webnovel

KABANATA 6

ERCYL POV...

6pm ng umuwi kami ng sabay ni Zajid .

Sa bahay kuno nya.

"Ano nga palang meron mamaya?" sabi ko at naupo sa upuan at kinuha ang remote ng tv.

"Game of death,"

Nakangisi nyang sabi at nag unat.

"ha? Ano yun?" tanong ko at tumabi sya sa akin.

"papatay ng mga daga hahahaha"

Tinignan kolang sya habang tumatawa sya.

May kakaiba. Papatay ng daga ? O taong walang kaalam alam ?

"gusto kong sumama"

Sa sinabi ko natigilan sya at tumitig sa akin.

Saglit syang natigilan pero ngumiti din.

"Nah, dito ka lang,isarado mo ang mga pinto at bintana.wag na wag kang lalabas"

At hinaplos nya ang buhok ko..

"ahem..you know guys? Get a room"

Umubo si andrea na nasa pinto na pala. At nasa likod nya si prestine na nakangisi sa akin.

Lahat sila sobrang weird.

" bye na andyan na mga alagad ko HAHAHA"

At parang baliw na tumawa si zajid.

"narinig ko yun kulogo ka" inis na sabi ni prestine.

Umalis na sila kaya sobrang gumulo ang utak ko

Game of death? Gusto ko sumali .. Pero baka mamatay ako.

Napatingin ako sa lamesa teka white wings pin..

Kay zajid ata to. Lokong yun.

Tumayo ako at sinuot ang blazer ko .

Lumabas ako ng bahay.

Gezz.ang creepy.

Dahan dahan akong naglakad. Asan ba sila?

Lumakad lakad lang ako.

Hanggang sa nakarinig ako ng sumisigaw

Sinundan ko ito at papunta ito sa malawak na field at may matataas na damo.

Tumago ako sa puno

Madaming dugo ang damit nung kawawang babae .

Napatakip ako sa aking bibig ng ilabas nung nakacloak ang kutsilyo nya.

"waaaag!!" sabi nung babae matapos syang pagsasaksakin ng walang awa ng lalaki at hilahin papunta sa makakapal at matataas na damo.

"you are too idiot"

Halos matanggalan ako ng kaluluwa sa nagsalita at bumigat ang pakiramdam ko.

Sya yung lalaking aksidente akong nahalikan!!

"are you af----"

Isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya.

Na muntik matanggal ang maskara nya.

" Tsk. You surprise me again"

Sabi nito at tumalikod at nag lakad palayo sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang likod ng leather jacket nyang may tatak na bungong kulay silver.

Parang nakita ko na to somewhere.

Biglang nagkaingay ang paligid kaya napaupo ako sa puno .

"empty as space,scary as a ghost I appear every night, what i am"

Napaka lamig ng boses ng nagsalita. Dumami ang mga nagtatakbuhan.

Napatakip ako sa bunganga ko ng may mga naka red cloak ang tumatakbo at hinahabol sila ng nakablack.

May nakared na nagtago malapit sa puno kung nasaan ako.

"Black, ang sagot sa riddles. Ibig sabihin ang mga black lang ang may kakayahang humawak ng patalim pano na tayo?"

Sabi ng lalaki

" kaya nga kung may kaaway ka sa black dapat mong layuan!" sabi nung lalaking isa.

"ano ba kasing ginagawa sa mga patay na?" naiinis na sabi nung lalaki.

"hindi ko din alam. Nakakapagtakang wala ng bangkay sa damuhan pag sapit ng umaga.at bakit natin kailangang pumatay" sabi ng isa.

"kailangan dahil ito lang ang paraan para hindi tayo maging daga"

Sabi ng isa at umalis na sila.

Ibig sabihin hindi ako aalis dito??

Natatakot ako!

Never akong hahawak ng patalim na yan swear!

Napakagat labi nalang ako.

Baliw na ang may pakana nito.

E bakit ni isa walang kakayahang makipaglaban sa kanya?

"alam mo iisipin kong isa kang daga kung wala kang hawak na wing pin"

Napalunok ako ng may magsalita sa likod ko.

At nakatingin sa hawak kong pin.

Tumikhim ako at hinarap sya

"s-sorry, a-aalis na lang ako"

Pinigilan nya ako.

"Be my dauntless at hindi ka magiging daga"

Kinilabutan ako sa pananalita nya. Ngayon ay baliw syang nakangisi.

