Inilingon ni Fang Yu ang kanyang ulo at tiningnan si Huo Jingjing bago sumagot na gamit ang seryosong tono (na walang bakas ng kanyang karaniwang pagkapalabiro), "Walang sinuman ang gugustuhin ang isang tao na patuloy na may pagdududa sa kanyang sarili."
Palaging nagbibigay si Fang Yu ng mga sagot na matapang at hindi naiiba iyon sa pagkakataon na iyon.
Gumamit siya ng hindi tuwirang paraan para punahin na ang kasalukuyang istado ni Huo Jingjing ay hindi ganoon kaganda. Sa parehong pagkakataon, naiwasan din niya ang mahirap na tanong ni Huo Jingjing sa pamamagitan ng paglalaro ng Tai Chi sa pagtugon dito. Hindi mahalaga kung gusto man niya ang isang tao na tulad niya. Sa halip, sa kanyang kasalukuyang istado, walang sinumang lalaki ang gugustuhin ang isang babae na punong puno ng pagdududa sa kanyang sarili.
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者