Bilang kasamahan ni Kapatid na Lu, alam ni Wu Xu kung gaano kalakas ang kanyang swordsmanship.
Medyo kaunti na lang ay magiging isa na siyang Hundred Man Commander, ang galing ni Kapatid na Lu sa pakikipaglaban ay hugit sa mga kaibigan niya.
132 atake mula sa ganito kalakas na eksperto, subalit, kahit isa ay hindi man lang tumama sa damit nito o sa sandata man lang!
Sa halip, siya ay napaatras nang 77 hakbang bago tuluyang maipit...
Gaano kalakas ang taong ito para magawa ang ganito?
Kung titingnan mula sa likod, nakakatawa kung gaano sila kakampante na hamunin ito sa isang dwelo; sadyang pinapahiya lang nila ang kanilang mga sarili!
"Kapatid na Lu..." Nagmanadaling sumugod si Wu Xu, para lang makita ang maputlang mukha nito, tila ba nagulat nang matindi.
Sandali lang ay napabuntong hininga si Kapatid na Lu at inihawi ang kanyang kamay nang nanghihina.
"Bigyan mo siya ng 300 high-tier spirit stone!"
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者