Magaling magbasa sa sitwasyon si Liu Hao. Siya ang unang tao sa hanay ng Wind Howl na may namalayang mali sa kasalukuyang takbo ng sitwasyon. Ang kanilang Cleric na itinago ang kaniyang sarili, kasama na si Fang Rui na masyadong bastos ang bibig ay hindi na nila makita.
Matapos ang isang segundo, lumitaw ang ilang mga tandang padamdam sa Team Chat ng Team Wind Howl.
"!!!"
Nagmula ang mga tandang padamdam na ito sa kanilang Cleric na si Soul Healer. Ito ang napagkasunduan nilang hudyat kung hihingi ng tulong ang isa sa kanila.
Nakita ng Wind Howl ang mensahe na ito't tumalikod sila. Pero hindi nila mahanap ang kinaroroonan ng kasamahan nila na si Soul Healer.
Walang-hiya!
Kaagad na naisip ni Zhao Yuzhe ang salitang ito. Sa totoo lang ay kinamumuhian niya ang salitang ito, kahit na ang kanilang Team ay kilala dahil sa salitang ito ay talagang hindi niya sinubukang intindihin ang konsepto sa likod ng salitang ito.
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者