Chapter 1610: Di Inaasahang Pagbabago Sa Mga Pangyayari (1)
"Malay ko? Ang narinig ko may mga makakapangyarihang back-up yan eh. Binibisita siya ng warden kada araw. Pero ang alam ko eh mamamatay-tao din yan. Hindi ko kilala kung sino siya pero kakaiba naman. Nakita ko na siya ng isang beses, bata at maganda. Nakakahinayang naman."
"Salamat." Kinuha ni Huo Mian ang fruit platter at pinatong sa mesa. Sa likod niya ay ang kamang maingat niyang inayos. Pakiramdam niya ay wala siya sa kulungan. Bukod sa restricted ang mga pwede niyang puntahan, lahat ng ibang bagay ay tulad pa rin noon.
Nakakatulog at kain siya ng maayos.
Kumagat siya ng kiwi at agad siyang nakaramdam ng hilo.
"Bakit? Masama ang pakiramdam mo?" tanong ng female guard.
"Ayos lang ako, baka stomach flu."
"Tatawagin ko ang doktor."
Agad na hinila ni Huo Mian ang gwardya sa kamay. "Hindi na, 'wag na, ayos lang ako."
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者