webnovel

So close... yet so far

"Ate! 'Wag kayong tumingin ni lola. Nakatingin na rin tuloy si Carter, at pati ang iba oh napapatingin na." pag-aalala ko dahil siguradong pag-uusapan nila yan habang kumakain at baka tanongin pa ni Carter.

"Tsk tsk, tinitignan mo na ngayon ang cctv footage huh, porket nandito lang si Carter nagkakaganyan ka na huh..." pagbibiro niyang pabulong sakin saka ako binabaan at hindi ko alam kung narinig kaya yun ni Carter na sana naman ay hindi dahil may pagka maingay sila roon at sa dami nila ay puro pa matatanda ang kasama nila.

Inalis na din ni Carter ang tingin niya sa cctv ng tawagin siya ni lola at ate Merly na umupo na at kakain na.

Napatingin si Carter kina lola at sa lahat ng mga kasamahan nila sa hapag at mukhang may hinahanap na nagbigay tibok sa puso ko. Hindi ko alam pero feeling ko talaga ako ang hinahanap niya at napansin din ata yun ni lola

"Tapos ng kumain si Mcain iho" pagsasabi ni lola na itinango nalamang ni Carter na sinasabing ganun po ba.

"Kung may kailangan ka magsabi ka lang; maaari ka ring maglibot-libot ng mansyon kung gusto mo iho. Ituring mo nalang na para mo itong bahay" pagbibigay pahintulot ni lola sa kaniya na ikinangiti ko dahil alam kong pinapahintulotan ni lola si Carter dahil gusto ko siya pero kung hindi dahil sakin sigurado akong baka hindi pa pinahintulutan ni lola na mamalagi siya ng mansyon at lalong baka di pa niya binigyan ng pahintulot para makita siya nito sa kompanya.

Kilala si lola sa pagiging stern look nito at hindi mo siya madaling mapapayag kahit pa umiyak ka na ng dugo.

Mga kilalang mayayaman lang ang nakakakillala kay lola sa personal na kung tutuosin ay hindi naman talaga niya dapat kailangang imeet si Carter para sa pagsponsor niya sa concert nito dito sa Pilipinas.

Wala na 'kong mahihiling pa sa buhay kung iisipin dahil nasakin na lahat, kahit wala na sina mommy at daddy ay maswerte pa rin ako't mayroon sina lola at lahat ng mga kasamahan namin dito sa mansyon na laging nariyan para sakin.

"Magpatawag ka ng board meeting bukas Merly" biglang sabi ni lola habang hinahati ang pagkain nito.

Feeling ko tuloy kasama ko silang kumakain dahil halos bawat isa sa kanila ay kitang kita ko ang ginagawa nila; bawat sulok ba naman ng mansyon ay may cctv at iisang footage lang sa iisang lugar.

"Sige po, para saan señora?" Tanong ni ate Merly dahil na rin siguro sa bihira lang na pagkakaroon ng board meeting.

"Para kay Mcain. Simula bukas ay siya na ang mamahala sa buong ari-arian ng Fetherston" sabi ni lola na ikinatigil ng lahat sa pagkain at pati na rin pagsasalita at saka bumaling silang lahat kay lola.

Tinigil ni lola ang ginagawa nito at saka tumingin sa kanilang lahat dahil na rin siguro alam niyang naghihintay sila ng karagdagang detalye kung bakit ako na ang mamahala.

"Nasa hustong gulang na si Mcain at gusto na rin niya akong magpahinga. Nasa tamang gulang na rin siya at kung tutuusin ay ilang taon na ring halos siya ang namamahala sa kompanya kahit na nasa computer room lang siya nito nagtratrabaho ay walang mintis nitong napapalago ng napapalago ang mga ari-arian ng Fetherston. At alam niyo namang ito ang matagal ko ng hinihiling, na sana'y siya na ang mamahala ng tuluyan dahil umaasa akong sa paglipas ng buwan o taon na pamamahala nito ay hindi natin maikakailang kakailanganin niyang lumabas sa publiko at ito ang matagal ko ng minimithi. Na sana'y makita ko ang apo kong makilala ng buong mundo sa physical nitong anyo at hindi lang sa pangalan. Hindi rin maikakailang, marami ng haka-haka na baka isa sa mga anak niyo ang Mcain Xen hindi ba?" mahabang paliwanag ni lola sa kanila na nagbigay luha sa akin, dahil gustong-gusto na ni lola na ipakilala ako sa buong mundo pero ako lang talaga itong hindi kayang harapin ang nakatadhana sa akin.

Ang ilan sa mga anak ng mga trabahador namin na babae na pinag-aaral ni lola ay nag-umpisa ng magbigay usap-usapan na baka isa sa kanila ay ako. Dahil na rin siguro sa kilala silang namamalagi sa mansyon na madalas ding sabihin ni ate Merly na tinatanong rin daw ng mga kaibigan niya kung sino daw sa kanila si Mcain.

Kita ko ang pagtitinginan nila Kyla, Mix, Mial, Rizza at Olena kanina nang matapos sabihin ni lola na isa sa kanila ay iniisip na ng ibang tao ay ako.

Nag-uusap-usap kami kapag nakakasalubong kami minsan sa mansyon pero halos sa isang buwan ay dalawang beses lang dahil na rin siguro sa nag-aaral sila at madalas rin akong nasa kwarto ko lang pagkadating ko galing school. Hindi kami close, hindi tulad ni ate Merly na tinuring na akong parang bunsong kapatid at minsan ay dinadalaw ko siya sa kwarto nila ng kaniyang dalawang taong gulang na anak na si Maro.

"Kung ganun hindi pa siya magpapakita sa publiko señora kahit na siya na ang mamahala rito?" tanong ni ate Merly

"Oo Merly. Sige na at ipagpatuloy na natin ang pagkain" pagpapatuloy ni lola na sinunod naman ng lahat pero maya-maya lang ay tapos na si Carter at nagpapaalam na itong umalis sa hapag at tatawagan pa raw niya ang kaniyang manager.

Oras na rin siguro para tawagan si tito Nathan na magtake na 'ko ng exam para wala na akong iisipin pa kinaumagahan para sa pamamahala ko sa kompanya bukas.

下一章