webnovel

Dumating Ako Upang Iuwi Ka (1)

編輯: LiberReverieGroup

Sa loob ng Heavenly Cloud Chambers, ang mga lalaking pinaboran ay nagpapakita ng

pagkukunwari na pagkagiliw habang hinihintay ang pagbabalik ng kanilang "Mistress", nang

hindi inaasahan, ang nakita nilang tao na pumasok sa pintuan ng Heavenly Cloud Chambers ay

si Jun Wu Xie at Jun Wu Yao.

"Anong ginagawa ninyo dito? Ang Great Aunt ay wala dito ngayon. Kung mayroon kayong

sadya sa kaniya ay maaari kayong bumalik sa susunod na araw." isang kaakit-akit na lalaki ang

aroganteng nagsalita nang lumingo kay Jun Xie. Sa sandaling dumako ang tingin nito kay Jun

Wu Yao, ang mata nito ay kumislap sa panandaliang pagkagulat ngunit mabilis ring naglaho.

Subalit, nawala ang kaniyang boses nang ang ulo nito ay humiwalay sa kaniyang katawan at

mabilis na pumuswit ang dugo, at tumalsik sa iba pang mga lalaki sa kaniyang paligid.

Sa isang saglit.

Mga palahaw ang umalingawngaw sa loob ng Heavenly Cloud Chambers. Kailan ba ang huling

pagkakataon na nakasaksi ang mga pinaborang lalaking ito na nabuhay sa karangyaan sa isang

kakila-kilabot na eksena?

Natuwa sila sa pagpapabor ni Qu Xin Rui sa kanila noon pa man at kahit sa harap ng Grand

Chieftain ng Thousand Beast City, sila ay hambog at arogante. Ang makita ang sarili nilang

walang anuman na paslangin ay bigla nilang ikinatakot.

Ang mga pinaborang lalaki na naging mayabang at arogante kani-kanina lamang ay biglang

nagulat na mga ibon sa isang kalabit ng pana, binaluktot ang kanilang mga katawan upang

magtago sa isang sulok, kitang-kita ang panginginig.

Walang balak si Jun Wu Xie na mag-aksaya ng kaniyang hininga sa mga lalaking ito na walang

dignidad. Dumiretso siya sa taas na palapag ng Heavenly Cloud Chambers at doon ay nakita

niya pamilyar na anyo ni Lord Meh Meh.

Si Lord Meh Meh ay nakahiga sa ibabaw ng puting balahibo ng aso, payapang natutulog, ang

Spirit Taming Bone Flute ay nasa tabi lamang nito. Wala itong pakialam sa paligid at ang

tanging bagay na makakapag pagalaw dito ay ang Spirit Taming Bone Flute.

Maraming beses na ginusto ni Qu Xin Rui na gamitin ni Qu Wen Hao ang Spirit Taming Bone

Flute upang kontrolin si Lord Meh Meh, ngunit tinanggihan iyon ni Qu Wen Hao at hindi

pumayag na sumunod sa bagay na iyon, tuluyang isinuko ang lahat ng karapatan niya sa Spirit

Taming Bone Flute. Ngunit bukod sa kaniya, wala ng iba pang susundin si Lord Meh Meh at

kung walang utos, ay walang katuturan na idinikita lamang ni Lord Meh Meh ang kaniyang

sarili sa Spirit Taming Bone Flute.

Sa estadong nahihilo, naramdaman ni Lord Meh Meh na may paparating. Wala sa sariling

ibinukas nito ang mga mata at nakita ang isang munting anyo na nasa harap niya.

Bahagyang tinagilid nito ang ulo at kalmadong tiningnan ang bata na papalapit, ngunit wal

itong ginawa na kahit ano.

"Dumating ako upang iuwi ka." yumuko si Jun Wu Xie, inunat ang kaniyang kamay kay Lord

Meh Meh.

Puno ng pagkalito si Lord Meh eh habang nakatingin ito kay Jun Wu Xie. Ang aura ng taong ito

ay nagdulot ng pakiramdam ng kaalwanan, habang ang kamalayan nito na pinipigilan ng Spirit

Taming Bone Flute ay patuloy na nilalabanan. Tila may munting boses sa kaibuturan ng

kaniyang puso na nagsasabi sa kaniya na ang tao sa kaniyang harapan ay walang dalang

panganib sa kaniya at dapat na tanggapin nito ang kaniyang yakap.

"Meh?" ang tao sa kaniyang harapan ay pamilyar ngunit kahit anong gawin niyang pag-alala ay

hindi nito matandaan kung sino siya. Ngunit sa kailaliman ng kaniyang mga alaala, ay

mayroong malabong anyo, na kamukha ng anyo ni Jun Wu Xie na nasa harapan niya.

"Ang kamalayan nito ay pinipigilan at hindi ka niya makilala." banayad na saad ni Jun Wu Yao

kay Jun Wu Xie, habang kaniyang inoobserbahan si Lord Meh Meh.

Dumako ang sulyap ni Jun Wu Xie sa Spirit Taming Bone Flute na nasa tabi at pinulot iyon.

Biglang tumayo si Lord Meh Meh, may pagtataka sa kaniyang mata ngunit hindi ito nagpakita

ng kahit kaunting intensyon na umatake.

Ang boses sa kaibuturan ng kaniyang puso ay patuloy na nagsasabi sa kaniya na wala siyang

dapat gawi upang saktan si Jun Wu Xie.

Isinilid ni Jun Wu Xie sa kaniyang likod ang Spirit Taming Bone Flute at inabot si Lord Meh Meh

upang kargahin. Nung umpisa, si Lord Meh Meh ay alumpihit at kaniyang inikot ang katawan,

ngunit dahil sa pamilyar na amoy na natangay patungo sa kaniyang ilong, ay unti-unting

kumalma ang pagkabalisa na nasa kaniyang puso. Sa huli ay kumawag ang buntot nito at

nakita ang sarili sa isang komportableng posisyon bago namaluktot sa yakap nito.

下一章