webnovel

My Innocent Maid II

Katherina

Nang maihatid ako ni Tiya sa gate ng napakalaking bahay na 'to. Binilinan niya agad ako ng sangkatutak na pabaon. Binigay niya sa akin ang susi ng bahay na inihabilin daw ng may-ari sa kanya bago siya tumungo ng probinsiya para kunin ako.

Pinapasok naman ako ng sekyu nila nang sabihin ni Tiya na ako 'yong hinihintay nilang katulong. Kilala naman si Tiya kaya madali lang nila kaming pinapasok sa loob. Pero ang sabi ni Tiya, wala daw ang mag-asawa, nasa biyahe pa daw sila at sa isang buwan pa ang balik. Ang naiwan lang daw dito ay ang nag-iisa nilang anak na lalake, pero madalas daw itong wala sa bahay.

Binukas ko ang napakalaking pintuan at pumasok sa loob. Napalibot ang paningin ko sa loob at talagang namangha ako sa nakikita ko.

"Ang gara pala maging mayaman. Aba! May  malaking pasabit pa sila sa gitna. Bongga!" namamanghang sambit ko at hindi ko maiwasang mapanganga dahil sa kagandahang taglay ng buong bahay. 

"Sa laki ng bahay na ito, nagkikita-kita pa ba ang mga nakatira dito?" tanong ko sa sarili ko at napaisip. "Baka hindi na." umiiling-iling na sagot ko sa sarili kong katanungan.

Nang matapos kong pagpantasyahan ang buong lugar, hinanap ko na ang magiging silid ko. Dahil sinabi naman ni Tiya kung saan ang kuwartong ookupahan ko, madali ko nalang itong nahanap. Malapit na ako sa may kusina ng may marinig akong ungol ng tao at pagbagsak ng ilang bagay na nagmumula doon.

"Hala! may tao!" bulalas ko, "Baka magnanakaw!" nilibot ng mata ko ang paligid at naghanap ng puwede kong gamiting pang-armas. Nang makita ko sa 'di kalayuan ang walis tambo na nakatabi sa isang gilid, agad ko itong kinuha at dahan-dahang pumunta ng kusina.

Nakatingkayad na akong naglalakad papuntang kusina. Pagpasok ko, napatulala ako sa nakikita ko. Dalawang tao ang nasa tabi ng mesa. Nakahiga 'yong babae habang 'yong guwapong lalake naman ay nakatayo sa harap niya.

Mas lalo akong natulala at napamulagat ng makita kong pinaglalaruan nang lalake ang dibdib ng babaeng nakahiga. Sinubo pa nito ang dibdib niya habang ang mga kamay nito ay naglalaro sa kabilang dibdib ng babae. Grabe naman 'tong mga ito, ano kayang ginagawa nila. Nakahubad 'yong babae habang 'yong guwapong lalake naman ay nakahubad din pero nasa paanan nito ang pantalong niya.

Hindi ko maiwasang pamulahan ng pisngi ng makita ko ang malaking bagay na nakalawit sa harapan ng lalake. Nakaharap kasi ito sa akin kaya buong-buo ko itong nakikita. Mas lalo pang lumaki ang mata ko ng makita kong ipinasok niya ito sa gitnang bahagi ng babaeng nakahiga. Nakapikit silang dalawa habang 'yong lalake ay gumagalaw sa harapan nito.

"Ohhhhh Baby! Faster! Pak me, Baby!" 'yan ang narinig kong sinasambit ng babae na pabaling-baling ang ulo habang nakakawit ang dalawa nitong paa sa balakang ng lalake.

Mas lalo namang binilisan ng lalake ang paggalaw habang nakapikit din. Pinaglalaruan pa nito ang magkabilaang dibdib ng babae.

"Hindi ba ito nasasaktan sa ginagawa ng lalake sa kanya?" nagtatakang tanong ng isip ko habang patuloy pa rin sa panonood.

Gusto ko nang pumasok sa kuwartong ookupahan ko para maiayos ko na mga gamit ko, kaso nag-iisip pa ako kung paano. Kailangan ko kasing dumaan sa gilid nila para makapasok ako doon. Nahihiya naman akong mag-excuse dahil baka maistorbo ko sila sa ginagawa nila.

Pag dumiretso naman ako bigla, baka sabihin naman nila akong bastos.

Pinapanood ko lang sila sa ginagawa nila habang nag-iisip kung paano makakadaan ng hindi nila napapansin. Pero napailing ako dahil imposibleng hindi nila ako mapansin.

Hindi ko kasi alam kong mag-e-excuse  nalang ba ako para makadaan o didiretso nalang.

Sa huli, napag-desisyunan kong mag-excuse nalang para naman hindi nakakahiya. Kaya huminga muna ako ng malalim bago kinuha ang bag ko sa malapit at naglakad na patungo sa kuwarto.

"Excuse me po, makikiraan lang po." malakas kong bigkas ng nakayuko na nakapagpatigil sa kanilang ginagawa. Nakita ko sa gilid ng mata ko na nagmamadaling itinaas nang lalake ang suot nitong pantalon bago humarap sa akin. At 'yong babae naman, dali-daling nagtago sa likod nang lalake.

