webnovel

Gaia's Outbreak's Aftermath

Isang magandang umaga ang bumungad sa isang dalagang nakahiga sa damuhan. Tanging manipis na puting damit lang ang suot nito. Walang kaalam-alam kung nasaan siya. Pinilit niyang alalahanin kung paano siya napunta roon.

"Ang sarap ng simoy ng hangin."

Huminga siya ng malalim at inenjoy ang sariwang hangin na dahan-dahang humahampas sa kanyang pisngi. Humiga siya ulit at pumikit.

"Ehemm-."

Dumilat ang dalaga at napaupo sa narinig, napatingin ito sa isang matangkad na lalake na may dala-dalang bow and arrow. Tinititigan niya ito ng palapit na ito sa kanya. Hindi alam ng dalaga kung paano makitungo dito.

"I wonder kung bakit ang isang maladyosang kagandahan na katulad ng sa'yo ay nakahiga sa damuhan sa gitna ng kagubatan. " Umupo ito sa tabi niya at matamang nakakatitig sa kabuuhan niya.

"Excuse me?" Nagtatakang tugon niya.

"Pfft- sa haba ng sinabi ko wala kang naintindihan?"

Naguguluhan pa rin ang dalaga sa inasal at sinabi ng lalake.

"Wala ka bang matutuluyan at dito ka nakahiga? At sa tagal kong pabalik balik dito ngayon lang kita nakita." Tanong ulit ng lalake.

Tumango lang ang dalaga bilang ganti.

"Eh pangalan? I bet you have one."

Nag-isip ang dalaga at pilit inalala ang sariling pangalan. Nakatingin naman ang lalake at pati ito ay naguguluhan na rin.

"So you don't have a name?"

"Wait- I have one."

Pinikit niya ang mga mata at pilit nag-isip. Pero kahit anong pilit niya ay di niya pa rin maalala ang sariling pangalan. Humampas ang mahinahong hangin sa kanyang pisngi na para bang may sinasabi. Nakinig siya sa ihip ng hangin at kinalma ang sarili. Habang pinakikinggan niya ito ay may parang boses siyang narinig. Isang bulong na ume-echo sa tenga niya.

"Carlie--"

"Samantha--" ganun pa rin ito, mahina pero ume-echo.

"Gilbert Winchester" yun ang paulit-ulit na binubulong sa kanya.

"Carlie Samantha Gilbert Winchester." Bulong niya sa sarili. "That must be my name."

"Ano? Alam ko na, I'll call you Victoria." Bago pa makapagsalita si Carlie ay naunahan na siya nitong bigyan ng pangalan. Inilahad ng lalake ang kamay nito at kinuha naman ni Carlie ang kamay nito.

"I'm Venz." Tinulungan niyang tumayo ang dalaga.

"Venz?" Ulit ni Carlie sa pangalan nito. Hinayaan na lamang ni Carlie na pangalanan siya nito, sa isip niya baka hindi pa panahon para gamitin ang totoo niyang pangalan.

"Yup, at kung wala kang matutuluyan sumama ka nalang sakin." Nagpatiuna sa paglakad si Venz, ang buong akala niya ay nakasunod sa kanya si Carlie. Nakatayo pa rin si Carlie at hindi gumagalaw.

Parang statue na nakapikit at tuwid na tuwid sa pagkakatayo nito. Binalikan siya ni Venz at tinusok tusok ang braso nito. Dahil sa ginawa ni Venz ay nagtaka si Carlie kung bakit pa siya kailangan ganunin.

"What?"

"Just making sure you're not a robot." Pagak ang tawang binitiwan ni Venz. Si Carlie ay nakatingin lang sa kanya, walang ka emo-emosyon.

"So are you coming or not? And you must decide now, ayokong maabutan ng dilim dito masyadong mapanganib lalo na para sayo."

