Pumunta si Tangning sa studio para mag – film ng trailer noong gabi bago ang takdang araw ng pakikipagpanayan niya sa Feng Cai. Habang papaalis siya, sa labas ng pintuan ay may naghihintay na mga tagahanga.
Binigyan siya ng mga ito ng bulaklak at humiling ang mga ito na magpakuha ng litrato na kasama siya. Magalang na itinango ni Tangning ang kanyang ulo at sumang – ayon. Pagkatapos ng lahat, sa ganoon kalamig na panahon, naghintay sila ng matagal sa labas; nahirapan marahil ang mga ito.
Syempre, ang bagay na pinaka – inuusisa sa kanya ng mga tagahangga ay ang tungkol sa 'back-view dream man'. Pero ngumiti lamang si Tangning, "Alalahanin ninyong manood bukas ng live broadcast ng Feng Cai. Sigurado ako na ang lahat ay masisiyahan sa tugon na ibibigay ko doon."
Hindi mapigilan ng mga tagahanga na hindi tumili sa kasiyahan. Lalo na noong tinanggal ni Tangning ang kanyang sunglasses para bigyan ang mga ito ng autographs.
"Mas maganda ka pala sa malapitan!"
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者