webnovel

Ang Industriya Na Ito Ay Masyadong Magulo

編輯: LiberReverieGroup

Nang maisip ang tungkol sa mga salita na sinabi niya kay Xia Jingyi, si Tang Jingxuan ay biglang nakaramdam ng bahagyang pagkailang kay Song Yanshu. Napansin ni Tangning ang pamumula ng mukha ni Tang Jingxuan, ibinababa nito ang magazine na nasa kanyang kamay at tinanong si Song Yanshu, "Totoo ba ang sinabi mo kanina nang sabihin mo na gusto mo si Luo Xing?"

Natigilan sandali si Song Yanshu ng ilang sandali bago ito sumagot, "Sinabi ko lamang iyon upang protektahan si Luo Xing…"

"Ganoon ba," sinasadyang tuksuhin ni Tangning si Tang Jingxuan.

Gusto lamang ni Tangning na isipin ni Tang Jingxuan ang tungkol sa kung anong babae ang kanyang pinili kung mayroon namang kahanga hangang babae sa kanyang tabi na hindi niya alam kung paano pahalagahan.

Tumikhim si Tang Jingxuan upang ipaalam na siya ay naroroon din, ikinukumpas sa kanyang matalinong kapatid na huwag nang magpatuloy na gawing nakakailang ang kapaligiran.

鎖定章節

在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者

下一章