"Ang mga bagay ay hindi umaayon sa paraan na pinagplanuhan," tumawa ng marahan si Tangning habang nakikipag – usap siya kay Gu Heng na wala man lamang bahid ng pagkabalisa o galit. Nang makita ito, nagsimula nang makaramdam ng pagdududa si Gu Heng sa kanyang sarili.
"Sabihin mo sa akin, bakit palagi kang kalmado, kahit na anong mangyari?"
"Dahil alam ko na ang kasamaan ang hindi kailanman magtatagumpay," may pangmamaliit na tumawa si Tangning. "Sa mundo ko, wala pa akong nararansan na isang bagay na kung saan nagtagumpay ang kasamaan."
Hindi makita ni Gu Heng ang tunay na iniisip ni Tangning, pero alam niya na alam na ni Tangning ang kanyang tunay na iniisip.
Pagdating sa katalinuhan, hindi niya kailanman matatalo si Tangning; kahit na sa susunod niyang buhay. Pero, ayaw niyang maniwala na makakayang malagpasan ni Tangning ang lahat ng balakid. Ang lahat ay nakatakdang magkaranas ng kamalasan sa isang punto ng kanilang buhay.
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者