"Pa-asa at pa hopia din eh."
"Huwag mo nang isipin yun." Walang buhay na sagot niya dito.
"O napano ka? Parang bigla kang tumamlay diyan?" Puna ng dalaga.
"Okay lang ako." Hindi na nag usisa pa si Jade pero kita niya sa sulok ng kanyang mata na bahagyang nakaharap ito sa kanya at kunot ang noo. Malamang na hihiwagahan sa sudden change ng mood niya.
Maybe he really needs to do something now. Ilang taon na rin niyang pinipilit ibaling ang atensiyon sa iba. Akala niya makakaya niya. Ngunit nang sabihin sa kanya ni Jade na may balak itong sagutin, bigla siyang nabahala. Wa-effect din naman sa dalaga ang pag kakaroon niya ng girlfriend. Ni minsan hindi man lang niya ito nakitaan ng konting selos. Ngunit isa lang talaga ang pinanghahawakan niya. Ang nangyari ng gabing iyon.... ang mga napag usapan nila... ngunit parang siya nalang ang nakakaalala nun. Mukhang para kay Jade ay isang panaginip lang ang gabing iyon.
Aaminin niyang naduduwag siyang magtanong. Natatakot siya sa maaaring isagot ng dalaga. Ngunit kailangan na niyang gumawa ng hakbang ngayon. Bago pa maging huli ang lahat.
"Erie, lumagpas tayo!" Bulalas ni Jade na nagpanumbalik sa kanya mula sa malalim na pag-iisip.
"Oooppps, sorry." Hingi niya ng paumanhin sa dalaga.
"Ikaw naman ang wala ngayon sa sarili mo." Bulong ng dalaga ngunit sapat para marinig niya.
"DITO kana mag dinner." Imbita niya kay Erie ng huminto ang sasakyan nito sa harap ng gate nila.
Hindi naman kalayuan ang bahay nila Erie sa kanila. Sa kabilang kanto lang ang bahay ng binata. They are still both living with their parents. Sa kaso niya nag iisang anak lang siya kaya ang mama at papa niya sinasamantala daw iyon habang di pa siya nag aasawa. Si Erie naman dahil nasa abroad ang kuya nito, ayaw din itong payagan na bumukod. Saka na daw kapag nag asawa na rin ito.
"Sure!" Mabilis na sagot nito. Hindi na niya hinintay pa itong ipagbukas siya ng pinto. Kaagad na siyang bumaba. At sumunod naman ito.
Pagpasok nila ng bahay bumungad sa kanila ang kanyang mama't papa. Kaagad silang nagmanong dalawa ni Erie sa mga ito at naupo sa sala.
"Maaga yata kayo ngayon." Anang mama niya.
Mag-aalas singko palang ng hapon ayon sa wrist watch niya.
"Yeah, gusto ko pong makauwi ng maaga." Sagot niya.
"Why? Something happened baby?" Ang ama niya.
"I punched James, her suitor, pero siya naman po ang nauna tito." Si Erie ang sumagot na tila ba ito ang tinatanong ng ama niya.
"Good job my boy!" Tuwang tuwa na wika ng ama niya.
Pinukol niya ng masamang tingin si Erie nang mag-thumbs up pa ito sa ama niya. Pagdating talaga kay Erie, ang mga magulang niya ay napaka luwang. Kulang nalang ay ipagduldulan siya ng mga ito sa binata. Well ganoon din naman ang parents ni Erie. Umaasa parin ang mga ito na sila din ang magkakatuluyan sa huli.
"Ma, Pa, panhik muna ako sa taas while waiting for our dinner." Saad niya. Gusto muna niyang mahiga saglit. Parang bigla kase siyang napagod.
"Samahan ko na po siya tito and tita." Saad ni Erie at sumunod sa kanya.
Dahil mag best friend sila ang bahay nila ay parang bahay na rin ni Erie. At ganoon din naman siya sa bahay nila Erie. They can sleep over ng walang malisya. Well sa kanilang dalawa wala pero sa mga magulang nila, ewan lang nila.
"My boy, don't forget yung sinabi ko ha." Pahabol na sabi ng papa niya kay Erie na nagpatigil sa kanya sa pagpanhik sa hagdan at kunot noong humarap kay Erie.
She can feel it na di maganda ang sinabi ng ama niya!
Humarap si Erie sa ama niya na ang ngiti ay abot tenga.
"Ang gwapo talaga!"
Sumaludo pa ang mokong sa ama niya sabay sabing "Sir, yes, Sir! Kung nagkataon di po ako gagamit ng proteksiyon para po straight na magka-apo na kayo."
Kung pwede lang siyang maglaho ng mga oras na iyon ay ginawa na niya! My gosh! Pulang pula siya! Sabi na nga ba niya eh! Ang papa talaga niya makikipatayan sa mga ibang lalaki pero kay Erie....My gosh!
