Kadalasang mabagal ang paglalaro ni Mo Fan, at kanina ay naging mabagal nga siya. Halos tatlong minuto nga ang kinailangan niya para lamang malapitan ang kaniyang kalaban. Pero hindi inaasahan na biglang bibilis ang kaniyang paggalaw.
Umatras, siya't tumalikod papunta sa kaniyang kalaban sa loob lamang ng ilang mga sandali. Isang panibagong opensiba na naman ay ang inihanda niya sa mga panahong naglaho sa paningin ng lahat ang kaniyang mga Shadow Clone.
Tungkol naman kay Song Xiao?
Kasalukuyang tinitingnan pa rin ni Song Xiao ang paligid para mahanap ang ilang mga bakas ni Deception, at sa mga panahong tumalikod siya ay masyadong huli na ang lahat.
Flame Slash!
Naging mainit ang paligid, at kasabay ang paglitaw ng naglalagablab na apoy ay dumeretso ito sa mukha ni Receding Tides.
Boom!
Kumapit sa katawan ni Receding Tides ang apoy, at sinunog siya nito.
Isa, dalawa, tatlo, apat, lima...
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者