webnovel

Nandito na ang Master

編輯: LiberReverieGroup

"Susuntukin mo 'ko?" Hindi alam ng tindero ang binabalak ng binata.

"Oo!" Tumango si Zhang Xuan.

"Niloloko mo ba 'ko!" Nang makita niyang seryoso ang binata, nagalit ang tindero at sinuntok si Zhang Xuan.

May nakita na siyang mga baliw na customer dati, pero hindi pa siya nakakita ng taong ganito kalakas ang tama. [Gusto mo pa rin na hayaan kitang suntukin ako? Bakit hindi na lang kaya kita bugbugin hanggang mamatay ka?]

Ibinuhos niya ang lahat ng lakas niya sa kanyang suntok, kumaluskos ang hangin dahil sa lakas ng kanyang suntok, dahilan para lumitaw ang lebel ng kanyang cultivation. Fighter 3-dan Zhenqi realm primary stage!

"Hindi na masama!"

Bahagyang ngumiti si Zhang Xuan, bahagya niyang ikinilos ang kanyang katawan upang iwasan ang atake.

Nakaabot na siya sa Fighter 5-dan Dingli realm pinnacle. Natural lang na hindi siya kayang saktan ng isang nasa Fighter 3-dan primary stage pa lamang!

"Un?"

Inisip niyang nandito lang ang binata para manggulo, kaya inakala niyang isa lamang siyang delingkwenteng walang cultivation. Ngunit, nang makita niyang madaling naiwasan ng binata ang kanyang atake, agad niyang naisip na ang cultivation ng binata ay higit na mas mataas kaysa sa cultivation niya. Huminto ang tindero at makikitang litong-lito siya sa nangyayari. Imposible namang bibili talaga ang isang taong nakaabot sa lebel ng isang 3-dan o higit pa gamit lang ang 8 pirasong ginto...

"Kung hindi ako nagkakamali, galing ka sa Xia Pingyi!"

Sa oras na umatake ang tindero, lumitaw ang isang libro tungkol sa kanya sa loob ng Library of Heaven's Path. Bahagyang ngumiti si Zhang Xuan nang mangyari ang gusto niyang mangyari.

"Paano… Paano mo nalaman?" Nabigla ang tindero.

Ang Xia Pingyi ay isa sa mga provincial city sa paligid ng Tianxuan Royal City. Hindi ito isang malaking lungsod at mayroong halos walumpung lungsod na nakapaligid sa capital. Nagtaka ang tindero kung paanong nalaman ni Zhang Xuan ang tungkol dito.

Hindi niya mapigilang suriin ang sarili niya, pero wala naman siyang nakitang katangian niya na posibleng dahilan para malaman ng binata ang pinagmulan niya!

"Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman yun!" Inactivate ni Zhang Xuan ang kanyang 'acting cool mode'. Muli niyang tiningnan ang tindero, "Ilang buwan na ang nakalilipas, nang mapahamak ka sa may Tianxuan Forest at nakagat ka ng isang [Cold Bamboo Snake]! Kahita na nagawa mong makatakas nang buhay, napinsala ang mga kidney mo dahil sa nangyari. Kung hindi ako nagkakamali… Kapag ginagawa mo yun, nahihirapan kang ipamalas ang iyong pagkalalaki!"

"Ikaw… Paano mong…"

Napaatras ang tindero. Nanlaki ang mga mata niya at halos malaglag na ang mga ito sa lapag.

Totoong nakagat siya ng isang Cold Bamboo Snake sa may Tianxuan Forest ilang buwan na ang nakalilipas! Pagkatapos nito… Totoo rin ang mga huling sinabi ni Zhang Xuan.

Subalit, bukod sa kanya at sa binibining mula sa brothel, hindi pa niya ito naikwento sa ibang tao. Paano nalaman ng binatang 'to ang tungkol dito?

[Posible kayang isa siyang seer? Isang taong may kakayahang makita ang hinaharap?]

Hindi makapaniwala ang tindero.

