Maaaring si Jun Qing ay maamo at kaakit-akit ang hitsura, ngunit sa tuwing siya ay
magsasanay ng mga mandirigma, hindi siya nagpapakita ng kahit kaunting kabaitan o awa.
Ang mga kabataan ay nagsimulang maramdaman na sa halip ang young lord ay magiliw ay
tuluyang binago ang pananaw nila kay Jun Qing matapos lamang ang kalahating araw sa ilalim
ng mga kamay ni Jun Qing!
Tunay na miyembro ng Jun Family. Sa ilalim ng maamong panlabas na anyo, ay nakatago ang
malakas at matibay na pagkatao!
Ilan sa mga kimi na kabataan, ay napapaiyak sa isang matapang na titig mula kay Jun Qing.
Ang titig sa mga matang iyon na nasaksihan ang walang katapusan na walang emosyon at
walang-awa na pagpatay, ay hindi isang bagay na makakaya ng mga mura at padaskol-daskol
pang mga kabataan .
"Parang nakita ko ang Young Lord na… ngumiti? Imahinasyon ko lang ba iyon?" Ang isang
kabataan na pawis na pawis ay sinabi iyon habang kinakamot ang ulo. Mula pa nang sila'y
mailista sa Rui Lin Army, ay hindi pa nila nakita ni minsan na ngumiti sa kanila si Jun Qing.
Ang ngiti ng matigas na Young Lord, para sa kanila ay pambihirang makita.
"Sa totoo lang… nararamdaman ko na ang ating Young Lord ay mas kaakit-akit kapag
nakangit." Saad pa ng isang kabataan na may mapait na ngiti.
Ang mga mandirigma ng Ru Lin na nasa tabi ay pinanatili ang matigas nilang mga hitsura,
pinilit na hindi magbago ang ekspresyon sa kanilang mga mukha habang tinititigan ang grupo
ng baguhang kasapi.
Ngunit sa kaibuturan ng kanilang puso sila'y humahalakhak.
Ang ngiti ng Young Lord ay bihira makita?
Sa oras na makalabas sa pangunahing kampo ng Rui Lin Army at makabalik sa Lin Palace, ang
Young Lord ay palaging nakangiti! Hindi lang nalalaman.
"Tumigil na kayo sa kadadaldal diyan at magpatuloy sa pagsasanay! Maqgtigil na kayo sa
kakasabi ng walang kuwentang bagay o makakasiguro kayo na pagbalik ng Young Lord ay
siguradong bibigyan kayo ng isang malupit na hampas!" Pinagsabihan sila ng mga mandirigma
ng Rui Lin Army, ang mga mukha ay mabagsik.
Ang mga kabataan na hindi pa halos nakakapagpahinga ay agad tumalima at mabilis na
napatalon upang magpatuloy sa kanilang pagsasanay.
Si Jun Qing at Long Qi ay nakasakay sa kanilang mga kabayo at mabilis na nagbalik sa Imerial
Capital ng Qi Kingdom. Nang ang mga kabayo ay halos sadsad sa paghinto sa harapan ng
tarangkahan ng Lin Palace, ang dalawang lalaki ay agad pinitik ang mga katawan upang
makababa, at mabilis na pumasok sa loob.
Sa loob ng pangunahing bulwagan ng Lin Palace, isang pamilyar na anyo ang namataan ni Jun
Qing at ang mukha niya ay agad napangiti ng malapad na mula sa kaibuturan ng kaniyang
puso.
"Nagbalik na si Little Xie."
Nakaupo sa loob ng bulwagan, nang makita ni Jun Wu Xie na pumasok si Jun Qing, ay agad
itong tumayo.
Humakbang pahapar si Jun Qing at binigyan ang munting pamangkin ng isang malaking yakap.
"Mabuti naman at nakabalik ka na. Sa tuwing wala ka rito, ang iyong lolo ay sobrang
nangungulila sa iyo." Saad ni Jun Qing na nakangiti. Siya at si Jun Xian ay parehong matigas na
mga lalaki na dumaan sa hindi mabilang na battlefields at sa tatlong henerasyon ng Jun Family
ay tanging nag-iisa lamang ang babae, at siya ang pinakabatang miyembro ng pamilya.
Bagama't ang dalawang lalaki ay nalalaman na may mga bagay na kailangang ayusin si Jun Wu
Xie, ngunit nang mahiwalay ng matagal, ay talaga namang nangulila sila sa kaniya.
Bagama't ang dalawang lalaki na pinatigas ng labanan ay hindi magsalita, ay naiinitindihan nila
ang puso ng bawat isa.
Nakaupo sa pangunahing upuan sa loob ng bulwagan, ay nilinis ni Jun Xian ang kaniyang
lalamunan at pinandilatan ang madaldal na bunsong anak at sinabi: "Sa tono ng iyong
pagkakasabi ay tila hindi ka nangulila sa kaniya. Matanong ko lang, sino nga ba iyong laging
tumatakbo sa patyo ni Little Xie araw-araw kailanman na magagawa niya upang linisin ang
lugar? At nakikipag-away pa sa mga tagapagsilbi upang gawin iyon?"
Ang ipagkanulo ni Jun Xian ng ganoon, ay kiming napangiti si Jun Qing dahil sa kahihiyan.
Nang magbalik noon si Jun Wu Xie, ang Qi Kingdom ay tinamaan ng delubyo at kung nanaisin
nila na gumugol ng oras kasama si Jun Wu Xie, ay wala silang gaanong oras ng mga panahon
na iyon. Matapos maayos ang mga bagay-bagay, ang pangungulila sa kanilang puso ay
mahirap na pigilan.
Pinanood ni Jun Wu Xie ang mag-amang Jun na pinapahiya ang isa't isa habang sinusubukan
kung sino ang may huling sasabihin, at ang sulok ng kaniyang labi ay bahagyang napaangat.
Kahit gaano pa kagulo sa labas, sa oras na magbalik siya sa kaniyang tahanan, ay palagi siyang
sinasalubong ng mainit na pakiramdam ng pagkakamag-anak.
Si Qiao Chu at ang iba pa'y nanonood lamang sa isang tabi, ang mga mata nila'y napuno ng
walang katapusan na inggit. Ang kanilang pamilya ay wala na, at naisip nila na hinding-hindi na
sila magkakaroon ng pagkakataon na mramdaman ang may pamilya.
"Malaki ka na't lahat ngunit nagsasabi ka pa rin ng mga walang kapararakan. Maupo ka na
upang maipag[atuloy na natin ang pag-uusap." Saad ni Jun Xian sa mahinahon na boses.