Chapter 114: Mahirap Patumbahin
Ngumiti si Huo Mian pabalik sa kanya. "Sige, dalian mo at palalain mo pa ito. Mas magiging maganda nga ito kapag sumama ang media. Hindi lang magiging sikat ang ospital natin, ikaw rin, ang attending physician ng Obstetrics and Gynecology Department. At syempre, kapag nangyari ito, paniguradong magkakaroon kami ng magandang pag-uusap ng mga tagapagbalita at ipapakita ko sa kanila kung ano ang pinakasimpleng professional ethics ng isang doktor. "
"Ikaw..." hindi inakala ni Wu Xiaoxue na mahirap patumabahin si Huo Mian. Sobrang bilis nitong mag-isip na hindi na niya kayang makipagsabayan.
"Kung sa tingin mo madali lang ako mapatumba, mali ka. Ang totoo niyan, mahirap ako mapabagsak," hinamon ni Huo Mian si Wu Xiaoxue. Pagkatapos, tumalikod ito at umalis.
Namutla si Wi Xiaoxue sa galit…
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者