webnovel

My Innocent Maid XLVII

Marco

Maagang natapos ang pakikipag-usap nina Dad at Mom sa magulang ni Beatrice. Masaya ako dahil maaga palang ay makakadaan na ako sa Mahal ko. Napangiti naman ako kay Beatrice nang makita ko na tumayo na si Mom sa kinauupuan niya.

"Naks! Masaya 'yong kilala ko kasi mapupuntahan niya 'yong mahal niya nang walang aberya." bulong na tukso ni Beatrice sa akin kaya napangiti nalang ako.

"Huwag ka maingay." saway ko sa kanya na ikinangiti niya lang. "Baka marinig ka ng Dad mo, mahirap na." sambit ko, nakita ko namang isinenyas niya ang kamay niya at izinipper ang bibig. Natawa kaming parehas dahil sa ginawa niya. Napatigil naman kaming dalawa sa pagtawa nang makita naming tumingin silang apat sa gawi namin. Beatrice just smiled at them and give them a peace sign. Nakita ko namang ngumiti sila sa amin kaya tinignan ko si Beatrice na para bang sinisisi siya dahil doon.

"Sorry naman daw." tumatawang sabi nito at pilit na pinapahina ang kanyang tawa para hindi marinig. Magsasalita sana ako nang makita kong tumayo na pati si Dad kaya inaya ko nalang siya na pumunta sa kanila. Saktong paglapit namin, narinig kong nagpaalam na sina Dad.

"Let's go, Marco." aya ni Mom sa akin kaya nagpaalam na din ako sa kanilang lahat at humalik sa pisngi ni Beatrice bago ngumiti at sumama na kina Mom. Laking pasasalamat ko dahil may dala sina Mom na sasakyan. Pinasakay ko muna sila at nagpaalam bago ako tumungo sa aking sasakyan. Kumaway muna ako kay Beatrice bago ko pinaandar ang aking sasakyan at umalis na.

Hindi mawala-wala ang ngiti sa aking mga labi habang binabagtas ko ang daan pauwi sa kanya. Masaya ako dahil alam ko na makakabawi ako dito kahit ngayong araw man lang. Nang matanaw ko ang building ay mas lumawak pa ang aking mga ngiti.

"Malapit na ako, Mahal ko." nakangiting bulong ko at ipinark ang aking sasakyan sa harap ng building. Nang makababa ako ay agad akong tumungo papasok. Matagal muna akong naghintay sa baba bago bumukas ang elevator. Nang tuluyan na akong nakaakyat ay nakangiti ako habang pinagmamasdan ang pinto ng condo. Gusto ko siyang sorpresahin kaya hindi ako gumawa kahit na anong ingay man lamang.

Pagpasok ko ay tahimik sa loob, wala kang maririnig na ingay mula sa kung saan. "Baka nasa loob ng kuwarto at nagpapahinga." pangpalubag loob na sambit ko sa aking sarili dahil medyo kinabahan ako na hindi ko siya nakita.

Naglakad na ako papasok at pumunta sa kuwarto. Nang makapasok ako at makitang wala siya doon ay sinuyod ko ang buong condo, nagbabakasaling hindi tama ang kutob ko.

"Asan ka, Mahal ko?" nag-aalalang tanong ko habang sinusuyod ko nang paulit-ulit ang buong condo. Paglabas ko sa sala ay nanghahapo akong napaupo dahil sa frustrasyon. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. Nang mapatingin ako sa mesa ay napakunot ang aking noo dahil hindi ko ito napansin kanina. Siguro ay dahil ito sa pagmamadali ko na  mahanap siya kaya hindi ko ito nakita.

Kinakabahan man ay dahan-dahan ko itong kinuha at binuksan. Bumagsak lahat ng pag-asa ko nang mabasa ko ang nilalaman ng sulat.