Pagbibigay alam ni Venz kay Carlie. Wala pa ring reaksyon si Carlie habang kinakausap ni Venz. Isang malamig sa hangin ang pumukaw sa pagiging tao nito. Hinimas himas ni Carlie ang mga braso nito dahil bigla siyang nilamig. Sa pagkakita nun ay agad hinubad ni Venz ang suot na jacket at ipinatong sa mga balikat ni Carlie.

"Thanks."

Isinuot ni Carlie ang jacket at inayos ang buhok. Hindi naiwasan ni Venz na titigan ang hubog ng katawan nito.

"Venz?" Tanong ni Carlie ng mapansing napapanganga ito. Natauhan naman si Venz at iniwas ang tingin, namula ang mga pisngi at tumalikod.

"Ehemm.... Kung sasama ka sumunod ka sakin. Just stick with me and you'll be safe." Nagsimula na siyang maglakad, walang ibang pupuntahan si Carlie kaya sumunod na lamang siya.

"Akala niya siguro hindi ko nakita yung pagtitig niya." Pilyang bulong ni Carlie habang nakasunod.

"May sinasabi ka?"

"Nothing. Saan ba tayo pupunta?"

"Ihahatid lang kita sa hide out namin. Doon may makakasama ka."

"Hide-out? But where's that exactly?"

"Where in the Murken Forest, me and my team are looking for something. A wild lion perhaps. Matagal tagal na rin naming hinahanap yun. He's no ordinary lion, it had silver eyes and he thinks like a human. Masyadong matalino para sa isang liyon." Paliwanag ni Venz.

"I see. Mas matalino pa yung liyon kesa sayo? Don't get me wrong, pero yung mga wild animals na tulad nila ay may pumoprotekta sa kanila. Kaya siguro di mo ito kayang hulihin." Sagot naman ni Carlie.

"Either way dapat namin siyang mahuli. Not because we want to but because we have to."

Patuloy sila sa paglakad, nadaanan nila ang iilang bakas ng liyong hinahanap ng grupo ni Venz. Hapon na ng mga sandaling iyon. Nilapitan ni Venz ang mga bakas at tinignan kung saan ito galing or kung saan ito papunta. Sinundan nila ang mga bakas at deretso ito papasok sa isang kweba. Sumenyas si Venz kay Carlie na magtago sa likod ng puno.

"Victoria, jan ka lang at titignan ko ang loob ng kweba." Dahan-dahang pinutol ni Venz ang mga nakaharang na vines sa pasukan ng kweba. Si Carlie naman ay simpleng sumunod.

Palalim na ng palalim ang tinatahak ni Venz sa kweba ay nakasunod pa rin si Carlie sa kanya. Sa may dulo ng kweba ay may liwanag silang nakita. Pinilit ni Venz na hindi gumawa ng ingay kung maaari ngunit hindi sinasadyang may naapakang twig si Carlie. Napalingon si Venz at laking gulat niya ng makita si Carlie.

"Sorry." Bulong ni Carlie.

"Why did you follow me?"

"I can't stand being left alone. You might need my help."

"Okay, okay, pero huwag kang gumawa ng ingay."

Lumapit si Carlie kay Venz at dahan-dahang silang sumilip sa kinarorooanan ng liwanag. May bonfire silang nakita at may isang babaeng nakaupo malapit dito. Nakatalikod ito sa kanila kaya't hindi nila nakita yung mukha. Sa bandang kaliwa ng babae ay may nakita silang liyon na handa ng umatake sa babae. Dahan dahan itong lumalapit na parang tinitignan ang mas magandang anggulo kung paano ito lalamunin. Nang makuntento na ito ay nagpakawala ito ng isang malakas na ingay.

"Roar!"

At mabilis na umatake ang liyon sa babaeng nakatalikod. Dahil sanay si Venz na makipagsabayan sa mababangis na mga hayop ay mabilis niyang nahawakan ang ulo ng liyon at sabay hila papalayo sa babae, nagulat naman ang babae at nagpunta ito sa sulok. Nilapitan ni Carlie ang babae at hinawakan ang mga kamay nito. Nang magkahawak ang kanilang mga kamay ay may naramdaman silang koneksyon. Hindi nila alam kung ano yun pero nararamdaman nilang may link sila sa isa't isa at dapat silang laging magkasama.