"Bakit? Mali ba ang mga sinabi ko?" Nang makita niya ang reaksyon ng tindero, alam na agad ni Zhang Xuan na hindi nagkakamali ang mga nakasulat sa Library of Heaven's Path. Kaya naman, pinakita niyang naaawa siya at sinabing, "Kung sa tingin mo mali ang mga sinabi ko, hindi ko na kukunin ang halamang gamot at aalis na 'ko. Subalit... Ang tanging pagkakataon mo para magamot ang kondisyon mo ay maglalaho na din! Hayy, hindi mo na kayang gampanan ang pagiging isang lalaki mula ngayon, huwag mo 'kong sisisihin dahil hindi ko yun pinaalala sayo…"

"Ano… Gongzi [1], huwag kang umalis!"

Nang marinig niyang kaya siyang gamutin ng binata, nanginig ang katawan ng tindero at nagmadali siyang humakbang palapit, "Ikaw… Talaga bang kaya mo 'kong gamutin?"

Para sa isang lalaki, walang mas nakakahiya pa sa pagkawala ng kanyang pagkalalaki. Nitong mga nakaraang araw, hindi niya sinubukang tanggapin ang imbitasyon ng kanyang mga kaibigan, dahil natatakot siyang malaman nila ang kanyang problema. Tahimik siyang nahihirapan, iba't ibang doktor na ang pinuntahan niya, pero pare-pareho lang ang sinabi nila, na mahirap gamutin ang kondisyon niya at ang tanging solusyon lang ay ang pagputol dito…

Hindi siya makapaniwala na ang isang customer na gaya niya ay magagawang ituro ang kanyang problema at gamutin ito.

"Hindi kita pipiliting maniwala sakin! Subalit, dahil kaya kong malaman kung anong problema mo, natural lang na may alam akong paraan para gamutin yan!" Ang sabi ni Zhang Xuan.

"Gongzi, nakikiusap ako sayo, tulungan mo akong gumaling. Kapag napagaling mo ako… Hindi lang yang tangkay na yan ng Frigid Sun Grass ang ibibigay ko sayo, pwede mong kunin lahat ng mga halamang gamot ko!" Natatarantang lumapit ang tindero, kitang kita ang pagmamakaawa sa kanyang mga mata.

Maraming kamangha-manghang tao sa mundo. Makatwiran ang sinabi ng binata dahil kaya niyang makita ang problema ng tindero, siguradong may alam siyang paraan para gamutin ito!

Isa pa, wala rin naman siyang pagpipilian kundi panghawakan ang pag-asang gagaling pa siya. Kunsabagay, may kinalaman dito ang kanyang kasiyahan…

"Un, nakagat ka ng Cold Bamboo Snake. Ang nilalang na ito ay nagtataglay ng cold attribute. Nang makagat ka nito, pumasok sa katawan mo ang cold energy, dahilan para hindi gumana ng maayos ang ilang parte ng iyong katawan! Higit pa dito, hindi ito magagamot ng kahit anong halamang gamot, kaya naman kahit ang ilang mga apothecary ay walang magawa tungkol dito!"

"Subalit, ang kakaiba sa ahas na ito ay kahit na malamig ang buong katawan nito, mainit naman ang apdo nito. Kapag nakahanap ka ng isa pang ahas, patayin mo ito at kainin mo ang apdo nito, tuluyan mong mailalabas ang cold energy sa iyong katawan sa pamamagitan nito. Uniti-unting gagaling ang iyong nasirang kidney at maaari mo na uling ipamalas ang iyong pagkalalaki bilang isang tunay na lalaki!"

Ang sabi ni Zhang Xuan.

Maraming gamot sa lason ng Cold Bamboo Snake, ngunit ang pinaka mabisang gamot para dito ay nasa katawan mismo ng ahas na ito. Ang apdo nito ang pinaka mabisang panlaban sa cold energy ng ahas na ito.

Nakasulat ito sa isa sa mga manual sa Hongtian Compendium Pavilion. Nang maisip niya ang tungkol sa mga Cold Bamboo Snake, agad na sumulpot sa isipan niya ang tungkol dito.

Ito rin mismo ang dahilan kung bakit tanging ang apdo lang ng Cold Bamboo Snake ang binanggit niya. Dahil sa kakayahan ng Library of Heaven's Path na ilista ang lahat ng kahinaan ng isang bagay, marami aiyang pwedeng ibigay na paraan para pagalingin siya; hindi naman talaga niya kailangang piliin ang paraang ito.

"Kailangan kong kainin ang apdo ng Cold Bamboo Snake?" Hindi pa rin makapaniwala ang tindero.

