webnovel

I Want to Date You for the Rest of My Life (7)

編輯: LiberReverieGroup

Chapter 1426: Gusto Kitang I-date Buong Buhay Ko (7)

"Siyempre wala." Ngumiti si Huo Mian.

"Anak…'wag kang magsinungaling sakin… kung okay lang ako, hindi ako pipigilan ni Doctor Liu tuwing tatanungin ko kung kailan ako ma-didischarge," sabi ni Qin Yumin. Sa totoo lang, matalino siyang matanda… 

Walang sinabi si Huo Mian at tumitig nang tahimik sa father-in-law niya.

"Madaling lokohin yung nanay mo, pero 'di ako katulad niya. Kung blood pressure ko lang, nakontrol na ng injections at gamot dati pa, kaya bakit ayaw ako i-discharge ng ospital? Kaya…'wag mo na itago sakin, sabihin mo kung may sakit ako."

"Dad…"

"Mian, mas matanda nga ako sayo, pero nirerespeto kita kasi magaling kang doktor. Sabihin mo lang sakin ang katotohanan…"

Ginawang klaro ni Qin Yumin na gusto niya malaman kung ano ang mayroon sa kanya, kaya na-guilty si Huo Mian sa pagtago ng kondisyon niya.

"Dad… may nakita silang shadow sa gitna ng utak mo."

鎖定章節

在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者

下一章