"Girls Run!" Sigaw ni Venz.

Sabay silang napalingon pero hindi sila tumakbo o natakot man lang. Lumapit ang babae sa liyon at hinimas ang ulo nito.

"Hush now brave one." Patuloy pa rin niya itong hinihimas. Naging maamo ito at nakahiga na sa lupa. Gulat na gulat si Venz dahil napaamo ng babae ang liyon.

"How did you do that? Ang bangis ng hayop na to at muntikan ka ng mapahamak."

"Mapahamak?" Natatawang tanong ng babae.

"Oo at niligtas ko buhay mo" Pagdidiin ni Venz.

"Pfffft- yung kanina ba? We were just playing catch. Hahaha kahit kasi nakatalikod ako hindi niya ako kayang hulihin." Paliwanag ng babae kay Venz.

"Naglalaro?" Di pa rin makapaniwala si Venz.

"Dito ka ba nakatira?" Tanong ni Carlie.

"Pagkagising ko andito na ako. Kung di pa ako ginising ng lion na to malamang tulog pa rin ako ngayon."

Lumabas na sila ng kweba at nakasunod sa kanila ang liyon. Panay ang titig nito kay Venz na tila hindi nagtitiwala dito. Ito ang kauna-unahang pagkakataong nakalabas ng kweba ang babae. Napansin ni Venz na magkapareho ang mga puting damit na suot suot ng dalawa. Napaisip siya na baka magkakilala silang dalawa. Pero ang tanong ay kung bakit wala silang naaalala.

"Siya nga pala, what's your name?" nagkatinginan ang dalawang babae, pinisil ni Carlie ang kamay ng babae at nginitian.

"Ahmmm. Ang totoo kasi niyan-"

"Di mo naaalala?" putol ni Venz. Tumango lang ang babae at napayuko.

"Then I'll call you Veronicque."

"Veronicque?"

"Yeah, I even gave Victoria her name." nakangising tugon ni Venz na proud na proud sa pagbibigay ng pangalan.

"Veronicque, I sense that we can be real good friends."

"I'm looking forward to that Victoria." nagyakapan sina Victoria at Veronicque. Pero palihim na bumulong si Carlie.

"You're name is Chayanne Sheia Gilbert Winchester."

"How do you know -"

"Shhh." ngumiti lang si Carlie at magkahawak ang mga kamay nila na naglakad. Hinalikan ni Chayanne ang kaibigang liyon at nagpaalam. Nalungkot naman ito ngunit kailangan ng liyon na manatili sa kagubatan.

Sa kanilang paglalakad ay walang kakibo-kibo si Venz. Iniisip pa rin nito ang misteryong bumabalot sa kasamang mga babae. Habang sina Carlie at Chayanne ay nakikiramdam lang sa nauna. Medyo malayo na ang kanilang linakad at nakakaramdam na ng uhaw at pagod sina Carlie at Chayanne. Wala silang sapatos or kahit na anong suot sa paa, pareho lang silang nakayapak at parehong tinitiis ang sakit ng kanilang mga paa. Gabi na at wala silang dalang pwedeng maging ilaw nila.

"We must hurry, mas delikado ang kagubatan pag madilim."

"Venz, can we atleast rest for a bit? I'm too tired to walk and too thirsty." angal ni Carlie.

"We can rest but not here."

"What's wrong with this spot?" tanong ni Chayanne na naupo sa isang bato.

"Kakasabi ko lang di ba? Balik sa paglakad." utos ni Venz.

"Ayoko nga napapagod na ako, at alam mo ba kung tama itong dinadaanan natin na parang paikot-ikot lang tayo."

Tumabi sa kanya si Carlie at nagpahinga rin.

