Sa ilalim ng puting kumot, ang katawan ni Han Xiuche ay malamig na nakahiga sa kama, nababalot ng dugo.
Iniwan niya ang mundo ng biglaan, na ang tanging naiwan lamang ay isang paghingi ng tawad na video para kay Tangning at Su Yu.
Tumingin si father Han sa direksyon na tinitingnan ni Su Yu at nakita ang hindi gumagalaw na si Han Xiuche. Samantala, tinayo ni Han Jie ang katawan at tinanggal ang puting kumot. Sa ilalim nito, nakahiga ang payapang natutulog na si Han Xiuche; nakatigil na tila estatwa na may bahagya pang natitirang init.
"Xiuche, huwag kang magbibiro. Gumising ka!"
"Xiuche…"
Inunat ni Han Jie ang kanyang kamay upang hawakan ang pisngi ng kanyang kapatid ay napagtanto na tumigil na ito sa paghinga. Tila siya ay isa na lamang manekin.
"Anak?" iyak ni Father Han habang nilalapitan ang katawan ni Han Xiuche.
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者