"Oo, aarte ako," mariing sagot ni Tangning.
"Sigurado ka? Kahit na sigurado ka, sa pag litaw mo mula kung saan, hindi ba iyon makaka akit ng pagka inis at panlalait galing sa production crew?" nag – aalala na tanong ni Long Jie habang tumatayo sa daan ni Tangning. "Halata namang alam mo na ayaw sa iyo ni Ling Sheng at ganoon din ang buong production crew."
"Huwag kang mag alala, Alam ko ang ginagawa ko," Hinawi ni Tangning si Long Jie patabi at isinara ang kanyang maleta. "Kailangan mo din malaman na ang ibig din sabihin nito ay mahihiwalay ka muna kay Lu Che ng sandali at manatili sa tabi ko. Sa wakas, papasok ako sa set ng pelikula. Maraming bagay dun na hindi ko kayang gawin mag isa. Pagkatapos ng lahat, ako papasok sa isang film set. Maraming mga bagay na hindi ko kayang pangasiwaan ng mag – isa."
"Paano naman si Boss? Hindi ba sasama sa'yo si Boss?"
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者