Kinaumagahan, napuno ang tuktok ng Mount Fu Yao.
Nagsimula na rin ang Battle of Deities. Bumabaha ng mga tao sa venue kung saan gaganapin ang Battle of Deities Grand Meet!
Ang Battle of Deities Grand Meet ay nahahati sa apat na kategorya. Iyon ay ang spirit power, Ring Spirits, medical proficiencyu at innate gift.
Ang kompetisyon sa spirit power ay madali lang maintindihan. Sila ay maglalaban na wala ang tulong ng kanilang mga Ring Spirits. Isang round lang kada laban ang matatalo ay agad na matatanggal sa laro.
Ganoon din sa Ring Spirits ngunit hindi lang magbabase sa kakayahan ng may-ari mismo. Ibabase iyon sa kanilang Ring Spirits. Sa buong laban, hindi maaaring sumali ang may-ari, ipagpapaubaya lang nila lahat ng iyon sa kanilang mga Ring Spirit.
Sa medical proficiency at innate gifts naman, mas kalmado iyon kumpara sa dalawang naunang kategorya.
Nahahati sa dalawa ang medical proficiency, ang isa ay ang paggawa ng gamot at ang isa naman ay ang paggawa ng lason.
Ang mananalo ay ibabase sa bisa ng kanilang mga gamot. Kung sino ang may pinakamabisa iyon ang tatanghaling panalo.
Sa mga lason naman, titignan kung sino ang may pinakamakamandag na lason.
At ang huling kategorya, ang innate gift.
Ito ang inaabangan ng lahat. Hindi sila nakikipaglaban base sa specific na abilidad kundi base sa kung ano ang kanilang angking talento.
Dito, ang mga kalahok ay kadalasang mga nagmula sa iba't ibang tribu. Mahirap mahulaan kung sino ang mananalo dito dahil nakabase lang iyon sa desisyon ng mga hurado.
Magkakaiba ang lugar na paggaganapan ng bawat kategorya. Kaya naman nahati ang mga manonood sa apat din na lugar.
Ang dalawang pinakasikat na kompetisyon ay ang spirit power at ang Ring Spirits. Mas kaunti ang mga nanonood sa medical proficiency at innate gifts.
Nang magpasya si Jun Wu Xie na lumabas na sa inn, ang mga kabataan ay nagsisitakbuhan na patungo sa magkakaibang direksyon.
Saglit na huminto si Jun Wu Xie bago nagpasyang maglakad patungo sa hilagang direksyon.
Sina Ye Sha at Ye Gu naman ay tahimik lang na nakasunod dito.
[Young Miss! Saan ka pupunta?! Hindi ito ang direksyon papunta sa kompetisyon ng spirit power!]
Naglakad si Jun Wu Xie patungo sa kompetisyon kung saan mas kaunti ang mga kalahok at mga manonood.
Gayong maraming iba't ibang tribu at lahi na may pambihirang katangian, sa Middle Realm ang mga taga-Spirit Soul Race at Bone Shifters Tribe ay eksklusibo para lang sa kanilang mga tao.
Hindi nagpunta si Jun Wu Xie sa venue kung saan gaganapin ang pagtutunggali sa spirit power at hindi rin siya patungo sa medical proficiency. Siya ay naglakad patungo sa kung saan gaganapin ang kompetisyon para sa innate gifts. Dahil sa desisyong iyon ni Jun Wu Xie, labis na naguluhan sina Ye Sha at Ye Gu.
[Anong binabalak ng Young Miss?]
Hindi mahulaan nina Ye Sha at Ye Gu kung ano ang tumatakbo sa isipan ni Jun Wu Xie. Kung pagbabasehan ang spirit power ni Jun Wu Xie at sa spirit power competition siya makikipagtunggali, paniguradong mananalo siya. At kung sa medical proficiency naman siya magpunta, sigurado na rin ang kaniyang panalo.
Hinayaan din nito ang itim na pusa na makilahok sa Ring Spirit competition.
Pero...
Bakit bigla na lang nitong napagdesisyunan na magtungo sa kompetisyon na hindi siya gaanong nakakasiguro?
Sa nakikita nina Ye Sha at Ye Gu, marahil ay sumuko na si Jun Wu Xie sa mga kompetisyon kung saan madali ang panalo.
Subalit hindi naman maramdaman ni Jun Wu Xie ang hirap sa kaniyang desisyon. Tahimik lang siyang nakasunod sa mga taong patungo sa innate gifts competition.
Sa labas ng venue noon, napakahaba ng pila at hindi na makita ang dulo ng linya. Mayroong walong maaaring pasukan kung saan bibigyan ng tag ang mga kalahok. Mabilis ang usad subalit dahil sa napakarami ng tao, mahaba pa rin ang pila.