[Ganun lang kadali?]

Kung totoo 'to, bakit hindi ito nabanggit ng kahit isa man lang sa mga doktor na pinuntahan niya?

"May mga itinitindang Cold Bamboo Snake sa lungsod na 'to. Kung hindi ka naniniwala sa mga sinasabi ko, pwede kang bumili ng isa at subukan mo na yun ngayon. Aalis lang ako pagkatapos nating makasigurado!" Ang sabi ni Zhang Xuan.

Hindi lamang mga halamang gamot ang itinitinda sa Tianyu Commercial City, mayroon ding iba't ibang klaseng mahahalagang bagay, mga savage beast at mga hayop. Ang Cold Bamboo Snake ay isa sa mga lower tier savage beast. Kahit na nagtataglay ito ng makamandag na lason, maaari pa rin itong gamitin sa paggawa ng mga gamot, kaya may mga taong nagtitinda nito.

"Sige, maghintay ka lang saglit…"

Matapos niyang makapag-isip-isip, tumalikod ang tindero at umalis. Ilang sandali pa, bumalik ang tindero na may dalang hawla, at makikita ang isang Cold Bamboo Snake na nakapulupot sa loob nito.

Bilang isang Zhenqi realm fighter, basta nakapaghanda siya, hindi mahirap para sa kanya na patayin ang isang Cold Bamboo Snake. Hindi nagtagal at nakuha na niya ang apdo ng ahas. Walang alinlangan itong nilunok ng tindero.

"Un?"

Di nagtagal, nagningning ang mga mata ng tindero.

Tila alam na agad ng tindero kung gumana ba ang gamot o hindi.

"Nagpapasalamat ako sa tulong mo gongzi. Sayo nang lahat ng Frigid Sun Grass na 'to!" Nagniningning sa sobrang tuwa ang mga mata niya, halos lumuhod ang tindero dahil sa matinding kasiyahan na nararamdaman niya.

Isa itong problema na matagal na niyang iniinda. Yung totoo, nagkaroon din ng panahon na ayaw na ayaw na niyang mabuhay. Para magamot ang kondisyon niyang ito, ginamit niya ang ilang taong ipon niya, at hindi niya inakalang magagamot ito ng ganito kadali!

"Di ba, hindi ako nagsisinungaling noong sinabi ko sayo na ibibigay mo sakin 'to ng libre!"

Sinamantala ni Zhang Xuan ang mga ibinigay sa kanya ng tindero at kinuha niya ang kahon na puno ng Frigid Sun Grass.

Ang katalinuhan ay maituturing din na kayamanan. Natural lang na may matanggap na kabayaran si Zhang Xuan mula sa tindero pagkatapos niyang pagalingin ang sakit na iniinda nito.

"Gongzi, paumanhin dahil hindi ko agad napansin ang kakayahan mo… Patawarin mo ako!" Napakamot ng ulo ang tindero dahil sa pagkahiya.

Kani-kanina lang, sinasabi niya pa na kapag binigay niya ng libre kay Zhang Xuan ang mga Frigid Sun Grass, tatawagin niya itong lolo. Hindi niya inakalang magkakatotoo ang mga sinabi ni Zhang Xuan…

"Wala yun!" Ikinumpas ni Zhang Xuan ang kanyang kamay para ipakitang maliit na bagay lang ang kanyang ginawa. Paalis na sana siya, nang biglang dumagsa ang napakaraming tao, namumula ang mga mukha nila dahil sa pagkabahala.

"Dali, nandito na si Master Mo Yang!"

"Maaaring umunlad ang isang tao dahil sa paggabay ni Master Mo Yang. Isa itong oprtunidad na hindi dapat palagpasin!"

"Ngayon, hangga't isa itong bagay na ibinebenta ni Master Mo Yang, siguradong bibilhin ko yun kahit na magkano pa yun!"

"Tama, nagsisi ako nang minsan kong malagpasan ang oportunidad na 'to…"

Ang pinag-uusapan ng mga tao.

"Anong nangyayari?"

Nang makita niyang nagkakagulo ang mga tao na parang may sikat na parating, nagtaka si Zhang Xuan.

"Nandito na si Master Mo Yang!" Kahit ang mga mata ng tindero ay nagningning sa sobrang tuwa.

------

[1] Gongzi -> Ginoo

下一章