Tinitigan ni Jun Wu Xie ang Emperor ng Condor Country na umaatungal at sa kawalan ng
pasensya, ay sinipa niya ito at ito'y lumipad palayo!
Nahulog sa lupa, ang Emperor ng Condor Country na puno ng takot ay lumuhod, ang katawan
niya ay nanginginig na parang isang dahon, walang tigil ang bibig sa pagmamakaawa.
Ang sulyap ni Jun Wu Xie ay kasing-lamig ng yelo. Alam niya na ang All Dragons Palace ang
nasa likod ng Poison Men at Scarlet Blood ngunit hindi niya alam na ang dahilan kung bakit
pinili ang munting Emperor ay dahil pinili ito ni Elder Huang. Nilayon niya kanina na pakawalan
si Elder Huang pansamantala ngunit ngayon ay nagbago ang kaniyang isip!
Dahil ang mga tao mula sa All Dragons Palace ay mababa ang tingin sa mga mamamayan ng
Lower Realm bilang tao, paano niya magagawa na lunukin ang kawalang-hustisyang iyon!?
"Paano mo babayaran ang Buckwheat Kingdom?" Saad ni Jun Wu Xie sa nakakapanindig
balahibong boses.
Nakaluhod sa lupa, agad sumagot ang Emperor ng Condor Country: "Magbabayad ako!
Magbabayad ako kahit magkano! Ilalabas ko lahat ng nasa Condor Country's Treasury at
ibabayad ko sa kanilang lahat!"
"Tingin mo sapat na lahat ng iyon?" naningkit ang mata ni Jun Wu Xie.
Maingat na sumagot ang Emperor ng Condor Country: "Ang Buckwheat Kingdom… Ang
Buckwheat Kingdom ay nawalan lamang ng dalawang pinuno…"
Sa pananaw ng Emperor ng Condor Country, kumpara sa matinding pagkawala na tinamo ng
Qi Kingdom, ang nawala sa Buckwheat Kingdom ay maliit lamang.
Higit pa roon, ang Qi Kingdom ay kaanib ng Fire Country ngunit ang Buckwheat Kingdom ay
walang kinalaman sa Fire Country.
Malamig na sumagot si Jun Wu Xie: "Ang munting Emperor ng Buckwheat Kingdom ay aking
nakababatang kapatid."
"Ano…" Ang mukha ng Emperor ng Condor Country ay natigagal habang nakatitig kau Jun Xie.
Ang mga salitang iyon ay nagdulot sa hinahapo at hinihingal na si Grand Tutor He na matigagal
rin sa matinding pagkagulat. Ang katotohanan na bukal sa loob ni Jun Xie na tumayo para sa
Buckwheat Kingdom ay lubusan na niyang ipinagpapasalamat ngunit hindi niya naisip na bigla
ay aangkinin ni Jun Xie ang kanilang Kamahalan bilang kaniyang… kapatid.
Tumingin si Jun Wu Xie sa naguguluhang mukha ni Grand Tutor He at nang maalala niya ang
tinawag sa kaniya ng munting Emperor, ang mata niya ay bahgyang nagdilim habang sinasabi:
"Tinawag niya akong munting Big Brother, hindi ba?"
Sa pagtawag sa kaniya bilang kaniyang munting Big Brother, siya ay nakahandang maging Big
Brother!
[Ang sinumang maglakas-loob na apihin ang kaniyang nakababatang kapatid, ay sinisiguro niya
na ang taong iyon ay mamatay ng walang lugar na paglilibingan!]
Nangatog ang buong katawan ni Grand Tutor He, matindi ang pagkabalisa habang ang puso ay
lubusan ang pasasalamat at mababang yumuko siya sa harap ni Jun Xie ng tatlong malakas na
ulit sa lupa.
Sa dominanteng lakas ng Fire Country, ay hindi na nila kailangan gumawa ng anumang pabor
para sa BUckwheat Kingdom. Sa mga ginagawa ni Jun Xie, ito ay nakikipag negosasyon sa
pagsuko ng Condor Country para sa Buckwheat Kingdom.
Hindi lamang sinagip ni Jun Xie ang kanilang His Majesty, bukal din sa loob nito na ipaghiganti
sila. Kinuha rin ngayon ni Jun Xie ang Buckwheat Kingdom at inilagay sa ilim ng kaniyang
pangangalaga at sa ganoong uri ng pinakitang kabaitan, naramdaman ni Grand Tutor He na
hindi niya magagawang gantihan iyon habang-buhay!
Salungat sa matinding pasasalamat ni Grand Tutor He, pakiramdam ng Emperor ng Condor
Country ay may madilim na ulap na namumuo sa itaas ng kaniyang ulo.
Dahil sa ang munting Emperor ng Buckwheat Kingdom ay naging "nakababatang kapatid" ni
Jun Xie, ang kabayaran ay magiging…
"Kapareho sa kabayaran ng Qi Kingdom, gumawa ka muli ng isa pang kpya ngunit ngayon para
sa Buckwheat Kingdom." Minasdan ni Jun Wu Xie ang Emperor ng Condor Country na
nakalubog sa malalim na kadiliman, habang sinasabi niya ang huling utos.
Ang mga sinabi ni Jun Xie ay umalingawngaw sa kaniyang tainga, na tila batingaw para sa
pagpanaw.
[Kapareho sa Qi Kingdom at gumawa ng isa pang kopya?]
[Ang kabayaran sa Qi Kingdom ay nagawa na niyang ibigay ang kalahati ng imperyo ng Condor
Country, at ang paggawa ng isa pa… Hindi ba't ibig sabihin niyon ay ibibigay niya ang buong
Condor Country!?]
"Hindi… Hindi puwede… Hindi puwedeng maging ganito." Sa sandaling iyon, pakiramdam ng
Emperor ng Condor Country ay may mapaminsalang kalamidad ang bumagsak sa kaniya.
[Hindi nagpunta si Jun Xie doon upang makipag-negosasyon sa tuntunin ng kabayaran…
Nagpunta siya doon upang buharin ang Condor Country!]
Dalawang kasulatan ng kabayaran at ibinigay niya ang buong Condor Country. Simula sa araw
na iyon, ang Condor Country ay wala na!
Nakakahindik na ngumiti si Jun Wu Xie: "Dapat."
"Nagmamakaawa ako sa'yo! Maawa ka sa Condor Country!" Tuluy-tuloy sa pagyuko ang
Emperor ng Condor Country, malakas na tumatama ang noo sa lupa sa harapan ni Jun Xie. Sa
harap ng grupo ng mga Purple Spirits na nasa kaniyang harapan, ay walang paraan na
magagawa niyang labanan ang mga ito at walang ibang paraan kundi ang magmakaawa kay
Jun Xie na maawa sa kaniya.
Ngunit…
Nakapag-desisyon na si Jun Wu Xie na burahin ang Condor Country sa ibabaw ng lupaing iyon.
"Mapapatawad ko ang Condor Country. Kailangan mo lamang gumawa ng dalawang kasulatan
ng kabayaran at ang Condor Country ay maililigtas sa paglipol. Ngunit ang patawarin ka,
imposible."