webnovel

Yit (2)

編輯: LiberReverieGroup

Ang Soul Calming Jade ay hindi na rin buo, at bagaman ito ay para gamitin sa spirit bodies, ang

lakas na kinakailangan ng spirit ay sobra-sobra at hindi ito makukumpleto kung aasa lamang

ito sa Soul Calming Jade. Nangangailangan ang Soul Calming Jade ng mas maraming enerhiya

at kailangan nito ang munting Emperor upang makakuha ito mula sa panlabas at gawin iyon

na spirit energy.

Hindi lamang jade stones, kahit anuman na naglalaman ng kakayahan ng spirit ay hindi kayang

tiisin ng Soul Calming Jade na nasa loob ng katawan ng munting Emperor.

Hindi iyon gutom ng pisikal na katawan ngunit ang kahungkagan ng spirit.

"Makakaapekto ba ito sa kaniyang katawan?" Nakasimangot na tanong ni Jun Wu Xie.

Bagamat mayroon siyang kaunting nalalaman sa ipinaliwanag ni Jun Wu Yao, ngunit sa

katawan ng isang tao, paano nito magagawa na sipsipin lahat ng jade stones? Kahit na iyon ay

nadurog at nginuya na, ang pinong jade stones na nasa loob ng tiyan ay maaaring magdulot ng

iba pang problema.

Naglakad si Jun Wu Yao paharap at ibinuka ang bibig ng munting Emperor na nakapako pa rin

ang tingin sa jade Ruyi.

Sa loob ng bibig ng munting Emperor, ay mayroong naidagdag na dalawang tila pangil na

ngipin. Bagama't hindi iyon malalaki, ay napakatalim naman ng mga iyon.

"Ang batang ito ay hindi na ordinaryong tao. Lahat ng mga bagay na ito ay hindi magdudulot

ng kahit anong panganib sa kaniya."

Ang munting Emperor ay blankong nakatitig kay Jun Wu Xie, sa mga mata nito ay tila may

bakas ng pagkamasunurin.

Ito ang unang pagkakataon na nakatagpo ng ganito si Jun Wu Xie. Kung hindi lamang mula kay

Jun Wu Yao ang mga salitang iyon, ay hindi niya ito paniniwalaan, ngunit dahil si Jun Wu Yao

ang nagsabi niyon, ay hindi iyon maaaring magkamali.

Minamasdan ang munting Emperor na nakatitig sa jade Ruyi na may paghahangad sa mga

mata nito, walang magawa si Jun Wu Xie kundi ang tumayo at kunin ang jade Ruyi at ilagay

iyon sa kamay ng munting Emperor.

Hinawakan ng munting Emperor ang jade Ruyi sa kaniyang mga kamay, na parang isang tao na

gutom na gutom at may nasasabik sa hawak na inihaw na manok. Ang malaki at malinaw na

mata nito ay muling lumingon kay Jun Wu Xie at nang tumango si Jun Wu Xie, ay dinala nito

ang jade Ruyi sa kaniyang bibig at sinulan itong ngatngatin.

'Crunch crunch crunch…'

Ang mga tunog na iyon ay sabay na nagpalundag sa puso ni Jun Wu Xie.

Nang si Qiao Chu at ang iba pa ay nagtungo doon upang hanapin si Jun Wu Xie, ay nakita nila

ang munting Emperor na yakap ang kalahati ng jade Ruyi at nakaupo sa isang tabi…'Crunch

crunch crunch', at ang ilang kabataan na iyon ay natigagal.

"Ano… Anong klaseng sitwasyon ito? Ito ba ay bagong uri ng miryenda na gawa ng kusina ng

Lin Palace? Ha… ha… kahawig na kahawig iyon ng jade Ruyi…" Saad ni Qiao Chu at

nagsisimulang ngumiwi ng kaniyang bibig. Sinabi niya sa kaniyang sarili na ang mata niya'y

maaring pinaglalaruan lamang siya sapagkat paanong ang isang munting bata ay magagawang

ngatngatin ang isang jade Ruyi.

"Palagay ko, hindi talaga iyon isang miryenda." Saad ni Fan Zhuo sa malamig na boses.

"..." Puno ng gulat ang mukha ni Qiao Chu.

"Magaling na siya?" Mula sa isang tabi ay naglakad papasok si Rong Ruo, habang minamasdan

ang munting Emperor na nakayuko at kinakain ang jade Ruyi, at manghang nagtanong kay Jun

Wu Xie.

Mahinahon na sinabi ni Jun Wu Xie sa kaniyang mga kasama ang kasalukuyang kalagayan ng

munting Emperor at ang mga kabataan iyon ay hindi malaman kung paano tutugon doon.

Ang munting Emperor ay mas maayos na kaysa noon ngunit… hindi pa rin iyon lubusang

gumagaling!

Ang jade Ruyi ay halos kasing-haba ng braso ng bata at inubos iyon ng munting Emperor na

walang iniwan na bakas. Ang sulyap niya ay patuloy na naghanap sa buong silid at tila may

nakitang isang bagay nang iangat ang kamay upang hawakan ang jade na palawit sa kaniyang

leeg.

Nang akala ni Jun Wu Xie na magsisimula itong muli na mag "yit", ang munting niallang ay

hindi nagpakita ng interes sa jade na palawit at binitawan agad iyon.

"Ang makita siyang ganito, talaga bang magiging maayos siya?" Nagkamot ng ulo si Qiao Chu,

at pakiramdam niya ay kakaiba lahat ng iyon.

"Big Brother Wu Yao, bukod sa jade stones, wala bang ibang bagay na mas karaniwan ang

makakagawa upang maitaas ang kapangyarihan ng Soul Calming Jade?" Tanong ni Qiao Chu.

Ngunit si Jun Wu Yao at tumugon: "Oo, mayroon."

"Ano iyon?"

"Ring spirits."

下一章