webnovel

Gusto Mo Bang Sumama Sa Akin Papuntang London?

編輯: LiberReverieGroup

Sa sandaling makita niya si Lu Che, biglang naalala ni Grandfather Long ang mga sinabi sa kanya ni Luo Hao. Hindi siya nalulugod habang kinukwestiyon niya ng mapangahas si Lu Che, "Young Man, sa tingin mo ba ay tamang maghintay ka sa labas ng bahay ng aking apo sa kalagitnaan ng gabi?"

Hindi maunawaan ni Lu Che kung bakit galit sa kanya si Grandfather Long, kaya agad siyang nagpaliwanag, "May nakapagsabi sa akin na umalis si Long Jie para sunduin ka, kaya gusto ko sanang salubungin kayo para alamin kung kailangan ninyo ng tulong."

"Hindi na kailangan. Pakiusap umalis kana."

Nahihiyang ngumiti si Long Jie kay Lu Che; hindi din niya nauunawaan kung ano ang problema sa kanyang lolo. Syempre, hindi na nagtagal si Lu Che sa labas ng bahay ni Long Jie. Magalang na lamang siya nagpaalam, bago umalis sa kanilang paningin.

"Long Man, tapatin mo nga ako, may relasyon ka ba sa lalaking iyon?"

"Lolo, ano ba ang sinasabi mo?"

鎖定章節

在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者

下一章