webnovel

KABANATA APAT

****

Dahan-dahan kong hinihilot ang sintido na kapagka- ay mapapahilamos din. Paulit-ulit. Habang tumatakbo naman ang isipan ko sa iisang suliranin. Paano ako makakaalis dito?

Nagising ako ilang minuto na ang nakakalipas. Magulo at nagtataka. Pero habang tumatagal ang oras ay bumabalik na sa isipan ko ang lahat. Simula sa araw nang pagkawala ni Calley, hanggang sa mga oras na ninanais ko ng mamatay.

Totoo ang lahat. Pero bakit buhay pa ako? Bakit parang wala namang nangyari? Ano ba talaga ang nangyayari sa akin? Pakiramdam ko ay mas nadadagdagan pa ang pasanin na nakapatong sa balikat ko. Pagod na pagod na ako, pero hindi ko man lang magawang magpahinga. Ni hindi ko magawang umayaw.

I don't even hear the noise made by the students. Dahil masyadong ukupado ng kung ano man ang nasa isipan ko. Ano ang buong pangyayari? Nawalan ako ng ulirat at wala na akong maalala pa.

Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ang katok mula sa pinto. Nilingon ko iyon at mula sa ibaba ng siwang ng pintuan ay nakikita ko ang dalawang pares ng mga paa.

"May tao ba rito?" tanong ng lalakeng nasa harapan ng pinto.

"Meron siguro, sarado eh."

Biglang bumugso ang kaba sa dibdib ko. Isa itong malaking kahihiyan kung mahuhuli nila akong nagtatago sa CR mismo ng mga lalake. Bakit ba kasi hindi ko man lang tiningnan kung anong CR ang napasukan ko? Kainis. Pero maiisip ko pa ba 'yon lalo na't nasa bingit ako ng kamatayan?

Inabot ng isang minuto bago umalis ang nakatayong mga paa sa harapan ng cubicle na pinagtataguan ko, kaya kahit papaano ay nabawasan nang kaba ang dinadala ko.

Pero ang problema ay kung paano ako makakaalis dito. Tapos na ang klase sa hapon at ang natitira na lamang ngayon ay ang may mga klase sa gabi. At ang mga estudyanteng naririto ay imposibleng makakaalis kaagad. Varsity sila sa unibersidad at magagawa nilang manatili rito kung kailan nila gusto.

Paano ako makakalabas?

Pero 'yon pa ba ang dapat kong pagtuunan ng pansin? Muntik na akong atakihin kanina sa paghahanap ng maaaring pagtaguan. At ito lang na wala pa sa katiting na ibinigay na takot ng halimaw na iyon ay pinuproblema ko.

Kaya bakit ako matatakot?

Isa iyong katanungan na bumuo sa desisyon ko. Wala ito sa mga problema na kinakaharap ko ngayon. Walang-wala.

Huminga ako ng malalim bago pinihit ang seradura ng pinto. At katulad ng inaasahan ay pagtatakang mga mata ang ipinukol nila sa akin. Pakiramdam ko ay tumigil ang pagtakbo ng oras. Ni walang nag-abalang gumalaw sa amin. Ako na hawak ang pinto, sila na pigil ang hiningang nakatingin sa repleksyon ko na nasa salamin habang hawak ang kung ano mang hawak-hawak nila.

Sino ba naman ang hindi magugulat? Kung lalake lang ako at babae ang mga kaharap ko ay kanina pa sana ako nasa guidance office, at iyon ang disadvantages.

Bago pa tumagal ang mga pangyayari ay ako na ang gumawa ng hakbang para makaalis sa nakakahiyang posisyong iyon. Kaagad akong naglakad palabas kahit na pakiramdam ko ay tinitingnan pa rin nila ako mula sa likod. May ilang mga lalakeng nakasalubong pa ako na takang-taka kung bakit ako nanggaling sa pupuntahan nila.

Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy sa paglalakad ng tuwid. Wala lang ito sa mga problema ko. Oo, wala lang ito Furen.