"Mahal ko, uuwi muna ako kina Inang para magkaroon ka ng sapat na oras para magawa mo ang lahat ng kailangan mong gawin nang hindi ako nakakasagabal sa'yo. Alam ko na umuuwi ka lang sa akin dahil iniisip mo kung kumusta na ba ako. Huwag ka mag-alala, Mahal ko. Maayos lang ako at sana hayaan mo muna ako kina Inang. Alam kong busy ka at wala ka nang mailaan na panahon para sa akin. Naiintindihan naman kita at sana hindi ko mabalitaang natuloy ang kasal mo. Mahal na mahal kita, Mahal ko. Umaasa akong magtagumpay ka. Hihintayin kita, Mahal ko."

Pagkalapag ko sa  mesa ng sulat ay parang naging hungkag ang pakiramdam ko. Ang isiping umalis ito dahil sa nawawalan na ako nang panahon dito ay nagpapaguilty sa aking kalooban. Aminado naman ako doon, lalo na nang nangako ako sa kanya na uuwi ako pero hindi ko nagawa. Pakiramdam ko ay para akong nadaganan ng ilang tipak ng malalaking bato dahil sa nalaman ko.

Napasandal nalang ako sa sofa at napapikit nalang dahil miss na miss ko na siya tapos madadatnan ko siyang wala at ang malala pa ay ang umuwi pala ito ng probinsiya. Hindi naman sa ayaw ko siyang umuwi sa pamilya niya pero sana hinintay niya nalang muna ako kung may balak pala siya para kahit papaano ay naihatid ko siya sa kanila.

Nasa ganoon akong pag-iisip ng bigla nalang nagring ang telepono ko. Napamulat agad ako at naexcite dahil ang nasa isip ko ay si Katherina. Nang makita ko na si Beatrice palang ito ay bumagsak na naman ang balikat ko at malungkot na sinagot ang tawag.

"What made you call? Magkasama lang tayo kanina?" tanong ko dito na ikinahinga niya nang malalim. Sa ginawa niya ay kinabahan ako dahil baka may hindi magandang nangyari.

"Dad knows about our plan, Marco. What should we do?" umiiyak na ito sa kabilang linya habang tinatanong niya 'yan sa akin.

"What?" naguguluhang tanong ko dahil parang hindi nagsink in sa utak ko ang sinabi niya.

"Dad locked me up and I can't come out until the wedding comes. Were hopeless, Marco." humagulgol na ito sa kabilang linya. Mas lalo namang bumigat ang loob ko sa sinabi niya.

"I don't know what to do, Beatrice. That's the only idea I have." nanghihinang sambit ko dahil maski ako ay parang bigla nalang akong nawalan ng pag-asa. Ilang araw nalang at gaganapin na ang kasal tapos ang plano namin ay parang natibag na pader na imposible na naming maiayos pa. Narinig ko siyang mas umiyak pa sa kabilang linya kaya wala na akong magawa kung hindi ang mapayuko at mapasabunot sa aking buhok.

"Bakit kailangang ngayon pa? Konti nalang! Bakit ngayon pa!" napasigaw nalang ako at tinadyakan ang mesa dahil sa frustrasyon na mas tumindi pa. Hindi ko na namamalayang umiiyak na pala ako dahil pakiramdam ko ay hindi ako makakagawa ng paraan para itigil ang kasal sa Sabado. "Fuck that wedding! And fuck him to death for making our life misserable!"

"What should we do, Marco? How can we stop the wedding? I can't think of anything right now. I'm useless!" umiiyak pa nitong bulalas sa akin.

"You're not useless, Beatrice. It's just that you're stepfather is a big dick head and a fucker!" hindi ko mapigilang sambit dahil sa galit na umusbong sa loob-loob ko para sa tatay nito.

"It's all my fault, Marco. If I didn't tell him that I'm engage. Hindi mangyayari ito at hindi ka malalagay sa alanganing sitwasyon. I fucked up, Marco and it's all my fault that we ended up like this." sisi nito sa sarili niya habang walang tigil pa din ito sa pag-iyak. Naawa naman ako sa kanya pero anong magagawa ko? Hindi ako makapag isip nang mabuti dahil ang nagsisilbing lakas ko ay umalis at iniwan ako.

