Para umangat ang ranggo ni Lu Xun, hindi lamang ang talento at kakayahan niya ang naging dahilan nito. Pinaka importante dito ay ang ugali niya. Kahit ano pa ang pagsubok na kinakaharap niya, mahinahon niya itong inaasikaso, hindi niya hinahayaan na makahadlang sa kanya ang kanyang pride. Kahit na pangit ang reputasyon ni Zhang Xuan, hindi siya minamaliit ni Lu Xun at maaga siyang naghanda.
Bago siya nagdesisyon kung sino ang mga estudyante na isasali niya sa dwelo, inimbestigahan niya ang mga estudyante ni Zhang Xuan upang mapili niya ang pinaka mainam na panlaban sa kanila.
Base sa imbestigasyon niya, lumaki si Zheng Yang kasama si Mo Xiao at magkasama silang nagsasanay sa paggamit ng sibat. Subalit, halatang mas mahusay si Mo Xiao kaysa kay Zheng Yang, at dami ng laban sa pagitan nila, laging si Mo Xiao ang nananalo.
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者