"Venz wala naman sigurong problem kung magpapahinga naman tayo kahit saglit lang." sabat ni Carlie.

Walang nagawa si Venz kundi hayaan na makapagpahinga ang dalawang kasama.

"Fine pero saglit lang baka abutan tayo dito."

Nalito naman ang dalawa sa pabiting saad ni Venz.

"Abutan tayo nino?"

"Or ano?" nagkatinginan sina Carlie at Chayanne. Lumapit si Venz at hininaan ang boses nito.

"It's been said that witches linger in this area, one of my comrade did witness their arrival." halos pabulong ni Venz.

"Witches?"

"In the Murken Forest? That's odd." maang na tanong ng dalawa. Nakaupo lang sila at nakatingin sa langit. Hinihintay na mawala yung hapdi sa mga paa nila. Si Chayanne ay may nakitang alitaptap kaya nagkaroon siya ng ideya. Umalis ito at nagpunta sa madalim na damuhan.

"Veronicque!"tawag ni Venz. Walang sagot silang natanggap.

"Veronicque!" tinawag na rin ito ni Carlie. Maya-maya pa ay may kaluskos silang narinig. Nagmula ito sa kinaroroonan ni Chayanne. Napatayo si Carlie at napahawak kay Venz dahil sa kabiglaan nito. Nabigla rin si Venz hindi dahil sa kaluskos kundi dahil sa naramdamang kakaiba mula kay Carlie. Muling may kumaluskos sa pareho pa ring direksyon at mula sa dilim ay iniluwa doon si Chayanne na nakangiti.

"Now we have lights. With the help of my little friends." nakangising sabi nito.

"What li -" nandilat at napanganga si Venz sa natunghayan nito. Ang mga alitaptap ay paisa-isang nagsilabasan sa tabi ni Chayanne. Papalapit na sa kinatatayuan nila si Chayanne at maamong nakasunod ang mga alitaptap na parang maliliit na bituin.

"Pasukin ng alitaptap yang bibig mong nakabuka Venz. Hahaha." saway ni Chayanne.

Lumapit si Carlie sa mga alitaptap at dumapo sa ilong nito ang isa. Natawa naman si Chayanne tapos hinarap niya ang mga alitaptap at pinakiusapan ang mga ito.

"Can you please light our way up to our destination?"

"Yeah, just until we reach where we are heading to." segunda ni Carlie.

Parang nag meeting ang mga fireflies saglit, pagkatapos ng ilang segundo ay bumuo ang mga ito ng isang malaking thumbs up bilang pagsang-ayon.

"Great! so can you lead us the way to -- Ahmm. Venz where are we heading?"

"Uh-- Wh-What?" titig na titig pa rin ito sa mga alitaptap na ngayon ay ginaya ang kanyang mukhang nakanganga.

"Venz! Veronicque is asking you kung saan tayo pupunta."

Matagal-tagal bago nakasagot si Venz ng maayos. Hindi nito alam kung matatakot o matutuwa sa natutunghayan nitong kakaiba. Tumingin muna siya sa mga kasama at tsaka nagsalita.

"Were heading to the fetid swamp. It's totally hidden and I don't think you know where it's located."

"Fetid swamp it is."

Bumuo ng arrow formation ang mga fireflies bilang pagbibigay direksyon at sinundan nila ito. Yung mga alitaptap ang nagsilbing guide at ilaw nila papunta sa kanilang destinasyon.

Nang makarating sa Fetid swamp ay tumigil ang mga alitaptap, nagtaka si Chayanne kung bakit di na umuusad ang mga ito. Bumuo sila ng isang "X" bilang pagtugon na hindi na sila pwedeng magpatuloy pa.

"What's wrong?" tanong ni Chayanne. Lumapit ang isang firefly at nakipag-usap kay Chayanne. "I see. It's alright we'll be fine from here. You've been a great help to us, I mean all of you."