"Don't blame yourself, Beatrice. Hindi mo naman kagustuhang mangyari ito. It's your father's decision kaya siya ang may kasalanan ng lahat ng ito. We have time left at kailangan nating mag-isip nang panibagong plano." suhestiyon ko dito.

"How? I can't even get out of this fucking room! Tell me how can I help you!" nawawalan nang pag-asa na sigaw nito sa kabilang linya na sinagot ko nang buntong hininga. "See? We are fucked up!" sigaw uli nito.

"May oras pa tayo, Beatrice and we should think for a better plan. Alam ko na mahirap na dahil ilang araw nalang but we should try, Beatrice. Kung ayaw mong matuloy ang kasal we should think harder to get a better idea." pagkukumbinsi ko dito dahil parang bibigay na siya sa sitwasyon namin. And I can't make that happen. Ayokong iwan si Katherina at ayokong  matuloy ang nalalapit na kasal.

"Paano, Marco? How can we think of plans kung nakakulong ako dito at binabantayan ng madaming bodyguards? Hindi na din ako magtataka kung may nakabantay na din sa'yo ngayon." sambit nito na ikinaayos ko nang tayo at tumungo sa may glass panel. Nang tumingin ako sa labas ay nakompirma ko na tama ang sinabi niya.

"Tama lang pala ang pag-alis ni Katherina dahil kung hindi ay baka madamay siya sa magulong takbo nang buhay nating dalawa ngayon." malungkot na sambit ko dito.

"Katherina left you?" napatigil ito sa pag-iyak at tinanong ako. Napatango ako at hindi sumagot na akala mo naman ay makikita niya ang aking pagtango. "I'm sorry, Marco. May mabigat ka palang problema ngayon and now dumadagdag pa ako."

"Wala na tayong magagawa. Mas mabuti na munang wala siya dito dahil kailangan nating makapag-isip ng mas maayos at solidong paraan. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya bago nagsalita.

"Why don't we give it a try, Marco?" nanghihinang sabi nito na nakapagpatigil sa aking pag-iis. Tama ba ang narinig ko o nabingi lang ako? Sumusuko na ito at gusto nang ituloy ang kasal na 'yon.

"What are you trying to imply, Beatrice?" umaahon ang galit sa dibdib ko nang tanungin ko 'yan sa kanya. Dahil nagagalit ako na ganoon ganoon nalang niya isuhestiyon sa akin ang pagtuloy sa kasal na 'yon. Nakakagago lang.

"Dad is powerful and we can't do anything. Ituloy nalang natin ang kasal total we get along easily. Baka matutunan din nating mahalin ang isa't-isa." suhestiyon nito na ikinagalit ko.

"What the fuck, Beatrice! You know I can't do that! I'd rather die kaysa ang saktan ko ang Mahal ko. I will find a way, Beatrice! If in time I don't have plans. I rather kill myself than to continue that fucking wedding your agreeing for!" sigaw ko dito dahil sa totoo lang ay galit na galit na ako. Ang dali niyang sumuko! Akala ko ba mahal niya ang boyfriend niya? Bakit kung sumuko siya ay ganoon nalang kadali. Dahil sa galit na nararamdaman ko ay pinatay ko na ang tawag at tuluyang ini-off muna ang telepono ko. Ayokong may makausap kahit isa dahil gusto kong mapag-isa para makaisip nang bagong paraan para hindi matuloy ang kasal.

"Lord help me. Help me find a way to stop this wedding. Ayokong matuloy ito dahik ayokong saktan ang taong pinakamamahal ko. Sabihin na po nating selfish ako pero ayokong magpakasal sa iba maliban nalang sa kanya. Please help me." umiiyak na panalangin ko at frustrated na naihilamos ang dalawang kamay ko sa aking mukha.

Wala nang pumapasok sa isip ko ngayon kaya nanghihina akong nakayuko at tahimik nalang na umiiyak.

下一章