webnovel

Witnessing Your Happiness (18)

編輯: LiberReverieGroup

Chapter 1697: Makita Kang Maligaya (18)

 

"Gusto ni Huo Mian." Iyon lang ang tanging sinabi ni Su Yu.

Sa bandang huli, walang nagawa si An kundi tulungan ang matanda na ibalot ang lahat ng mga tofu skewers.

Bibihirang maging ganito katahimik ang Su Family. Noong bumaba si Huo Mian para uminom ng tubig, nakita niyang nakabukas ang pinto.

Isang lalaki na nasa limangpung taong gulang ang nakasuot ng tradisyonal na suit ang pumasok, gwapo ito pero seryoso ang reksyon sa kanyang mukha.

Tumingin ang lalaki kay Huo Mian at tila nag-dadalawang isip ito.

"Sir, nakabalik nap o pala kayo." Lumapit ang kasambahay para salubungin ang lalaki at inabutan ito ng isang pares ng tsinelas.

Matapos marinig ang sinabi ng kasambahay, agad na ibinaba ni Huo Mian ang baso at nagpakilala ito.

"Kamusta po, Uncle Su. Ako po si Huo Mian."

"Hm." Tumango lang ang tatay ni Huo Mian, seryoso pa rin ang itsura nito. Saka ito tumalikod at umakyat.

鎖定章節

在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者

下一章