Naglakad na ako papunta sa kuwarto  at hindi na sila pinansin pa. Malapit na ako sa pinto ng marinig ko ang galit na boses ng lalake na nakapagpakaba sa akin.

"Who the fuck are you! What are you doing here!" galit na sigaw ng lalake sa akin.

Hindi ako lumingon dahil natakot ako at kinakabahan sa sigaw nito.

"Pag kinakausap ka! Huwag kang nakatalikod!" sigaw ulit niya na nakapagpaigtad sa akin kaya napalingon agad ako at nabitawan ang mga dala-dala kong bag.

"Ah-eh-Sir, pasen-siya na po kung naka-istorbo ako." kinakabahang sambit ko at nauutal pa dahil sa takot.

"Who are you!" hindi ba ito nauubusan ng laway kakasigaw. At dahil baka mas magalit pa ito, sumagot nalang ako para matapos na at makapasok na ako.

"Katherina Macabagbag po, Sir, mula sa kanlurang bahagi ng Pilipinas. Bente siyete anyos at anak ni Maria Lourdes Macabagbag." pagpapakilala ko, nakita kong nagpipigil sila ng tawa dahil nagkatinginan pa ang mga ito.

"Are you the maid Mom was talking about?" nakatulala ko lang siyang tinignan dahil hindi ko alam kung naintindihan ko ang sinasabi niya. Bakit ba kasi english ng english ang lalakeng ito. Puwede namang magtagalog nalang para mas maintindihan ko pa.

"Sir..." alanganing sambit ko at napapakamot sa ulo ko. "...ano po ulit ang tanong niyo? Puwedeng pakiulit at pakisabi na rin sa tagalog, Sir, hindi ko po kasi naintindihan." napayuko na ako at nilalaro ang mga daliri ko sa kamay.

"Sabi ko, ikaw ba 'yong katulong na sinasabi ni Mom?" napatango ako at sumagot.

"Opo sir, ako nga po. Kung hindi niyo po mamasamain Sir, i-a-ayos ko na po ang mga gamit ko para makapag-unpisa na po akong maglinis sa mga kalat niyo." sabi ko at tinignan ang mga nakakalat na damit sa sahig at nakatumbang mga silya.

"Pasensiya na talaga Sir at naabala ko pa.kayo sa ginagawa niyo.  Sige po papasok na po ako,  puwede niyo na pong ituloy 'yong ginagawa niyo. Promise po, hindi na po muna ako lalabas." nakangiti ng sabi ko at tumalikod na.

Nang tuluyan na akong makapasok sa kuwarto. Inilibot ko ang paningin ko sa loob at namangha dahil sa lawak ng kuwarto.

"Buong bahay na namin ang laki ng kuwartong ito ah." sambit ko at inilapag ang dala kong bag malapit sa kabinet na andoon. Agad akong pumunta sa kama sa malapit at umupo doon. Namangha ako mas lalo nang maramdaman ko ang lambot ng kama.

Napangiti ako at umakyat sa kama mismo. Lumingon-lingon pa ako at nang masigurado kong ako lang talaga ang tao sa loob. Tumalon-talon ako sa kama at masayang tumatalbog. Ang sarap pala ng feeling ng ganito kalambot ang inaapakan mo. Nang mapagod ako, pabagsak akong humiga habang nakangiti. Makikita mo sa mukha ko ang kasiyahan. Pero nang maalala ko ang ipinunta ko dito. Agad akong bumangon at iniayos ang mga gamit ko.

Nang matapos kong maiayos lahat ng gamit ko. Lumabas ako ng kuwarto at dumiretso sa kusina para maglinis.

Malapit na akong matapos sa paglilinis ng may pumasok na dalawang babae. Matanda 'yong isa at kasing edad ko lang naman 'yong isa. Agad akong umalis ng tayo at bumati sa kanila.

"Magandang hapon po sa inyo. Ako mo pala si Katherina." pagpapakilala ko at lumapit sa matanda para magmano samantalang nginitian ko lang ang huli.

"Kaawaan ka ng Diyos, Ineng. Ako naman si Lola Dahlia at ito naman ang apo kong si Lhynne. Kanina ka pa ba dumating?" tanong nito na agad ko namang tinanguan.

Agad ko silang tinulungang bitbitin ang mga pinamili nila. Nang mailapag ko na lahat sa mesa, tumulong pa rin akong ayusin ang mga ito at ilagay sa lalagyanan. Noong una hindi ko pa alam kung saan ko ilalagay. Pero dahil sa pinalaki akong makulit, kada hawak ko sa pinamili nila ay tinatanong ko kung saan ang lalagyanan. Buti nalang mababait sika at hindi sila nakulitan sa akin.

Madali ko lang silang nakapalagayan ng loob dahil nakikita ko sa kanila si Inang at kapatid kong babae. Tawa sila nang tawa habang nagkukwento ako ng bagay tungkol sa mga ginagawa ko sa probinsiya. At dahilsa kanila, mas gumaan ang nalulungkot kong pakiramdam.

下一章