webnovel

Pangloloko

編輯: LiberReverieGroup

Nagulat si Qin Chu, akala niya nagising ito pero hindi na ito gunalaw pagkatapos.

Tumingin siya sa ibaba at nakitang mahimbing pa rin ang tulog nito.

Gaano kakalmado ang kanyang asawa kung nakakatulog pa ito kahit na ganito ang nangyayari?

Dahil natutulog si Huo Mian ng mahimbing, paniguradong malakas ang mentalidad nito.

Sa huli, humiga si Qin Chu sa tabi ni Huo Mian at niyakap ito sa kanyang mga bisig na parang isang kayamanan, ayaw niya itong bitawan ng kahit isang segundo.

"Huwag kang mag-alala, walang makakapanakit sayo." Malumanay at garagal ang boses ni Qin Chu, puno ito ng pagmamahal.

Para namang umabot ito sa panaginip ni Huo Mian at mas lalo niyang isiniksik ang kanyang mukha sa dibdib ni Qin Chu.

Itinaas ni Qin Chu ang kanyang kamay para ayusin ang buhok nito. Sobrang marahan niya dahil sa takot na baka magising ito.

Kinabukasan, maagang umalis si Qin Chu dahil kailangan niya magmaneho para bumisita sa isang off-site.

鎖定章節

在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者

下一章