"Papa! We are not doing that! Grrrr...." inis na saad niya at mabilis na pumanhik sa silid niya.
Dinig na dinig pa niya ang tawanan ng mama at papa niya sa ibaba!
PAGPASOK niya sa kanyang silid, pabagsak na nahiga siya sa kanyang kama. Hindi nagtagal naramdaman niyang nahiga sa kabilang bahagi ng kama si Erie.
Sa kanyang peripheral vision, si Erie ay nakatitig din sa kisame.
"Sana caldereta ang niluluto ni Nay Linda." Basag nito sa katahimikan. Si Nay Linda ang kasambahay nila simula pa noong bata siya.
Bahagya siyang ngumiti "Seriously? Yan ang nasa isip mo?" Tanong niya ngunit nanatiling nakatingin sa kisame.
Sa sulok ng kanyang mata nakita niyang tumagilid si Erie at itinungkod ang siko sa kama habang sapo ang gilid ng mukha nito.
"It's effective sweetie. Napangiti kita eh." Nakangiting saad nito.
Ginaya niya ang posisyon ng binata. At humarap dito.
"Ikaw lang ang lalaking kaya akong inisin ng sagaran at the same time ikaw din naman ang lalaking kaya akong aluin pagkatapos." Sinserong saad niya sa binata at ngumiti ng pagkatamis tamis.
Ewan niya kung imahinasyon lang niya ngunit saglit na natigilan ang binata at nagkaroon siya ng pagkakataon na paka titigan ito. Ang mga mata nito na katulad ng sa kanya, kulay tsokolate, ang matangos nitong ilong at mapupulang labi. His hair is always at a mess. Well sabi nito style daw iyon "messy hair style" at lalo lang iyong nakaka-attract sa mga kababaihan. It's sexy wika nga nila. At hindi rin naman pahuhuli si Erie pagdating sa pangangatawan. Alagang gym ito kaya naman may pa abs ang mokong!
"Enjoying the view sweetie?" Pukaw nito sa paglalakbay ng isip niya.
Inirapan niya ito upang mapagtakpan ang kahihiyan "What's new? Sanay na sanay na ako sa pagmumukha mo no!" Sikmat niya kay Erie.
"Swerte ka naman talaga kase ang gwapo ng best friend mo." Pagmamayabang nito at ngiting ngiti ang mokong.
"Oh! Em! Geee! May bagyo yata!" She grimaced while rolling her eyes.
Ang lakas ng tawa ng binata.
"What if may bigla kang naging boyfriend at sobrang mahal mo siya pero hindi niya ako tanggap as your best friend, I mean yung pinaiiwas ako sayo. Are you going to obey him for the sake of your relationship?"
Nagulat siya dahil bigla nalang itong naging seryoso.
"Hindi na yata ako magkaka-boyfriend dahil hanggang ngayon.... kahit anong pilit ko... ikaw parin ang laman nito...."
Duwag siya, alam niya iyon dahil hindi niya magawang ipag-tapat ang nararamdaman sa best friend niya. She's afraid of ruining the relationship they have.
"Bakit tayo pilit nagtatanong ng mga what ifs? Kung pinapagulo lang nito ang kasalukuyan. Kaya dapat huwag na tayong mag tanong ng mga what ifs na yan." Pagdadahilan niya.
"Ang sungit mo naman, parang nagtatanong lang." saad nito na may kalakip na pagtatampo.
Pinakatitigan niya si Erie. Bumangon siya at umupo sa kama paharap dito. Naka indian sit siya. At gumaya din ang binata sa kanya.
"Alam mo, I will never fall in love sa lalaking magtatanong sa akin kung sino ang mas matimbang kung siya at ang relasyon namin o ikaw na best friend ko. Kase kung mahal niya talaga ako he will never ask me to choose. Tanggap niya dapat lahat ng mga mahal ko sa buhay at kasama ka doon. If he really loves me dapat secure siya sa pagmamahal ko sa kanya. Meaning hindi siya ma te-threaten sayo." Paliwanag niya dito at ngumiti.
"Babe, hindi mo naman sila masisisi kung ma threaten sila. Sa gwapo kong 'to? Aba! Dapat lang!" Pagbubuhat na naman nito ng bangko. Na ngiting ngiti.
"Alam mo yang sakit mo? Palala ng palala! Pa check up kana kaya?" Aniya rito at tinampal ng bahagya ang pisngi nito.
Tumawa lang ng malakas ang binata.
"Paayos mo na ang visa ko sa kuya mo. As a thank you gift, sasamahan kita sa Dubai ng 1 week. I think I need a———" Hindi na niya natuloy ang iba pang sasabihin ng bigla nalang siyang niyakap ng mahigpit ng binata.
