Chapter 786: Laban Ng Mga Socialites(7)
"Nang umuwi ako para bisitahin ang nanay ko, nalaman ko na nandoon din pala siya. Pagkatapos ay naghapunan kami kasama siya at hinatid ko siya bago kita sunduin."
"Ano? Kumain kayong magkasama?"
Qin Chu, "..."
"Anong kinain niyo?"
"Hindi ko maalala, western dishes lang at gumawa ng soup yung katulong. Hindi talaga ako kumain."
Nagsasabi ng totoo si Qin Chu dahil wala talaga siyang ganang kumain.
"Ah ganoon baaaaaaaa…" Sinadya ni Huo Mian na pahabain ang mga salita niya.
"Honey, maniwala ka sa akin. Kung mayroon nangyari, hindi ko sasabihin sa iyong nasa kotse ko siya."
"Alam ko. Wala naman akong ibang tinanong, bakit ka kinakabahan?" Natawa si Huo Mian.
"Hindi ako kinakabahan, pero yung mga tanong mo kasi nakakakaba."
"Kung hindi ka guilty, paano naman kita mapapakaba?"
"Ayoko kasing mapaisip ka pa."
"Ako ba yung taong grabe mapaisip?"
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者