Pagkatapos marinig ang mga salitang ito, nanlaki ang mga mata ni An Zihao habang nagmumula sa galit. Pagkatapos ay hinawakan niya si Lan Xi at tinanong ito habang nanggigil sa galit, "Patay na si Yun Xin, hindi mo kayang hayaan nalang ang taong namatay na?"
"Kahit nga buhay pa ay wala na akong pakialam, bakit ako magkakaroon ng pakialam sa patay na?" tumawa ng mahina si Lan Xi habang tumingin sa kanya gamit ang mamasa - masang mata nito, "An Zihao, ilang taon na tayong magkaibigan; tayo ang magkaibigan, paano mong nagawang tulungan si Tangning? Talaga bang karapat dapat siya para balewalain mo nalang ang pagkakaibigan natin?"
"Hindi ako binigyan ni Tangning ng partikular na benepisyo. Hindi katulad mo, hindi niya ako kayang bigyan ng karangyaan ng katanyagan at kayamanan, pero ... Lan Xi, sa harap ni Tangning, pakiramdam ko ay tao ako. Buti nga si Tangning hindi ako palagi sinusubukang takutin..."
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者