webnovel

Let me share MY LIFE

Mcain POV

Rinig ko ang pagbukas nang pintoan ng aking kwarto at alam kong si lola yun dahil siya lang ang pumapasok ng walang permiso ko at kahit nakalock ang kwarto ko ay bubukas ito kapag nadetect ng pintoan ko kung sino yun. Si lola at ate Merly lang naman ang pwedeng pumasok sa kwarto ko.

"Good Morning apo" bati agad ni lola nang makita akong nakaupo dito sa balkonahe ng aking kwarto habang kumakain.

"Oh! Good Morning lola" baling ko sa kaniya at saka tumayo para halikan ito sa pisngi. Mukhang kagigising niya lang dahil nakasuot pa rin ang kaniyang robe.

"You're not going to school anymore?" tanong niya habang iniinum ko ang paborito kong fresh-milk.

"Opo, ngayon na rin po siguro yung tamang panahon para pagtuunan ko ng husto ang ating negosyo lola. Kahit na hindi pa ako makilala ng ibang tao, okay na yung dito sa mansyon ko gawin ang lahat ng mga trabaho at kung kailangan man ng presensya ko sa mga event kung saan dapat naroon ako ay si ate Merly nalamang ang pakikiusapan kong dumalo. Ang kailangan niyo nalang gawin ay mamasyal lola kasama ng mga totoo mong mga kaamiga" pagbibiro ko dahil ayoko na ring mag-alala pa siya at may katandaan na rin si lola kaya ngayon na rin ang tamang panahon para magpahinga siya at mag-enjoy kasama ng mga ka amiga niya.

"Sigurado ka ba diyan apo?" At saka niya hinawakan ang mga kamay ko at tinignan akong mabuti sa mga mata.

"Opo lola. Kaya tawagan niyo na ang mga amiga mo't mag-usap kayo kung saan niyo gustong pumunta o kung ano pa man yan. 'Wag na kayong mag-alala sakin at kayang-kaya ko na lahat. Ako pa, ako kaya ang nag-iisang apo ng mga Raconia; I am Mcain Xen Peter Raconia, remember? Sa inyo ako nagmana di ba?" pagmamayabang ko sa kaniya at saka ko siya yinakap ng mahigpit.

"O sha sha kung yan ang gusto ng aking munting prinsesa" biro naman niya na ikinatawa namin at saka siya kumawala sa yakap ko at umalis para mag-umagahan na rin lalo pa't narito si Carter bilang bisita na min.

Maaga akong nagigising at sinadya kong mauna ng kumain at hindi ko din lang naman talaga makakasabay si lola dahil kay Carter, nakakahiyang din namang wala itong kasalo.

Bigla ko na namang naisip kung ano kayang ginagawa ni Carter ngayon, mabuti pang tignan ko nalang sa cctv.

Bawat sulok ng mansyon ay may mga cctv, maliban sa mga kwarto. Ako at si lola lang ang may access ng mga cctv dito sa mansyon, incase of emergency lang kasi ito.

Nakabukas na ang malaking TV sa kwarto ko kung saan naka access rin ang footage at hinahanap kung nasan siya pero wala akong makitang Carter sa bawat sulok ng mansyon kaya baka nasa kwarto pa siya nito.

Saktong tatalikod na sana ako para kunin ang cellphone ko at tawagan sana si ate Merly nang makita ko siya at palabas siya sa kanang bahagi malapit sa kwarto ko.

Ang kwarto ko at kwarto ni lola lamang ang may pinakamalawak na kwarto dito sa mansyon pero mas malawak sakin kaysa kay lola dahil narito ako sa third floor at bawat floor ay may tatlong kwarto pero na-occupy ko ang kalahating bahagi ng 3rd floor at ang isang kwarto ay nasakin pa rin dahil ang daanan papunta roon ay nasa loob ng kwarto ko, naroon ang bawat naglalakihang computer kung saan doon ako nagtratrabaho para sa iba't ibang negosyo namin sa bansa.

Dalawa lang ang kwarto dito sa third floor kung titignan at dun siya sa bakanteng kwarto pina stay nila lola. And my gosh, kung lalabas man ako ng mansyon ay madadaanan ko ang kwarto niya.

Pinagmamasdan ko siya habang sinasara nito ang kwarto niya, aalis na sana siya para siguro bumaba ng mapatingin siya sa pintoan ng kwarto ko na may kalayoan sa kinaroroonan niya.

Makikitang nagtataka ito, dahil kumunot ang noo nito. Well, sino naman ang hindi kukunot ang noo kung ang makikita mong pintuan ay parang elevator at sa gitna nito ay may hugis diamond kung saan nakalagay ang pangalan kong Mcain Xen at gold pa talaga ang nakaukit dito.

Sabi ni lola ay sila mommy at daddy daw ang architecture ng kwarto ko. At mula nang isilang ako ay dapat lahat ng gamit ko ay may pangalan ako na dapat gold lagi ang gagamiting tatak nito.

Kaya... kahit anong gawin kong pagtanggi sa bawat gamit ko na wag ng lagyan ng pangalan ko ay hindi daw pwede sabi ni lola kaya wala na rin akong nagawa pa at nasanay nalang din ako. Ang gamit ko lang na walang pangalan ay yung mga ginagamit ko sa school. Yes, pati shampoo, brush, cellphone, shoes, comb at lahat na ng personal na gamit ay may pangalan akong nakatatak.

Mukhang hindi na napigilan ni Carter ang pagcurious nito sa pintoan ko kaya naisipan na ata niyang lapitan ito dahil naglalakad na ito palapit sa pintoan ko.

My gosh, nasa tapat na siya ng pintoan ko at limang segundo nalang ay tutunog na ang nakaset nitong boses ko kung saan hindi pwedeng pumasok ang isang taong nakatapat dito kapag nadetect niyang wala itong access para pumasok.

下一章