webnovel

Ang Ikalimang Mapa (7)

編輯: LiberReverieGroup

Matapos matiyak ang lokasyon ng mapa, iniwan ni Jun Wu Xie si Qu Ling Yue at Xiong Ba sa

loob ng silid upang pansamantalang kalmahin ang kanilang mga damdamin habang siya naman

ay lumakad palabas patungo sa Immortal's Loft.

Sa loob ng bahay-tuluyan, si Qiao Chu, Hua Yao at ang iba pang mga kasama ay inaabala ang

kanilang mga sarili sa pagkakarga ng kanilang mga gamit sa karwahe.

Si Fan Jin ay pinasasalamatan ang tagapamahala ng bahay-tulyan sa lahat ng pag-aasikaso na

ibinigay nito sa kanila. Sa labas ng Immortal's Loft, ang mga karwahe ng Zephyr Academy ay

handa na sa pag-alis, hinihintay na lamang ang mga pasahero.

Nakita si Qiao Chu si Jun Wu Xie na pababa ng hagdan at ito ay ngumiti.

"Handa na ang lahat! At kami ay handa na para sa ating paglalakbay pabalik. Oo nga pala,

anong gusto ni Qu Ling Yue sa iyo? Nakita ko siyang nagmamadali kanina kasama ang malaking

bakulaw na iyon, at mukha siyang balisa." inunat ni Qiao Chu ang mga kamay, ginaya ang

mataas na pangangatawan ni Xiong Ba. Ang malaki at matipunong pangangatawan ni Qiao Chu

ay katumbas ng dalawang Qiao Chu.

Nagsalita si Jun Wu Xie: "Hindi tayo babalik sa Zpehyr Academy."

Si Qiao Chu na tuwang-tuwa na nakangiti ay natigilan nang marinig niya ang sinabi ni Jun Wu

Xie, ilang minute bago siya nakahuma.

"Ano iyon? Hindi babalik? Bakit? Huwag mo sabihin sa akin… na nais mo talagang manatili dito

sa Fire Country upang maging Emperor?" habang sinasabi iyon ni Qiao Chu, pakiramdam niya

ay posible nga iyon.

Inirapan siya ni Jun Wu Xie.

"Tayo ay pupunta sa Thousand Beast City."

"Thousand Beast City?" napakamot ng ulo si Qiao Chu. "Dahil ba sa pagpunta ni Qu Ling Yue

dito? Ano ang sinabi niya sa iyo at bigla ay nagbago ang iyong isip?"

[Natatandaan niyang si Little Xie at Qu Ling Yue ay hindi malapit sa isa't isa.]

"Human skin map." Maigsing sabi ni Jun Wu Xie.

Sa isang iglap ay nanigas si Qiao Chu, at nanlaki ang kaniyang mata habang nakatitig kay Jun

Wu Xie.

"Ano... Ano... Anong sinabi mo?"

"Mayroong isa sa Thousand Beast City." Pagpapatuloy ni Jun Wu Xie.

Napalunok si Qiao Chu at gulat na nakatingin siya kay Jun Wu Xie.

Hindi nagawa ni Fei Yan na makakalap ng balita tungkol sa lokasyon ng ikalimang mapa at ang

kaniyang akala ay gugugol sila ng ilang buwan bago sila makakuha ng balita tungkol doon.

Ngunit sa huli...

Nagawa pa lang nila na makuha ang ika-apat na mapa at ang ilimang mapa ay kusang lumapit

at kumatok sa kanilang pinto?

Ang saya ay biglang-bigla dumating!

Bahagyang nataranta si Qiao Chu!

"Talaga? Sinabi ni Qu Ling Yue iyan?" tanong ni Qiao Chu, tuwang-tuwa na tumingin siya kay

Jun Wu Xie.

Tumango si Jun Wu Xie.

Mabilis na sinabi ni Qiao Chu: "Sasabihin ko kay Brother Hua at sa iba pa na tumigil sa pag-

iimpake! Tayo ay pupunta sa Thousand Beast City! Kaagad! Ngayon din! Kahit kalian mo man

gusto!" matapos sabihin iyon, mabilis nang umalis si Qiao Chu upang ipaalam sa mga kasama

na may pagbabago sa kanilang itineraryo, at sinabi niya kung ano ang sinabi sa kaniya ni Jun

Wu Xie.

Ang balitang iyon ay nagdala ng matinding gulat kay Hua Yao at sa iba pa. Mabilis nilang

binitawan ang mga hawak nilang bagahe at hinatak si Jun Wu Xie sa silid ni Fan Zhuo kung saan

ang anmin na magkakasama ay nagsiksikan sa loob, pininid nila ang pinto sa kanilang likuran,

at samu't saring tanong ang kanilang tinanong upang mabigyang linaw sa kung ano ang tunay

na nagyayari.

Inulit ni Jun Wu Xie ang mga sinabi nila Qu Ling Yue at Xiong Ba kanina kay Hua Yao at sa iba

pa, at sinabi sa kanila ang kasalukuyang sitwasyon ng Thousand Beast City.

Nang marinig nila ang balita tungkol sa ikalimang mapa ay napukaw niyon ang grupo. Ngunit

hindi nagtagal ay humupa din ang kanilang galak at naging kalmadong muli.

"Sinasabi mo ba na hindi lamang ang mapa ang nasa Thousand Beast City, may mga tao rin na

mula sa Twelve Palaces?" tanong ni Hua Yao ang kaniyang mga kilay ay nagsalubong, sa

kaniyang pagkakatanda, nang makadaupang-palad nila ang mga tao mula sa Twelve Palaces,

iyon ay hindi naging maganda.

Tumango si Jun Wu Xie.

Ang Great Grandaunt na binabanggit ni Qu Ling Yue, ay tila permanenting naninirahan sa

Thousand Beast City, upang pangasiwaan ang paghahanap sa libingan ng Dark Emperor. Kung

pupunta sila sa Thousand Beast City ng ganoon lamang, sila ay mababaon laban sa kalaban.

下一章