"Nag-uulat kay Hall Master He, ako po ang pangalawang pinuno ng Qingyuan Empire Master Teacher Pavilion, Wu Rufeng!"
"Narinig na kita." Tugon ni Pavilion Master He.
Kahit na ang Qingyuan Empire ang pinakamahina sa mga Eight Conferred Empire na kasapi ng Empire alliance, itinuturing pa din itong isang indibidwal na estado. Bilang pinuno ng Empire Alliance Master Teacher Pavilion, may responsibilidad siya na alamin ang mga bagay tungkol sa mga Master Teacher Pavilion na kanilang nasasakupan.
"Ganito po kasi… Nahungkat namin ang katotohanan sa likod ng pagkamatay nila Pavilion Master Gou at Vice Pavilion Master Tian, at ginamit namin ang holographic communication para maibalita namin sa inyo ang bagay na ito."
"Oh? Nahungkat niyo na ang katotohanan? Sabihin niyo sa akin!" nang marinig ang mga sinabi nila, naging seryoso ang mukha ni Pavilion Master He.
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者