webnovel

Lason sa Academy (2)

編輯: LiberReverieGroup

Nahahati sa apat na faculty ang Cloudy Brook Academy. Iyon ay ang spirit power, Ring Spirit, Healer at Innate Gift pareho sa kategorya ng Battle of Deities Grand Meet. Bukod sa content ng bawat faculty, mayroon ding combined content na ginagawa ng lahat ng disipulo.

Lahat ng faculty ay may pare-parehong uniporme tanging ang tag sa kanilang dibdib lang ang nag-iiba.

Sa Innate Gift faculty napunta si Jun Wu Xie at ang bilang ng mga disipulong naroon ay kaunti lang. Sila ang may pinaka-kumplikadong uri ng mga disipulo. Sa faculty na ito ay nahahati sila sa magkakaibang lahi kung saan sila ay tuturuan base sa kung saang lahi sila nagmula.

At pagdating kay Jun Wu Xiie...

Nag-iiba ang pangyayari.

"Panginoon, anong gagawin natin kay Jun Wu? Saan po natin siya ilalagay?" Tanong ni Tian Ze habang nakatayo sa opisina ng matanda. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito.

Ang ibang mga kabataan ay nahati-hati na ayon sa kanilang lahing pinagmulan at nagsisimula nang turuan. Tanging si Jun Wu Xie na lang ang natitira.

Si Jun Wu Xie ay nagmula sa "Spirit Mastery Race", ang nag-iisang tao na mula sa Spirit Mastery Race sa Middle Realm. Hindi alam ng Cloudy Brook Academy kung ano ang espesyal na katangian ng Spirit Mastery Race, kung paano sila mag-cultivate at kung sino ang magiging guro nito.

Habang ang lahat ng kabataan ay nagkukumahog na makahanap ng mainam na pwesto para mag-cultivate, si Jun Wu Xie naman ay nanatili sa kaniyang dormitory.

Hinilot ng lalaki ang kaniyang sintido habang nakatitig sa hindi mapakaling si Tian Ze.

"May reaksyon ba si Jun Wu simula't sapul?"

Umiling si Tian Ze.

Muling nagsalita ang matandang lalaki: "Ang mga batang iyon ay bumubuo na ng grupo. Si Jun Wu Xie ay hindi kabilang alin man sa Twelve Palaces. Kahit pa pinag-uusapan na siya ay wala pa rin siyang reaksyon?" 

Ang ibang mga kabataan ay kasama ang kanilang mga ka-tribu o lahi, o di kaya'y ang palasyong kanilang kinabibilangan.

Habang si Jun Wu Xie ay mag-isa.

Spirit Jade Palace?

Mag-isa lang siya!

Spirit Mastery Race?

Mag-isa pa rin siya!

Wala siyang masalihan na may kapareho sa kaniya!

Umiling si Tian Ze. Gusto niyang purihin si Jun Wu Xie dahil doon. "Walang kahit na anong reaksyon si Jun Wu at madalas na hindi siya lumalabas ng kaniyang silid. Mananatili lang siya sa kaniyang silid at gagawin ang kaniyang cultivation, wala kang mapupuna sa kaniya. Pero si Gu Xin Yan mula sa Blood Fiend Palace ay madalas siyang puntahan ngunit si Jun Wu ay tila walang balak na laliman ang kanilang ugnayan. Nanatiling malamig ang pakikitungo niya kay Gu Xin Yan."

Bata pa si Jun Wu at sa ganoong edad ay madali dapat itong maimpluwensiyahan ng nasa paligid ni niya. Lalo pa kung siya ay napapaikutan ng mga grupo-grupo. Kung ibang bata lang iyon ay magiging apektado ito ngunit si Jun Wu ay hindi. Minsan ay magtatago si Tian Ze sa isang tabi upang obserbahan ito at mapapansin niyang kalmado lang si Jun Wu. 

Makikitaan ng ngiti ng paghanga ang mukha ng matandang lalaki: "Makikitaan ng magandang pagpapasensya ang batang iyon at hindi iyon normal sa isang batang katulad niya. Tingin ko ay ganito na lang ang gagawin natin, ang ating academy ay hindi pa nagkakaroon ng mula sa Spirit Mastery race at ito ang unang beses. Hindi alam na baka sa susunod ay magkaroon tayo muli ng disipulo mula sa Spirit Mastery race kaya naman gagamitin natin ang batang ito para maging pamilyar sa nasabing lahi. Puntahan mo ang bata at sabihin mo sa kaniyang magpunta sa Waning Moon Chambers sa east wing ngayon."

Nakitaan ng pagkagulat ang mukha ni Tian Ze. Hindi siya makapaniwalang tumitig sa matandang lalaking kaniyang kaharap...

"Waning Moon Chambers?!"

下一章