"Pwede nila akong insultuhin hangga't gusto nila…hindi ko lang maintindihan kung bakit pati ikaw dinadamay nila," maririnig sa boses ni Tangning ang sama ng loob.
Sa sandaling marinig ito ni Mo Ting, hindi niya maiwasan ni Mo Ting na mapangisi, "Dahil ikaw at ako ay iisa lamang. Kaya ka ba nagkakamali dahil dito? Hindi ka naman ganito…hindi ito ang Tangning na sanay sa runway at puno ng tiwala sa sarili noong rehearsal."
"Hindi ko gusto kapag iniinsulto at sinisiraan ka ng mga tao – hindi ko kayang tiisin yun."
Hinaplos ni Mo Ting ang buhok ni Tangning at magiliw na hinalikan ito sa noo, "Dahil napagalitan ako ng paulit ulit dahil sa'yo, ano ang gagawin mo para makabawi ka sa akin? Huh?"
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者