Kailangan protektahan ni Jun Wu Xie hindi lamang ang sarili, pati na rin ang kaniyang pamilya
at mga kaibigan na kaniyang pinagmamalasakitan.
Bukod doon…
Tumingin si Jun Wu Xie kay Jun Wu Yao. Hindi niya alam ang tunay na pinagmulan ni Jun Wu
Yao ngunit nahuhulaan niyang ang pagkakakilanlan nito ay hindi simple lamang. Para sa isang
tao na may ganoong kapangyarihan tulad ng sa kaniya ngunit pinili na manatili sa Lower
Realm, ay isang bagay na kakatwa sa kaniya. Inalala ang pagkakataon na una silang nagtagpo,
naalala niya na ito'y bihag sa loob ng isang kuweba at may kadena sa katawan. Ang mga iyon
ay hindi lamang ordinaryong kadena dahil sa kakayahan ni Jun Wu Yao, paanong ang ilang
kadena ay magagawang pigilan ang kaniyang kalayaan?
[Bakit siya nakakulong sa kuwebang iyon?]
[At sino ang nagkulong sa kaniya doon?]
[At sa tuwing mawawala siya, ano ang ginagawa miya?]
Ni minsan ay hindi nagtanong ng tungkol doon si Jun Wu Xie, at hindi nito inisip pa ang
tungkol doon. Ngunit ngayon, hindi niya maiwasan na isipin ang bagay na iyon.
Matapos niyang masaksihan mismo ang kakaibang lakas na taglay ni Jun Wu Yao, hindi niya
lubos maisip kung sino ang makakagawa na magkulong sa kaniya.
Bagaman wala pa rin kahit kaunting pahiwatig kung sino ang posibleng kaaway ni Jun Wu Xie,
ngunit isang hinala ang nabuo sa kaniyang puso.
[Maaaring dumating ang isang araw na hindi na niya kakailanganin ang proteksyon ni Jun WU
Yao. Maaaring dumating ang isang araw na magagawa na niyang tumayo sa tabi nito upang
harapin ang kalaban na lalapit sa kanila.]
Siya…
[Ay nais rin itong tulungan.]
"Ano? Bakit titig na titig ka sa akin? Little Xie, maari kayang iniisip mo na naman ako?" Saad ni
Jun Wu Yao habang nakangiti kay Jun Wu Xie. Gusto niya kapag minamasdan siya nito ng
ganoon, parang, siya lamang ang nasa mundo nito.
Lumapit si Jun Wu Yao kay Jun Wu Xie hanggang sa ang mga mukha nila ay isang daliri na lang
ang layo sa isa't isa.
"Ikaw ay nagmula sa Middle Realm?" Biglang tanong ni Jun Wu Xie.
Bumakas ang gulat sa mata ni Jun Wu Yao dahil iyon ang ikalawang pagkakataon na nagtanong
si Jun Wu Xie tungkol sa kaniyang pinagmulan simula ng sila'y magkatagpo.
Ang unang pagkakataon na iyon ay nangyari, ay noong siya'y gumamit ng di-karaniwang
paraan upang baguhin ang alaala ng ama at anak ng Jun Family at panatilihin sa loob ng lin
Palace ang kaniyang pagkakakilanlan bilang Jun Wu Yao. Ginawa ni Jun Wu Xie ang parehong
paraan at tinanong kung sino nga ba siyang talaga ngunit ng mga panahon na iyon ay
pinandidilatan siya ng malamig at kahindik-hindik na mga mata ni Jun Wu Xie, ang boses ay
matalim at matinik.
Ngunit ang pagtatanong niya ngayon, sa halip ay puno ng pagtataka.
"Bakit bigla ay tinanong mo sa akin iyan?" Umayos ng upo si Jun Wu Yao at tumingin kay Jun
Wu Xie habang nagtatanong.
Ang galak sa kaniyang mata ay unti-unting naglaho at napalitan ng bakas ng dalamhati na
hindi kailanman nakita, bahagyang-bahagya, at hindi madaling mapansin.
"Gusto ko lamang malaman." Pag-amin ni Jun Wu Xie.
Maya-maya ay tanong ni Jun Wu Yao: "Bigla ba naisip ni Little Xie na nais niyang malaman ang
tungkol sa akin?"
Tumango si Jun Wu Xie.
Nagdilim ang mata ni Jun Wu Yao ngunit naitago niya iyong maigi. Nang muli niyang itaas ang
mga mata, ay nagniningning na ang mga iyon tulad ng nanunuksong kislap na mayroon ito.
"Kung ano ako noon, ay hindi na mahalaga. Ang kailangan mo lang malaman ay ng sandaling
tumapak ako sa Lin Palace, ay naging ako at ako pa rin si Jun Wu Yao, ang Jun Wu Yao na iyong
nakilala at sapat na iyon." May mga bagay na hindi niya nais na malaman ni Jun Wu Xie,
maaring hindi niya gusto, o kaya… hindi siya nangahas…
Ang malaman ang kaniyang pagkakakilanlan sa kasalukuyang estado ni Jun Wu Xie, ay hindi
makakabuti sa kaniya sa anumang paraan, sa halip ay magdadala sa kaniya sa malubhang
kapahamakan.
"Masaya ako na tinanong mo ako ng ganito. Little Xie… sa iyong puso, naiiba ba ako sa ibang
mga tao?" Biglang tanong ni Jun Wu Xie habang inaabot niya ang munting mga kamay ni Jun
Wu Xie,binalot sa mainit niyang palad.
Ang munting kamay niya, ay tulad ng kaniyang pagkatao, maliit at malambot, ngunit
nagtataglay ng hindi mapantayan na kapangyarihan sa loob.
"Oo." Mahinang sagot ni Jun Wu Xie. Alam niya, na hindi nito nais na pag-usapan pa ang
tungkol doon.
Habang siya ay hindi na nais puwersahin pa ang tungkol doon.