webnovel

Nakaraang Kasalanan (2)

編輯: LiberReverieGroup

Matapos gumawa ni Qiao Chu ng ingay, ay ibinaba niya si Jun Wu Xie. Patuloy niyang

minasdan ang mukha ni Jun Wu Xie na bahagyang binago, at nanatili lamang na magpakita ng

nakakalokong ngiti sa mukha.

"Kung hindi mo lang karga si Little Black ngayon, ay hindi ko magagawa na makilala ka."

Nasaksihan ni Qiao Chu ang antas ng pagbabalat-kayo na kayang gawin ni Jun WU Xie.

Kinakailangan lamang niyang baguhin ang hitsura ng kaniyang mukha at kaagad itong

magbabagao sa isang ibang tao. Maging ang mga tao na pamilyar na sa kaniya ay halos hindi

magawang makilala siya. Mabuti na lamang, hindi ganoon karaming tao ang may karga na

pusang itim kahit saan man sila magtungo dito sa mundo at si Little Black ay mayroong bilog

na gintong balahibo sa paligid ng leeg nito, kaya nasiguro ni Qiao Chu na hindi siya

nagkakamali.

Tinapunan ito ni Jun Wu Xie ng tingin ngunit walang sinabi na kahit ano, ngunit…

Ang makita si Qiao Chu sa lugar na ito, ay naghatid din ng tuwa sa kaniya.

"Nakita mo na ba ang iba pa?" Tanong ni Jun Wu Xie habang nanglumbaba.

Umiling si Qiao Chu. Sinunod nila ang sinabi sa kanila ni Jun Wu Xie at naghiwa-hiwalay ang

mga ito sa anim na magkakaibang lugar, kung saan ay iba-ibang pagkakataon silang umalis.

Dahil sa ganoong karaming tao na nagpunta dito sa Mount Fu Yao, ang magawang makita si

Jun Wu Xie tulad nito ay isang suntok ng kapalaran.

"Haiz! Ang magbalik sa aking bayang sinilangan, bakit pakiramdam ko ang lahit ay

nakakapanibago?" Panaghoy ni Qiao Chu habang nahihiga sa kaniyang kama, ang kaniyang

mata ay naningkit habang tinititigan ang kisame. Nang siya ay bata pa, ang kaniyang pamilya

ay pinilit sa malaking pagbabago at mabuti na lamang ay sinagip siya ni Yan Bu Gui na naging

dahilan upang makatakas siya doon na buhay. Ang mga alaala niya sa ganoong kamurang edad

ay unti-unting naglaho at lahat sa Middle Realm na nakita niya ngayon ay kakaiba at hindi

pamilyar sa kaniya.

"Hindi na mahalaga kung ang tingin mo sa lugar ay nakakapanibago. Naaalala mo pa ba ang

iyong layunin?"

Tanong ni Jun Wu Xie.

Nagtagis ang bagang ni Qiao Chu at ang kaniyang mata na kanina'y walang bahala ay naging

matigas.

"Palace of Flame Demons. Paano ko makakalimutan?"

Matapos sabihin iyon, ay ilang sandaling natahimik si Qiao Chu bago ito biglang naupo.

"Sa aking pagpunta dito, nakasalubong ko ang isang dalulong ng mga karwahe mula sa Palace

of All Life. Tila lang Twelve Palaces ay talagang nagpadala ng mga tauhan nila dito sa Mount Fu

Yao. Ang iyong inisip ay tumpak."

Sumagot si Jun Wu Xie: "Ang Twelve Palaces ay gumawa ng kaguluhan at nagawa rin na

lusubin ang Lower Realm. Imposibleng hindi sila maghahanap ng mga talento sa Middle

Realm. At dahil sila ang nagmungkahi na ganapin ang Battle of Deities, ikaw at si Brother Hua

ay susunggaban ang pagkakataon na iyon at hayaan ang Twelve Palaces na akayin mga asong

lobo papasok sa kanilang tahanan at iyon ay sapat na."

"Akayin ang mga asong lobo papasok sa kanilang tahanan? Gusto ko ang paraan nang

pagkakasabi mo!" Sabik na saad ni Qiao Chu, ang pagkamuhi na itinago niya sa kaibuturan ng

kaniyang puso ay halos sasabog na palabas sa kaniya.

"Sa oras na iyon, huwag kayong maghihiwalay." Saad ni Jun Wu Xie habang nakamasid kay

Qiao Chu. Tiwala siya sa kaniyang mga plano, ngunit may pangamba pa rin sa kaniya kung si

Qiao Chu at ang kaniyang mga kasama ay magagawang pigilan ang pagkamuhi na kumukulo sa

kanilang puso sa oras na maharap sila sa mga pumaslang sa kanilang mga magulang.

"Makakasiguro ka. Hindi ako gagawa ng kahit ano upang masira ang iyong mga plano."

Hagikgik na saad ni Qiao Chu.

Nakaipag-usap pa si Jun Wu Xie kay Qiao Chu at maya-maya ay lumabas na ng silid. Kumpara

kay Qiao Chu at sa iba pa, ang Middle Realm ay kakaiba sa kaniya. Hindi pa siya nakakarating

doon kahit kailan at wala siyang kaalam-alam sa lugar. Lahat ng kaniyang nalalaman ay sinabi

lang sa kaniya ni Qiao Chu at ng mga kasama nila.

Ang lugar sa Mount Fu Yao na pansamantalang binuksan para sa lahat ay binubuo ng mga

tindahan at ppanuluyan, ngunit ang kaibahan ay ang paninda sa mga tindahan ay mga sandata

at mga elixir, pinauunlakan ang mga kabataan na nagtungo doon upang lumahok sa Battle of

Deities Grand Meet.

Naglakad si Jun Wu sa mga iyon. Wala siyang gaanong alam tungkol sa mga sandata, ngunit

marami siyang nalalaman sa mga elixirs. Bumili siya ng ilang bote ng elixirs na matataas ang

halaga at sinuri iyon sa lugar na wala masyadong tao. Kung saan…

Lahat ng mga elixir na iyon ay walang awa na itinapon ni Jun Wu Xie sa maliit na kanal sa isang

tabi.

下一章