Muli ay nagpakawala ako ng malalim na hininga. Sabik na sabik na akong makalayas sa lugar na ito, pero bwesit! Bakit parang ang layo naman yata ng exit ng gusaling ito. Kailangan ko pa tuloy pagdusahan ang mga tinging nanggagaling sa mga ilang estudyanteng napapatigil sa ginagawa sa tuwing napapansin ako.

Sa labis na pagmamadali ay hindi ko na napansin ang taong pumasok. Dire-diretso lang ang naging lakad ko hanggang sa tumama ang ulo ko sa katawan niya, na muntik ko ng ikatumba kung hindi niya lang kaagad ako nahawakan sa balikat.

Mabilis na inayos ko ang sarili at napatingala sa lalakeng kaharap ko. Kunot-nuo itong nakatingin sa akin. Umiwas ako ng tingin at nang naghahanda na akong maglakad ay hinawakan niya ulit ako sa braso.

"Okay ka lang?"

Hindi ko siya sinagot at umalis na lang. Nakalabas ako ng gusali at nadatnan ang madilim na paligid. Sa tulong ng mga ilaw sa gilid ng mga poste ng paaralan ay nakikita ko pa ang daan na tinatahak ko ngayon.

Hindi ko maiwasang hindi lumingon-lingon sa magkabilang gilid. Sa kakarampot na mga ingay ay nagiging alerto ang pandinig ko. Nagiging matalas ang paningin ko sa mga madidilim na lugar na nilalakaran ko.

Lumabas ako sa eskwelahang pinapasukan ko. Muli ko na namang tatahakin ang daan sa madilim na eskinita. Mas mabuti na iyon. Mas mabuti nang walang makita kaysa naman sa maliwanag na lahat ay nakikita ko.

Sa ikalabing-tatlong palapag. Tahimik at maingat akong naglakad sa hagdan papunta sa apartmento na tinutuluyan ko. Madilim at tanging liwanag lang na nanggagaling sa siwang ng mga pintuan ang tanging nakikita ko. Pagkarating ko ay kaagad kong ini-lock ang pinto. Diniretso ko ang bintana at hinawi ang kurtina na nakatakip sa kabuuan ng syudad 'sa di-kalayuan.

Naupo ako sa upuan na kaharap nito at inabot ang alak na noong isang araw ko pa iniinom. Lumagok ako ng isa bago inilibot ang paningin sa kalawakan sa labas.

Ilang taon na rin akong ganito. Simula noong mawala si papa ay nagsimula na ring magulo ang mundo ko. Ang perpektong mundo na ibinigay niya ay gumuho na lang na para bang isang bahay na wala ng tibay. Na parang ginising lang ako galing sa napakagandang panaginip at nagising din sa tunay na mukha ng mundo.

Natuto akong mag-isa. Natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa. Walang inaasahan at walang masasandalan. Pilitin ko mang magsimula ay hindi ko magawa. Nanatili pa rin akong lugmok katulad noong mga panahong kawawala pa lang ni papa.

Kung madali lang na sundan ko siya ay susundan ko talaga siya. Dahil ngayon, pagod na pagod na ako. Minsan hindi ko na naiisip kung ano ba talaga ang purpose ng buhay na ito. Kung mayroon ba o wala na. Kung madali lang sabihin na ayoko na, tama na, gusto ko ng magpahinga. Kung madali lang sana...

Pero hindi. Lalo na noong may masaksihan ako sa pagkatao ko. Hindi ako isang ordinaryo. Nakakakita ako ng mga kaluluwa na matagal ng namamalagi sa mundo. Kaluluwa ng mga taong mamamatay na. Nakikita ko sila, katulad nang makita ko si Calley.

Ang nangyaring sunog. Hindi iyon ordinaryong sunog lang dahil sa naiwanang kandila, dahil plano iyon ng mga kaluluwang walang magawa sa mundo na hindi na sa kanila. Lahat ng mga aksidente ay may pinagmumulan.

