Hindi nagsalita si Chen Xingyan. Tinitigan niya lamang si Tangning, ngunit halata na mukha siyang trinato ng hindi patas.
"Xing Er, tumayo ka muna."
"Ayos lang, Auntie Bai. Sa totoo lang, gusto ko ang anak mo sa una pa lamang," direktang wika ni Tangning. Marunong siyang tumingin ng tao at naniniwala na ang tao ay tinadhana na maging magkaibigan. Kaya, hindi ramdam ni Tangning na kailangan sumunod ni Chen Xingyan sa mga panuntunan.
Hindi umimik si Chen Xingyan. Sa halip ay tumayo siya at umupo sa sofa.
Nang makita ito, hindi na nagtanong pa si Tangning, sumagot lamang siya, "Hindi ko kailangan ng stunt double."
"Bakit?"
"Ginagawa ko palagi ang lahat ng ako lamang."
"Ngunit, napakadelikado nito!" naguguluhang tumingin si Chen Xingyan kay Tangning. Dahil ba gusto niyang protektahan ang kanyang pride sa harap ng tao?
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者