"Oh! Thank you so much babe! Yahoo! Yehey! Yes! Sa wakas! Napapayag din kita! Oh! I'm so happy!" Anito na sobrang higpit ang yakap sa kanya. At bakas na bakas ang kasiyahan.
"Hmmmm... E-E—rie.. med-medyo... di- a-ko ma-ka-hinga.."
"Oh! I'm so sorry!" Anito at bahagyang binigyang distansiya ang mga sarili nila. "I'm just so happy!" Sabay halik sa pisngi niya at pagkatapos niyakap siya ulit, this time di na ganoon kahigpit.
Siya naman ay nakatameme lang. Well this is not the first time na hinalikan siya sa pisngi ni Erie. But as they grow old, naiilang siya sa mga pagkakataon na bigla nalang siya nitong hahalikan sa pisngi.
Binigyan ulit ng distansiya ni Erie ang mga katawan nila at pinakatitigan siya.
Ewan niya sa sarili niya pero di parin siya bumabalik sa kanyang tamang huwisyo.
Namalayan nalang niya na gahibla nalang ang layo ng mga mukha nila sa isa't isa. He is looking on her lips. Siya naman ay nakatitig lang sa mga mata nito. He is going to kiss her lips! Oh! Anong gagawin niya? She just close her eyes and...
She felt a peck on her cheeks. Sabay mulat ng mata niya at nilamukos ng palad ni Erie ang mukha niya.
"Ang pangit mo parin babe!" Anito sabay karipas ng takbo palabas ng silid niya habang dinig na dinig ang halakhak nito.
"Baliw talaga." Wika niya but this time with a smile on her face.
"ANG sarap po talaga ng caldereta Nay Linda. Super busog po ako." Ani Erie habang magkatuwang silang naghuhugas ng plato. Napagpasyahan nila na tulungan si Nay Linda pagkatapos nilang mag hapunan.
"Naku ikaw talagang bata ka kahit kailan ay napaka-bolero mo." Natutuwang saad ni Nay Linda habang pinupunasan ang mga nahugasan nila.
"Naku Nay! Hindi po bola yun! Ang pambobola po ay kapag sinabi kong maganda itong best friend ko." Pang-iinis nito sa kanya.
"Ah ganun? Heto ang sayo!" Saad niya sabay saboy ng tubig na may sabon dito dahil siya ang nagsasabon at ito ang nagbabanlaw.
Hindi naman nagpahuli ang binata sinabuyan din siya nito ng tubig ngunit mas marami ang sinaboy nito sa kanya. Kaya bigla siyang napatili!
"Naku mga batang ito. Kahit kailan talaga." Ani Nay Linda na tuwang tuwang nakamasid sa kanila. Sanay na sanay na ang matanda sa kanilang dalawa.
"Uy! Tama na nga Erie! Basang basa na ako!" Reklamo niya ngunit nakangiti. Kaagad namang kumuha ng tuwalya si Nay Linda. At pagkuway inabot sa kanilang dalawa.
And Erie being the best guy ever and ever gentleman, kinuha nito ang towel na para sa kanya at pinunasan siya.
"Gusto ko kapag ganito tayo. Pakiramdam ko bumabalik tayo sa kabataan natin." Nasisiyahang wika nito habang pinupunasan ang mukha niya.
"Me to—— Ouch!" Reklamo niya ng biglang panggigilan ni Erie ang magkabilang pisngi niya.
"And you are not ugly. You are pretty." Saad nito at pinakawalan ang mga pisngi niya.
Ngayon paano pa niya pipigilan ang nararamdaman sa binata? Kung sa mga simple gestures nito na malamang para dito ay wala lang pero ang puso niya ay laging umaasam at umaasa na sana.... na sana... may pag-asang maging sila. Na sana kagaya nang gabing iyon ay tignan siya nito hindi bilang isang best friend kung hindi bilang isang babae na puwedeng maging girlfriend nito.
Ngumiti siya rito at pagkuway siya naman ang nagpunas sa mukha nito gamit ang towel. Mataas lang ng kaunti sa kanya si Erie. She is 5'7 and he is 5'9.
"Bumabawi kalang sa pagtawag na pangit sa akin kanina." Aniya sa binata.
"Kahit ipagsigawan ko sa buong mundo na pangit ka, no one will believe me babe." Saad nito na animo siguradong sigurado.
"Oo naman no! Sa ganda kong ito! Ang swerte mo kaya na best friend mo ako." Biro niya na may panggagaya sa sinabi nito kanina.
Ang lakas ng tawa ni Erie.
"Tell me again kung nasaan na ang bagyo ngayon?" Anito sa pagitan ng pagtawa.
"Kayong dalawa umakyat na sa taas at nang makapagpalit muna." Sabad ni Nay Linda sa kanila.
May mga ilang damit si Erie sa silid niya at ganun din naman siya kina Erie. Natatawa parin sila habang sinusunod ang utos ni Nay Linda.