"Naging mabuting bata ba si Kathy nitong mga nakaraang buwan?" Biglang naalala ni Tangning ang makulit na bata na ito.
Hinawakan ni Coque ang ulo niyang nananakit habang iniiling ito, "Hindi ko na alam kung ano na ang gagawin ko sa kanya ... sa mga susunod na panahon, kapag naging mga magulang na din kayo, malalaman ninyo din ang ibig kong sabihin."
Namula ang mukha ni Tangninng habang nilingon niya upang tingnan si Mo Ting na may bahagyang antisipasyonn. Tiningnan din siya ni Mo Ting; tila ba pareho ang kanilang iniisip.
Noong una, dapat sana'y babalik pa si. Mo Ting sa Hai Rui dahil sa marami pa talagang itong trabaho na dapat gawin. Pero, habang naalala ni Tangning kung ano ang sinabi ni Coque tungkol sa pagiging isang magulang, sa sandaling bumalik sila sa hotel, hinawakan ni Tangning ang mga kamay ni Mo Ting at nagpapahiwatig na nagtanong, "Gabing - gabi ka pa rin ba uuwi sa bahay?"
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者