Nagpaalam na sila sa mga alitaptap at nagsimula ng tahakin ang Fetid swamp. Hindi pa rin nila malaman ang dahilan kung bakit parang natatakot ang mga alitaptap na tumungtong sa swamp. Pinutol ni Venz ang katahimikan at tumikhim.

"Hmm. Totoo siguro ang sabi-sabi nila na may kakaibang aura ang bumabalot dito sa Fetid."

"What about it?"

"Sabi kasi may nagbabantay sa lugar na ito, may bumagsak daw dito na Dyosa ng mag-away-away ang mga ito. Natutulog raw ito sa lugar na ito ngunit ni isa walang nakaka-alam kung totoo yun or haka-haka lang."

Tumango lang ang dalawa at minamasdan ang paligid, dahil madilim wala rin silang masyadong nakita. May napansin si Carlie na hugis tao sa may kalayuan pero ang nakapagtataka ay may pakpak ito. Malabo ang kabuuan dahil na rin sa dilim. Hindi niya malaman kung totoo or namamalik-mata lang siya kaya she just ignored it. May nakita silang lawa at doon tumayo saglit. Kinuha ni Venz ang bow and arrow tsaka inapoyan ang dulo ng bow at tinira pataas. Sa kabila ng lawa ay may nakita silang papalapit na apoy. May tumawag kay Venz at ng makalapit ay isang bangka ang kanilang nakita. Dalawa ang sakay nito, isang babae at isang lalake, yung lalake ang sumasagwan sa bangka.

"Venz!" sigaw ng babae.

Kumaway si Venz bilang ganti, tinapon ng lalake ang lubid at sinalo iyon ni Venz. Tinali niya ito sa iang puno malapit sa lawa at hinala para mas mapabils ang pagdaong ng bangka. Naunang bumaba ang babae at inalalayan siya ni Venz. Mariing nakatingin ang babae sa mga kasama ni Venz.

"New recruit?" nakapameywang na saad ng babae.

"Nope, found them at the Murken Forest when I was doing my daily routine."

Pinaikutan ng babae sina Carlie at Chayanne at tinitignan mula ulo hanggang paa.

"You never made me use your jacket Venz." sabay yakap sa nakatalikod na si Venz. Tinanggal ni Venz ang pagkakayakap nito at humarap.

"You don't need it anyway. Siguro may maipapagamit kang mga damit sa dalawang kasama ko."

"Yeah, sure." tipid na sagot nito. Masama kong makatingin ang babae kina Carlie na parang naiinis sa mga ito.

"Venz, you haven't told us na may mga magaganda pala tayong bisita ngayon." lumapit ang lalake sabay lahad ng kamay. "I'm Vladimar."

Kinuha naman ni Carlie ang kamay nito. "Victoria. And this one's Veronicque." turo niya kay Chayanne.

"Nice knowing you two" nakangiti si Vladimar sa kanila.

"All of your names starts with V? is it a prerequisite to be able to join your team?" tanong ni Carlie kay Venz.

"Sort of. It's a coincidence though." sagot ni Venz.

"Welcome to the team ladies, be prepared to live a life full of nightmares." umismid pa ang babae pagkasabi nito.

"Don't mind Vienna, selosa lang talaga yan." sabi ni Vladimar.

Isa-isang pinasakay ni Venz ang mga babae, may kalakihan naman ang bangka nito kaya kasya lang silang lima. Huling sumakay si Venz dahil kailangan pa niyang tanggalin ang tali nito. Nang nasa gitna na sila ng lawa ng may maaninag na naman si Carlie na hugis tao. Ganun pa rin ito tulad ng nauna niya itong makita, pero ngayon ay nakatayo na ito, yung pakpak ay nakatago na at parang nakatingin ito sa kanya.

Umihip ang malamig na hangin na dumampi sa mga balat nila, nakaramdam ng lamig si Chayanne kaya iniabot ni Vladimar ang suot na jacket nito. Sabay ng pag-ihip ng hangin ay ang isang boses na tanging si Carlie lang ang nakakarinig.

