Hindi pinansin ni Tangning ang pangungutya na mula sa manager ni Qin Yu at nanatiling kalmado.
Sa oras na ito, nagbukas ang pinto ng elebeytor para ipakita na nakatayo sa labas ang assistant ni Stenson. Nang makita nito si Qin Yu, lumakad ito papunta sa kanya at bumati, "Miss Tang, maligayang pagdating … nasa loob si Mr. Stenson at hinihintay ka."
Ang lahat ng taon na lumabas ng elebeytor ay nanigas dahil sa pagkalito, lalo na sila Qin Yu at ang kanyang manager habang namumula na ang kanilang mga mukha.
Biglang naunawaan ni Tangning noong sabihin ni Stenson sa kanya mayroon naganap na pagkakamali, ito ang tinutukoy niya.
Lumalabas na, napagpalit ng kanyang assistant ang kanilang pagkakakilanlan … at nakalimutan ni Stenson na itama ang kanyang assistant.
"Miss Tang?"
"Hindi ako si Miss Tang!" bagaman nakaramdam ng kaunting pagkapahiya si Qin Yu, itinuwid pa rin niya ang katotohanan.
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者