webnovel

Ang Empress ng Fire Country (1)

編輯: LiberReverieGroup

Matagumpay na nagbalik ang hukbo ng Fire Country at ang buong bansa ay nagdiwang. Nang

makita ang engrandeng pangkat na buong karangalang nagmamartsa sa loob ng siyudad, ang

mamamayan ng Fire Country ay hindi kailangan pa manghula at alam nila na sila ay nanalo

muli sa pagkakataong iyon.

Isa pa…

Ang pagwawagi sa Fire COuntry ay karaniwan lamang na tila pag-inom lamang ng tubig sa

kanila. Sa mamamayan ng bansa, hindi puamsok sa kanilang isip kung ano ang lasa ng

pagkatalo.

Sa ilalim ng nagbubunying kondisyon, ang hukbo ng Fire Country ay nagkaroon ng dalawang

matagumpay na labanan, pinuksa ang halos apat na milyon, gumawa ng panibagong pagtatala

sa kasaysayan ng mga laban ng Fire Country, na naging dahilan kaya karamihan sa

mamamayan ng Fire Country ay masayang nagsayawan. Ito ang unang laban matapos ang

maupo ng bagong Emperor sa trono at napakaganda ng kanilang pagkapanalo, na natural na

kinilala ng mamamayan ng Fire Country ang abilidad ng kanilang batang Emperor. Ang mga

kanta ay inawit at ang mga pinsel ng mga manunulat ay lumipad upang itala ang kasaysayang

pangyayari, isinulat ang magagandang taludtod, itinala ang bagong tagumpay ng Fire Country

sa taguan ng kanilang mga salaysay.

Subalit…

Ang mga sundalo ng Fire Country ay tahimik. Nahaharap sa lahat ng masigabong papuri at

palakpakan para sa kanila, ang tanging naramdaman nila ay ang diwa ng pagsisisi at sa

kanilang mga sarili ay naisip nilang hindi iyon nararapat sa kanila.

Ang laban na iyon, ang may pinakamaraming bilang ng kalaban, ngunit sobra sa kalahati ng

mga kalaban na iyon ay nalipol ng isang tao na nasa tabi ng His Majesty.

Ang pinagsamang bilang ng pagpaslang na responsable ang buong hukbo ay hindi kayang

makipagkumpitensya sa nag-iisang tao sa tabi ni Jun Xie. Ginawa nito ang buong grupo ng

mababangis na sundalo na makaramdam sa kanilang mukha ng init, sinasagot ang mga

sinasabi ng mga tao sa nahihiyang asal, ang kanilang mga tainga at mukha ay namumula

habang sila ay pabalik sa kanilang kuwartel.

Lahat sila ay ginawang idolo si Jun Wu Yao na nais nilang sundan sa buong buhay nila!

Ang mga kalalakihan ay lubos ding nagpakumbaba sa ipinakitang kapangyarihan ni Jun Wu Xie.

[Sinumang mangahas na hamakin ang kanilang munting Emperor dahil sa pagiging bata nito,

ay papahiran nila ng tae ang mukha ng taong iyon!]

[Mayroon na bang nakakita, ng isang labinlimang taong gulang na Purple Spirit?]

[Kung sasabihin ko sa iyo ang tungkol doon, tiyak na tatakutin nito ang nabubuhay na liwanag

palabas sa iyo!]

Nang makabalik si Lei Chen sa Imperial Capital ng Fire Country, ay sinamahan nito si Jun Xie

papunta sa Imperial Palace, habang siya at si Lei Xi ay nagbalik sa kani-kanilang palasyo.

Matapos maging bagong Emperor ng Fire Country ni Jun Wu Xie, ang ilang orihinal na Princes

ay ginawang Dukes. Si Lei Chen ay nasa panig na nakakatulong kay Jun Xie at si Lei Xi ay

nakasunod kay Lei Chen sa kung anuman ang gawin nito. Ang lubos na karaniwang si Lei yuan

ay malinaw na sinabi na hangga't may masarap na pagkain at inumin, at pahihintulutang

mabuhay ng marangya, ay walang pakialam kahit sinuman ang maupong Emperor.

Ngunit…

May isa pang kasa-kasama si Jun Xie sa Imperial Palace. Si Qu Ling Yue.

Matapos ang kasal sa Thousand Beast City, ay sumunod si Qu Ling Yue sa tabi ni Jun Wu Xie.

Ngunit ang kaniyang personalidad ay tuluyan na ngang nagbago. Sa buong digmaan sa Qi

Kingdom, ni minsan ay hindi siya nagsimula na makipag-usap kay Jun Wu Xie, maski isang

pantig.

Ang dalaga na dati'y agad na namumula sa oras na makita si Jun Wu Xie, at palaging

natataranta, ngayon ay tila naisilang muli. Ang bahid ng kawalan ng muwang na mayroon sa

mga mata ng karamihan ng musmos at kabataang babae ay naglaho na sa kaniya. Tila siya ay

naging isang matatag na punong namukadkad, tahimik na nagtitiis at walang imik.

Kahit na naganap ang labanan, hindi siya nagpakita ng kahit anong senyales ng pagiging

alumpihit katulad noon, at sa halip ay walang emosyon at tahimik na kinuha ang kaniyang

espada at tumapak sa labanan, upang paslangin ang kalaban kasama ang mga opisyal ng

hukbo ng Fire Country.

Sa mga sandaling iyon ay nakasunod sa likuran ni Jun Wu Xie si Qu Ling Yue, tahimik na

naglalakad sa loob ng Imperial Palace ng Fire Country. Kung hindi lamang dahil sa naririnig ang

kaniyang mga yabag, maaring isipin ni Jun Wu Xie na walang tao.

Nang sila ay naglakad papasok na Main Palace, ang mga guwardiya at tagasilbi ng palasyo ay

binati at iniwan sila, ang tanging nasa loob ng silid ay si Jun Wu Xie at Qu Ling Yue.

"Hindi ako mananatili dito sa Fire COuntry sa mga susunod na araw, at hindi rin ako mananatili

sa Qi Kingdom. At dahil tayo ay kasal, ako ang responsable sa iyo. Kung nais mo, maari kang

manatili kahit saan mo gusto."

Bahagyang natigilan si Qu Ling Yue at bumaba ang mga mata bago nagsalita: "Nais kong

manatili sa Fire Country."

"Sige." sang-ayon ni Jun Wu Xie at maya-maya ay sinabi: "Nais kong maging Empress ka ng

Fire Country, at Imperial Harem ng Fire Country, ikaw lamang, isang tao lamang."

下一章