webnovel

Lihim na karamay (3)

編輯: LiberReverieGroup

Ilang beses na tinawag ni Zhao Meng ang pangalan ni Qiao Anhao pero ni isang beses ay hindi ito sumagot sakanya. Nakaangat lang ang ulo ng kanyang kaibigan habang nakatitig sa phone nito kaya naisipan niya na gulatin ito. Dahan-dahan na naglakad si Zhao Meng papalapit sa harapan ni Qiao Anhao, na nakatulala lang sa screen ng hawak nitong screen.

Unti-unti siyang lumapit sa tenga nito at bumulong, "Qiao Qiao, anong tinitignan mo at bakit ka nakatulala?"

Nanginig si Qiao Anhao sa sobrang gulat kaya dali-dali niyang binaliktad at itinaob ang kanyang phone sa lamesa.

Isa itong kahihiyan dahil kahit anong naging bilis ng pagkilos ni Qiao Anhao, nakita pa rin ni Zhao Meng ang lahat ng nasa kanyang phone screen. Tinignan siya nito na para bang nagaasar. "Tut tut tut" at nagdududa itong nagtanong, "Ano? Qiao Qiao, nahulog ka nab a kay Mr. Lu? Gusto mo na bang umuwi ngayon para makita na siya?"

Yumuko lang si Qiao Anhao at hindi sumagot.

Walang nakitang kahit anong kakaiba si Zhao Meng sa ikinikilos ni Qiao Anhao kaya nagpatuloy siya, "Bukas, pwede na tayong bumalik sa Beijing. Lalapag tayo sa Beijing International Airport ng alas siyete ng umaga sa isang araw. Kung talagang mababaliw ka na sa sobrang pagkamiss mo sakanya, pwede muna tayong dumaan sa Huan Ying Entertainment…

"Zhao Meng," biglang pinutol ni Qiao Anhao ang pagsasalita ng kanyang kaibigan.

Biglang natigilan si Zhao Meng pero masaya pa rin siyang nakangiti habang nakatingin kay Qiao Anhao. Itinikom ni Qiao Anhao ang kanyang mga labi at napahawak ng mahigpit sa kanyang phone. Iniangat niya ang kanyang ulo para tignan si Zhao Meng at kausapin ito ng seryoso, "Zhao Meng, nakipaghiwalay na ako kay Lu Jinnian."

Nanlaki ang mga mata ni Zhao Meng sa sobrang gulat. Tinitigan niya si Qiao Anhao na halatang hindi makapaniwala.

Dahan-dahang ngumiti si Qiao Anhao. "Pasensya na kung hindi ko kaagad nasabi sayo…"

Kalahating buwan na mula noong naghiwalay sila bilang magasawa. Habang inaalala niya ito, muli nanamang naging mangiyak ngiyak ang kanyang mga mata. Tumingin siya sa bintana para pagmasdan ang pangkaraniwang tanawin ng ibang bansa, at dahan-dahang idinagdag, "…Si Lu Jinnian at ako ay hindi na magasawa."

Halos limang minutong hindi makapagsalita si Zhao Meng bago siya magsalita ng mahina, "Hindi ba maaayos naman ang lahat nitong mga nakaraang araw? Bakit sobrang bilis?

Hindi umimik si Qiao Anhao pero hindi niya na napigilan ang kanyang sarili at tuluyan ng tumulo ang kanyang mga luha.

Tama, maayos naman ang lahat nitong mga nakaraang araw. Dumating pa nga sa punto na naisip niya na kahit nagising na si Xu Jiamu, pwede pa rin silang maging magkaibigan at baka balang araw, magkaroon din sila ng pagasa. Pero sa isang iglap lang, nagbago ang lahat. Hindi niya na ito pwedeng makasama, hindi niya na rin ito pwedeng isipin, at higit sa lahat, hindi niya na ito pwedeng makita.

Ituturing niya nalang ito bilang isa sa pinakamatataas na tao ng filming company na pinirmahan niya. Ang supladong lalaking minahal niya sa loob ng labintatlong taon, na nakasuot ng isang puting shirt habang nakatayo sa ilalim ng bubong noong nagpapatila sila ng ulan. Mula ngayon, mananatili ito sa kanyang puso, sa isang panaginip na kahit kailan ay hindi magkakaroon ng katuparan.

-

Nakaupo si Lu Jinnian malapit sa may bintana ng café na nasa ikalimang palapag ng Four Seasons hotel. Katabi niya ang kanyang assistant na makailang beses ng sipa ng sipa sa kanyang binti na nasa ilalim ng lamesa at sa ikawalong beses, hindi niya na ito natiis kaya ngumiti siya sa dalawang taong nasa harapan nila at humingi ng tawad, "sorry, just a moment."

Mukhang wala ng interes ang dalawang nasa harapan niya na magtagal pero pinilit pa rin ng mga ito na ngumiti sakanya.

Matagal na nabalot ng katahimikan ang buong lamesa, at sa bawat oras na lumilipas, hindi mapakali at medyo nababalisa na ang assistant ni Lu Jinnian sa kinauupuan nito.

Nakalapag lang ang proposal sa harapan ni Lu Jinnian at malinaw na sinayang lang nila ang buong dalawang oras ng mga partner na kinatagpo nila ngaunit sa kabila ng lahat ng paalala, nanatiling pa ring walang anumang reaksyon si Lu Jinnian habang nakatitig sa kontrata.

下一章