Inalis ko ang kamay nyang nakahawak sa akin. Sobrang kinakabahan na ako

"oh, yang hawak mong pin kanino yan? Napulot mo ba?o natalo mo ang may hawak nya?" at lumapit sya ng lumapit sa akin

Gwapo naman sya , maputi, ngunit parang psycho ang utak

"w-wag kang lumapit" halos manginig at bumigay na ang tuhod ko sa kaba

"babe~ come with me at hindi ka mag.sisisi"

Sabi nito at hinaplos ang pisnge ko.

Naiiyak na ako sa takot...

"touch her once, and you'll gonna eat my bullet"

Nilingon nya ang nagsalita.

At hindi makapaniwalang napaatras .

Bakit? Sino ba tong mga to? At ganun nalang ang takot nung lalaking manyak sa kanya?.

"k-kelan ka pa dumating? Akala ko ba umalis ka na?"

Halos utal na sabi nung manyak .diko alam pangalan e

"leave " diin na sabi nung lalaki at tinignan muna ako nung manyak bago sya umalis

"oy,bakit takot sya sayo?"

Pinilig ko ang ulo ko para makita sya

"sa tingin mo sino ako?"

" wirdo ka at mukhang tuod"

Sabi ko . Pero dahil naka maskara sya diko makita ang reaksyon nya.

"xenon nakita mo si zajid?bigla nalang nawala hahanapin nya daw pin nya e"

Nilingon ko yung babaeng nagsalita. Si andrea yun. At xenon name nung lalaki?

Magpapasalamat sana ako ng mawala na yung lalaki sa harap ko.

Napakamot nalang ako sa ulo ko.

Puntahan ko kaya si prestine?pero natatakot ako.

Tumakbo ako papunta sa bahay ni zajid.

At pagbukas ko ng pinto halos mapasigaw ako

"waaaaa!!"

"ssssh!!!"

Sabi ni zajid kaya tumigil ako

Kasi naman nag yoyoga si zajid siraulo .

" bat mo ginagawa yan?" parang eng eng kong sabi

"para mag ka abs hehe"

Napanguso ako. Ang baliw ng lalaking to

"alam mo bang hinahanap ka nina prestine? Saka nasa akin ang pin mo"

Sabi ko sa kanya na pinagagalitan sya .

Huminto naman sya at tinignan ako at umiling

" im tired masakit masampal hahahaha nga pala bat ka lumabas? Diba duwag ka? Unless gusto mo mamatay?hahahaha"

Siningkitab ko sya ng mata at akmang sasapakin ng ngumuso

"oh please eat kiss me to ease my pain"

"ZAJID!!!!"

"Hahahahahahaha"

Halos magpagulong gulong sya sa kakatawa.

Sige tumawa kang hinayupak ka.

" matulog na tayo bebe ko"

At kinindatan nya ako. Nginiwian kolang sya.

"bebe mo ulo mo che!" at pumasok na ako sa kwarto at iniwan syang tumatawa dun sa sala.

Minsan talaga mapapaisip ako kung may tama sa utak ang lalaking yun. .

Teka sinong sumampal sa kanya? Ah baka si andrea o si prestine.

Inalis ko ang jacket at nahiga na sa kama.

Dalawang beses ko na nakita yung lalaki pero diko pa alam ang name nya.

E si jethro kaya asan na?

Miss ko na sya

Bukas kukulitin ko sya.maaalala nya din ako.

--

Someone pov

"nakakapaso ang ganda nya, sa tingin mo makakatulong sya o makakagulo lang?"

Inikot ko ang kulot kong buhok.habang nakamasid sa dalagang ginagapangan ng takot

" depende kung anong kaya nyang gawin. Kung makakaya nyang sila ay kontrolin o sya ang makontrol"

Tinignan ko lang sya at umiling

" we dont know, at alam mong Hindi tayo pwede makialam"

"yeah, dahil iba ang layunin natin"

"mag aantay lang ba tayo?kelan tayo kikilos?"

"kapag lumabas ang katotohanan."

Sabi nya at iniwan na kami na nakatingin padin sa mga binata at dalagang nagtatakbuhan.

Nagpapatayan na hindi naman alam ang dahilan.

Siguro nagsasaya na naman sya dahil umaayon sa plano nya ang lahat.

Sige lang mag saya ka.Gaganti ako sa lahat ng ginawa mo.

Na kahit anak mo idadamay ko . Maghintay ka lang ...

下一章