"Breath Forging Bead?"
"Tatlo nito?"
Nang marinig ang mga salitang iyon, bumilis ang paghinga nila Zhao Ya.
Ang Breath Forging Bead ay natatangi sa Hongtian Academy. Ito ay hindi nabibili kahit sa Apothecary Guild. Pinatataas nito ang pagkuha ng spiritwal an enerhiya ng mga fighter, kaya napapadali ang kanilang paglakas.
"Masyado nang maraming nagawa si Zhang laoshi nang walang hinihinging kapalit. Bilang kanyang mga estudyante, oras na para tayo naman ang bumawi sa kanya!" ang titig ni Zheng Yang nang may paninidigan.
Mula pagkabata, nagsanay na siya mag-isa, sinusubukang magpalakas ng kanyang cultivation. Inakala niya na kahit sa paaralan, ang kanyang guro ay kaklaruhin lamang ang kanyang mga pagdududa at mag-aayos ng mga problema... Subalit, ang pagkalinga na ibinigay sa kanya ni Zhang Xuan ay higit pa rito.
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者