Hindi ko iyon pinansin katulad ng nakagawian. Marami akong nakakasalubong at nadaraanang mga kakaiba, pero pinipilit ko iyong iwasan hanggang sa makita ko si Calley.

Si Calley na kaibigan ko.

Ako ang dahilan kung bakit siya namatay. Kung sana sinipot ko lang sila noong araw ding iyon sa klase, kung sana ay kinausap ko lang siya tungkol doon. E'di sana buhay pa siya. E'di sana... Natutupad pa niya ang mga pangarap niya.

Tinungga ko ang bote ng alak nang nakapikit at hinayaang pumatak ang mga luhang ilang taon ko na ring pinipigilan. Ipinahinga ko ang ulo sa upuan.

Matatawag ba akong isang tunay na kaibigan? Kung hindi ko man lang kayang iligtas ang kaibigan ko sa halip na sarili?

Gusto kong humingi ng tawad sa kanya. At gustuhin ko mang magpaliwanag... Ay hindi ko na siya makita. Walang Calley -ing nagpapakita sa mga mata ko. Siguro dahil galit siya sa akin. Natawa ako ng pagak. Kasalanan ko naman talaga.

Nagising ako kinabukasan dahil sa mainit na liwanag na tumatama sa buo kong katawan. Dumilat ako at nabungaran ang tahimik na syudad. Umaga na at abalang-abala na ang mga tao sa ibaba. Nananatili pa ring mga abo ang lugar na pinangyarihan ng sunog. Wala pa rin siguro silang pera sa pagpapaayos noon.

Tumayo na ako at kaagad na hinubad ang uniporme. Pumunta ako sa kusina at naghalungkat ng maaaring kainin. Isang cereal ang natitira sa nakatiwangwang na lamesa. Inilagay ko iyon sa mangkok at nilagyan ng tubig na galing sa gripo. Naupo ako sa sopa at nagsimulang kumain.

Ito na ang huling pagkain na mayroon ako sa buwang ito. At wala pa rin akong nahahanap na matinong trabaho. Isinubo ko ang huling kutsara ng cereal at hinigop ang kaunti at matabang nitong sabaw. Ito ang buhay ko. Ang magising para magdusa.

Inilapag ko ang mangkok sa lapag at inihiga ang katawan sa malambot pero bulok na sofa. Inunat ko ang mga kasu-kasuan dahil sa pangangalay na natamo sa pagtulog ko sa upuan.

Narinig ko pa ang panggigising ng alarm clock na nagsasabing alas otso na ng umaga. Pero wala akong ganang pumasok ngayon. Baka kung ano na namang kakaibang halimaw ang makita ko. Kaya napagdesisyunan ko na lang na ipagpatuloy ang pagtulog.

➖➖➖➖➖

Pinagmasdan ko ang bawat taong naglalakad, bawat sasakyang umaandar at humaharurot sa bilis. Bawat apartamentong nakakatawag ng pansin sa paningin ko.

Hindi mo masasabing lahat sila ay totoo. Ang iba sa kanila ay nagbabalat-kayu. Nagpupumilit makisabay sa buhay na wala namang saysay na, dahil patay na sila. Mga kaluluwang sumisilong sa liwanag ng araw para maramdamang hindi sila nag-iisa.

Dapat ba akong maawa sa kanila kaysa sa sarili ko? Hindi ko na rin alam. Dahil pakiramdam ko ay parehas lang kami. Pinagkaitan ng kapalaran na maranasan ang masayang buhay sa ibabaw ng mundo.

I spend most of my time avoiding an eye contact to everyone. Mapatao man iyan o mga bagay sa labas ng bahay ko. Always keeping my head down everytime when I am around with people. Because I am scared. I'm too coward to deal with my fate. Dahil sa tuwing titingin ako, hindi ko na nakikilala pa ang totoo sa hindi...

****

下一章