Kabanata 1315: Bisperas Ng Bagong Taon (6)
"Huwag mong masyadong pahirapan ang iyong sarili… gawin mo lamang ang iyong makakaya. Wala akong pakialam sa kontrata ni Mr. Li." Hinimas ni Qin Chu ang buhok sa likod ng tainga ni Huo Mian at sinabi sa napakahinahong tono ng pananalita…
Wala talaga siyang pakialam. Kung hindi dahil sa pabor para kay Mr. Li, hindi siya pupunta ngayong gabi. Ano pa bang kontrata ang mahalaga sa kanya?
Siya ay naguluhan ng isang segundo lamang dahil gusto niya talagang tulungan si Mian na tuklasin ang kaniyang nakaraan, dahil ito ay matagal na siyang inaabala.
Ngayon, sa harap ng maraming pares ng mata, kumikilos ang dalawa na para bang walang nanonood. Nakatuon ang pansin nila sa isa't isa na kahit na ang tagapangsiwa ng gabing yon ay nagseselos.
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者