webnovel

Pagkatapos (4)

編輯: LiberReverieGroup

Hindi makapaniwala si Little Red Bean sa ginawa ni Little Rice Cake kaya sa

sobrang gulat, literal na nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatitig dito.

Sa edad siya, ngayon lang siya nakakita ng ganito kapilyong bata kaya nang

narealize niyang nagoyo siya nito, bigla siyang naging sensitibo at mangiyak-

ngiyak na sinabi, "Ayaw nga kitang katabi!"

Iiyak na ba siya?

Hindi inaasahan ni Little Rice Cake na ganito ang magiging reaksyon ng

batang babae kaya nang makita niyang paiyak na ito, dali-dali niyang inalala

ang mga pagkakataon na gusto niya ring umiyak. Ang mama niya ang laging

nagpapatahan sakanya, pero sa tabi nila, lagi siyang nilalaro o kinakausap ng

papa niya para mabaling ang kanyang atensyon, kaya ngayong nasa ganito

siyang sitwasyon, naisip niyang gawin din ito sa kalaro niya…. Bilang

matalinong bata, tumingin siya sa kisame, na para bang nagiisip ng pwede

niyang sabihin, at nang makuntento na siya sa ideya niya, muli siyang

tumingin kay Little Red Bean at sinabi, "May apple ka ba?"

'Ano? Hindi ba nagaaway tayo dahil sa seating arrangement? Bakit bigla kang

magtatanong kung may apple ako?'

At muli, ang mangiyak-ngiyak na Little Red Bean ay bigla nanamang natigilan.

Sa pagkakataong ito, lalo pa siyang naguluhan kay Little Rice Cake. Sa totoo

lang, hindi niya maintindihan kung bakit ito nagpupumilit na umupo sa tabi

niya, kaya habang gulat na gulat na nakatitig sa batang lalaki, puno ng

pagdadalawang-isip siyang umiling.

Kaya ang ang pilyong Little Rice Cake, ay dali-daling kinuha ang kanyang

lunchbox. Inilabas niya ang kanyang fruit container at atat na atat na kinuha

ang isang pulang mansanas. "Pwede kitang bigyan ng isa."

Dahan-dahang yumuko si Little Red Bean para tignan ang maliit na kamay ng

kaharap niyang batang lalaki. Nang makita niya ang hawak nitong apple, bigla

siyang napalunok ng kanyang laway at napahawak ng mahigpit sa maganda

niyang bistida. Paborito niya ang apple…. Pero hindi niya pwedeng kalimutan

ang bilin ng mommy niya… kaya dali-dali siyang umiling bilang pagtanggi.

"Sabi ng mommy ko, wag daw akong tatanggap ng kahit ano galing sa

stranger."

Stranger? Gulat na gulat si Little Rice Cake sa naging sagot ni Little Red

Bean, pero dahil gusto niya talaga itong makatabi, hanggang huli ay hindi

talaga siya nagpatalo. "Hindi ako stranger, ako si Little Rice Cake."

Pagkatapos, ipinasa niya ang apple sa maliit nitong kamay.

Sa totoo lang, gusto sana talagang ibalik ni Little Red Bean kay Little Rice

Cake ang binibigay nito dahil nga sa bilin ng mommy niya, pero paano niya

nga ba tatanggihan ang apple? Paborito niya 'to at isa pa nagugutom na rin

siya… kaya bandang huli, hindi na siya nagpakipot at hinawakan ito ng

mahigpit. "Ibibigay mo talaga 'to sa akin?"

Habang nagtatanong, natatakot si Little Red Bean na baka biglang bawiin ni

Little Rice Cake ang binigay nitong apple… Eh paano kung ayaw niya ng isoli?

Kaya para hindi na magbago ang isip nito, hindi pa man din nakakasagot ang

batang lalaki, dali-dali niyang inilapit sa bibig niya ang apple at kinagatan ito.

Hay… ang mundo nga naman ng mga bata – sobrang simple at inosente. Dahil

lang sa isang mansanas, ang supladang Little Red Bean ay biglang naging

mabait kay Little Rice Cake.

Bago pumasok ng kindergarten si Little Rice Cake, ilang beses na rin siyang

inenroll nina Qiao Anhao at Lu Jinnian sa mga klase ng mga pang one year

old pababa, pero sa tuwing pumapasok siya sa school, lagi siyang

humihiwalay sa ibang bata at naglalaro magisa, kaya nang mapansin ito ng

mama niya, kinabahan talaga ito na baka mayroon siyang mild autism, pero sa

paglipas naman ng mga araw, narealize nito na sadyang mas mataas lang

talaga ang level ng pagiisip niya kumpara sa ibang batang kaedad niya.

Kaya.. si Little Red Bean palang ang kauna-unahang niyang kaibigan na siya

mismo ang unang lumapit.

Masyadong mahiyain ang batang babae, at hindi pala-salita. Kapansin-pansin

din na habang naglalaro ang ibang bata, lagi lang itong naiiwan sa upuan nito,

kaya bilang kaibigan, lagi itong niyaya ni Little Rice Cake, pero lagi lang din

itong tumatanggi. At kagaya nga ng nasabing personalidad ni Little Rice Cake,

ayaw niyang makipaglaro sa iba, kaya imbes na iwanang magisa ang bago

niyang kaibigan, nagisip nalang siya ng pwede nilang mapaglibangan. "Alam

mo ba ang one plus one?"

Tumingin si Little Red Bean sa mga mata ni Little Rice Cake, at pagkalipas ng

ilang segundo, nagtaas siya ng dalawang daliri. "Two."

下一章