"Till we meet again." hindi niya alam kong boses babae ito o boses lalake.

"Till we meet again." bulong ni Carlie.

"Excuse me?" tanong ni Vienna.

"Did I say something?" pa-inosenteng tanong ni Carlie.

"Vienna cut it out. Eksaherada ka na naman. Mabuti pang ilawan mo na yang flare ng malaman nilang andito na tayo." utos ni Venz.

Pinailawan ni Vienna ang flare at gumanti naman yung nasa kabila. Pagdaong nila ay agad silang sinalubong ng iilang kasamahan nina Venz. Halo-halo ang mga reaksyon nga mga kasamahan nito. Yung iba nagtataka samantala yung iba ay natutuwa ng makita sila. Kumuha agad ng towel si Vladimar pagkadating na pagkadating nila. Binigay niya ito sa dalawa at inalalayan papasok sa hide-out nila. Pagkapasok nina Carlie ay nakita niyang malawak pala ang loob ng hide-out nito. Pina-upo sila at binigyan ng mainit na inumin para mawala yung lamig nila.

"San kayo galing?"

"Naligaw ba kayo?"

"Ano nangyari sa inyo?"

"Baka mga espiya yan."

"Nilalamig pa ba kayo?"

"Gusto niyo pa ng hot choco?"

Dere-deretsong tanong nga mga tao doon ng makaupo na sila. Hindi alam nina Carlie kung ano ang unang sasagutin sa mga tanong na yun.

"Pagpahingahin niyo na muna sila, bukas nalang natin sila tanungin. Kahit ako man ay marami ring dapat itanong sa kanila." deretsong nagpunta si Venz sa kwarto niya.

Sumunod naman ang mga kasamahan ni Venz at hinayaan muna sila na ma-enjoy ang mainit na choco. Tinabihan sila ni Vladimar at inasikaso.

"Yung tutulugan niyo, dun muna kayo sa kwarto ko. Maliit lang yun pero pwede kayong magkasya dun."

"Okay lang. Pasensya na kung nagambala pa namin kayo."

"Okay lang, mas mabuti nga na nandito kayo kesa mapahamak kayo dun sa kagubatan."

Kinuha na ni Vlad ang pinaggamitan ng dalawa at ibinigay sa kasama.

"Ituturo ko na sa inyo kung saan kayo matutulog." sinamahan niya ang dalawa papunta sa kwaarto niya. Pagkarating ay pinapasok niya agad ang dalawa at inabutan ng damit tsaka siya umalis. Naupo sa kama si Carlie habang minamasdan ni Chayanne ang kabuuan ng kwarto. Maliit lamang pero makakakilos ka pa naman kahit paano. Hindi na sila nag-usap pa kasi pareho na silang pagod sa paglalakad. Mahimbing na mahimbing na silang natulog, pinagkasya nila ang sarili sa iisang kamang pang-isahan lang.

Sa kabilang banda, sa mismong araw ding yun ay sabay-sabay nagising ang mga Gods at Godesses na nagsibagsakan sa lupa. Iba't ibang mukha at iba't ibang pamumuhay ang kanilang dapat kagisnan. May napunta sa isang marangyang pamilya, mag naging manlalakbay, meron ding magkakasamang bumagsak sa iisang lugar, may isa ring kinupkop ng mga witches, yung iba naman ay nagtatago at nag-anyong hayop at yung iba ay nagmistulang shadow na nagtatago sa liwanag. Kung paano sila magkikita-kita ay hindi pa nila alam. Sa tamang panahon darating din yung time na maaalala nila ang lahat lahat at makikilala nila ang isa't isa. Sa ngayon paano kaya nila haharapin ang buhay ng pagiging isang tao. At hanggang kailan nila pwedeng itago ang angking kapangyarihan sa mga taong nakapalibot sa kanila. Gods and Goddesses that fell from the heavens must live a humanly life. They are reborn as humans to serve what purpose? Yan ang dapat nilang alamin sa darating pang mga araw.

下一章