webnovel

Ang Kayaman ng Dark Emperor (3)

編輯: LiberReverieGroup

Habang dumadami ang kaniyang nakikita ay mas tumindi ang pag-uusisa ni Jun Wu Xie kung

gaanong makapangyarihan ang nasirang Dark Emperor. Lahat ng nakaukit sa mga mural ay

pinapakita ang kamangha-mangha ang tagumpay at kadakila ang mga ginawa ng Dark

Emperor at hindi kayang tumabasan ng sinuman sa Middle Realm. Sa mga mural na naroon,

mayroong isa na nag-iwan ng malalim na marka kay Jun Wu Xie. Ang lalaking nakasuot ng

maskara ay nakaupo na diretso ang likod sa isang mataas na upuan at sa kaniyang harapan ay

may dalawamput limang lalaki na nakaluhod.

Ang ayos nila ay ayon sa herarkiya ng mga ranggo.

Sa unahan ay may apat na lalaki, sa likod ay mayroong siyam, at sa ikatlong hanay ay may

nakaluhod na labingdalawa.

Kung hindi nagkakamali si Jun Wu Xie, iyon marahil ang dalawampu't limang lalaki na

nakatayo sa tuktok ng piramide ng Middle Realm.

Ang Four Sides, Nine Temples at and Twelve Palaces.

Bago nagpakita ang Dark Emperor, ang mga lalaking iyon ang namayagpag sa isang parte ng

Middle Realm ngunit nang bumaba ang Dark Emperor kasama ang Dark Regime, lahat ng mga

nangungunang lalaki ng kapangyarihan ay walang nagawa kundi iwan ang kanilang posisyon sa

itaas at isuko ang mga sarili sa paanan ng Dark Emperor.

Ganoon kalakas ang Dark Emperor.

Ang nag-iisang pinuno na tinanggap ng dalawampu't limang lalaki, kung saan sa mata nang

nag-iisang lalaking iyon, ang lahat ay susunod sa kaniya ng walang pagtutol.

Nakipagpalitan ng suntok si Jun Wu Xie sa mga tao mula sa Twelve Palaces noon at alam niya

ang kapangyarihan ng Twelve Palaces ay hindi pagmamalabis at lahat ng mga taong

nakasalamuha niya noon ay may maliit na kapangyarihan lamang sa Twelve Palaces. Bukod sa

grey robed man, inaasahan niya na ang kapangyarihan ng iba pa sa Twelve Palaces ay mas

mababa sa karaniwan. Kahit na ganoon man ang kaso, sa sagupaang iyon, ay lumaban pa rin

sila sa isang napakahirap at matinding labanan.

Ang ganoong uri ng kapangyarihan, ay isang bagay na hindi kakayanin ni Jun Wu Xie at mga

kasama niya sa ngayon.

One Region, Four Sides, Nine Temples, Twelve Palaces.

Ang lakas ng Twelve Palaces ay nasa pinakaibaba ng iba't ibang kapangyarihan ngunit sila ang

pinakamarami sa bilang at sa pangkalahatan ay kinakaya lamang ang mga nasa labas, kaya

napanatili nila ang pangalan na Twelve Palaces. Kung magkataon na kahit isa lamang sa mga

palaces, hindi na kailangan pa banggitin ang nag-iisang rehiyon, kahit isang kapangyarihan

lamang mula sa Four Sides o kaya Nine Temples ay magagawa na silang durugin hanggang

kamatayan!

Mula sa mga dahilan na ito, malinaw na ang lakas ng Dark Regions ay talagang nakakatakot

tulad ng mga sabi-sabi.

Dahil kung hindi, matapos ang ilang taon na pumanaw ang Dark Emperor, bakit ang iba't ibang

kapangyarihan sa Middle Realm ay nantiling takot sa Dark Regions at hindi nangahas na

maihayag ang kanilang mga gawain tungkol sa libingan ng Dark Emperor?

Mula sa simula, ay nakakuha na sila ng bahagi ng mapa ngunit hindi sila naglakas-loob na

ipagpatuloy pa iyon at sa halip ay tahimik na ipinadala iyon sa Lower Realm upang ipagawa

iyon sa mga tao mula sa Lower Realm sapagkat ang kanilang takot sa Dark Regions ay maaring

malalim na nakatanim at wala silang lakas ng loob na itago ang mga mapa sa kanilang pag-

aari.

"Mga mapang-api na sinasamantala ang mga mahihina, nalalapit na ang parusa." Hindi

mapigilan ni Jun Wu Xie na ngumisi. Naging malupit at walang awa ang Twelve Palaces ngunit

sila'y nasupil pa rin ng Dark Regions.

Ang mundo ay tumatakbo sa parehong patakaran para sa lahat. Kung hindi magagawa ng isa

na maging malakas at makaakyat sa mas mataas na posisyon, sa huli ay lalamunin sila ng iba.

Ang isang bangka na naglalakbay salungat sa agos ay hindi uusad at sa halip ay uurong.

Patuloy sa paglalakad si Jun Wu Xie nang mapansin niya na ang liwanag ng apoy sa di-kalayuan

ay bahagyang natinag. May katagalan ang aandap-andap na liwanag ng apoy at ang sinag na

nagliliwanag sa buong daan ay naging magulo.

Naging alisto ang pakiramdam ni Jun Wu Xie at bawat selula sa kaniyang katawan ay umigting

dahil sa matinding kaba.

Kung susumahin ang panahon na naitayo ang libingan ng Dark Emperor at naisara sa bawat

sulok nito, dapat ay walang sinuman ang nagbabantay sa lugar. Lalo na walang mapagkukunan

ng pagkain at inumin, ang mamuhay doon ng ilang daang taon na halos umabot sa isang

milenyo ay talagang imposible. Ngunit may isang bagay na nagdulot ng agam-agam kay Jun

Wu Xie tungkol doon, na naging sanhi upang hindi siya mangahas na masiguro iyon.

Iyon ay ang nangyari kay Wen Yu…

Hindi sinasadya na nakapasok si Wen Yu sa libingan ng Dark Emperor, ngunit hindi niya alam

kung paano siya nakarating sa ituktok ng Heaven's End Cliff!

下一章