Nahihiyang tumingin si jun Wu Xie sa kaniyang tiyuhin sapagkat hindi rin niya naisip na siya ay
makakatulog ng ganoon katagal.
"Sige na, sige na. Binibiro ka lang. Madali ka at kumain na. Huwag kang magpagutom." Saad ni
Jun Qing na tumatawa habang iniiling ang kaniyang ulo, naupo ito sa upuan na nasa tabi.
Muling kinuha ni Jun Wu Xie ang kaniyang mangkok at chopsticks upang simulan ang kaniyang
pagkain nang dahan-dahan.
Pagkatapos ng dalawang subo upang malamnan ang kaniyang sikmura, ay inangat niyang muli
ang kaniyang ulo upang tingnan si Jun Qing.
"Uncle, may kailangan ka sa akin kaya ika'y nagpunta rito?"
Sumagot si Jun Qing: "Hindi naman ganoon kahalaga. Hindi ba't nabanggit mo sa iyong abuelo
na nais mong makita ang Soul Jade? Narinig ko ang tungkol doon at nais kong dalhin iyon sa'yo
ngunit hindi ko akalain na nakatulog ka na. Nag-utos ako ng mga tao na magbantay sa pintuan
at nagbilin na hanapin ako sa oras na ika'y magising, upang sagipin ka sa ilang hakbang na
iyong itatakbo para lamang makita ako."
Ang kawal mula sa Rui Lin Army na nagbabantay sa pintuan ay inayos ni Jun Qing. Alam niyang
pinagod ni Jun Wu Xie ang kaniyang sarili at paniguradong nais maligo at magpalit sa oras na
magising, at kailangan rin nitong kumain.
"Mm. Nasaan ang Soul Jade?" Ikinalugod ni Jun Wu Xie ang pag-aalala ng kaniyang tiyuhin at
nang marinig ang pagbanggit nito sa Soul Calming Jade, ay agad niyang nakalimutan na ang
pagkain at ibinuka ang kaniyang bibig upang tanungin ang tungkol sa Soul Calming Jade.
Itinaas ni Jun Qing ang kaniyang kamay at pinitik ng daliri ang noo nito. "Ang bagay na iyon ay
nasa akin ngayon at hindi ako pupunta sa kung saan. Unahin mo muna ang iyong sikmura at
kung hindi mo uubusin ang kanin sa iyong mangkok, ay hindi ko ipapakita ang Soul Calming
Jade sa iyo."
Sa loob ng isang taon, si Jun Wu Xie ay bahagyang tumangkad, ngunit nanatili pa rin itong
payat. Dahil hindi niya nakita ang kaniyang pamangkin sa loob ng isang tao, nang makita ni Jun
Qing ang payat na pangangatawan ni Jun Wu Xie, ang puso niya kumislot sa sakit. Kung hindi
dahil sa digmaan, ay mag-uutos siya ng mga tao na hakutin lahat ng mga masasarap na putahe
at ilagay iyon sa harapan ni Jun Wu Xie upang mahustuhan ng tamang nutrisyon.
"Sige…" Panaghoy ni Jun Wu Xie habang hinahaplos ang kaniyang noo kung saan siya
tinamaan. Hindi naman iyon masakit, at sa halip ay nagdal iyon ng mainit na pakiramdam.
Matagal na panahon din niyang hindi naramdaman ang paglalambing mula sa kaniyang
pamilya at kahit na ang pinakamaliit na kapiraso niyon ay mahalaga sa kaniya.
Nang makita na muling ibinalik ni Jun Wu Xie ang kaniyang ulo sa pagkain, sa wakas ay
nalubag ang loob ni Jun Qing, hindi gaanong seryoso nang sabihin na wala dapat ipagalala si
Jun Wu Xie sa lahat ng mga nangyayari sa labas. Siya ay naging Emperor ng Fire Country at
kung hindi siya magsasabi ng kahit ano tungkol sa nangyayari sa labas, ay mananatili pa rin na
nag-aalala ang kaniyang puso.
"Ang hukbo ng Fire Country ay nagtayo ng kampo sa labas ng siyudad at ang mga kawal ng Qi
Kingdom pati ang mamamayan ay naging abala sa pagpapanumbalik ng siyudad mula sa
natamong pinsala. Nagpapadala rin kami araw-araw ng pagkain sa labas para dalhin sa kampo
ng Fire Country. Ito ang unang pagkakataon na nakasalamuha ko ang hukbo ng Fire Country at
masasabi ko na ang hukbo ng Fire Country ay talaga namang sinanay. Sa dami ng mga ito na
nasa labas lamang ng ating pintuan, ay walang naging gulo at wala ring pangyayari na
nakipagtalo sa mga mamamayan sa siyudad." Saad ni Jun Qing, nagbigay ng isang payak na
paliwanag kay Jun Wu Xie tungkol sa sitwasyon sa labas sa loob ng panahon na ito ay walang
malay matapos ang digmaan.
Ang hukbo ng Fire Country sa ilalim ng pangangasiwa ni Lei Chen at Lei Xi ay mahusay na
kumilos at hindi lamang sa hindi sila gumawa ng anumang gulo, hiniling pa nila na payagan
silang tumulong sa pag-aayos sa pader ng siyudad. Syempre ang pagkukusa ay dahil lahat sa
posisyon ni Jun Xie.
Ngunit gayon pa man, Si Jun Qing ay matindi ang pasalamat dahil sa tulong.
"Ganoon dapat ang isang kawal. Ang sumandig sa malakas at apihin ang mahina, hindi iyon
ang batayan ng pagiging isang lalaki. Ang ating Rui Lin Army ay nanatiling matapat s doon."
bulong ni Jun Wu Xie habang nginunguya ang kaniyang pagkain.
Si Long Qi na nakatayo sa isang tabi, ay napuno ang mata ng pagmamalaki nang marinig ang
mga salitang iyon.
Malakas na tumawa si Jun Qing at walang magawa na iniling ang kaniyang ulo. "Ikaw na
ngayon ang Emperor ng Fire Country, paano mo nasasabi ang mga bagay na iyan?"
"Magaling rin ang hukbo ng Fire Country, ngunit hindi rin dapat maliitin ang Rui Lin Army.
Pareho silang maituturing na matapang at malakas na disiplinadong hukbo, at nagsasaad
lamang ako ng katotohanan." sagot ni Jun Wu Xie. Hindi niya intensyon na pagkumparahin ang
mga hukbo mula sa dalawang bansa, nasabi lamang niya iyon.
Pagkatapos lamang ni Jun Wu Xie ubusin ang kanin sa kaniyang mangkok ay saka lamang
inilabas ni Jun Qing ang Soul Jade na tangan niya sa kaniyang katawan.