Habang sila ay bumababa mula sa entablado ng music festival, ang grupo ng apat ay naghahabol ng hininga. Ngunit mula sa masayang hitsura ng kanilang mukha, malinaw na makikita na ngayong gabi ang umpisa ng kanilang daan sa pagsikat.
Alam ni Long Jie kung gaano kapuspos ang industriya ng pagkanta. Dahil napakaraming singing competition at mga mang aawit sa lahat ng ibat ibang antas, napakahirap para sa mga manonood na iproseso itong lahat. Kung ang isa ay walang isang bagay na kakaibang maiaalok at gustong sumulong base sa kakayahang kumanta, ito ay masyadong magiging mahirap.
Kaya, partikular na kumuha si Long Jie ng isang dance instructor mula sa South Korea upang tumulong na mapunan ang kakulangan ng kakayahang magsayaw sa China.
Bilang resulta, pagkaraan matapos ang music fetival, nagawa ni Long Jie na mabuksan ang pintuan sa ibat ibang pagkukunan at sa wakas ay nakahinga ng maluwang. Pagkatapos ay naglagay ng mas istriktong rehimen ng pagsasanay sa grupo.
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者