Itinuro ni Lei Chen ang upuang nasa harap: "Maupo muna kayo. Maingat nating pag-uusapan."
Agad namang umupo si Qu Ling Yue at Xiong Ba.
"Tungkol sa insidenteng may nangyari kay Qu Ling Yue. Ano sa tingin mo Hall Chief Xiong ang tunay na nangyari." Pagsisimula ni Lei Chen.
Nagulat si Xiong Ba sa tanong na iyon ni Lei Chen. Naaasiwa siyang tumingin kay Qu Ling Yue.
Si Qu Ling Yue ay ginamit at dinanas ang pahirap. Bilang miyembro ng Thousand Beast City, hindi niya iyon nagustuhan. Pero dahil sa estado ng Fire Country, kahit pa gaano iyon hindi nagustuhan ng Thousand Beast City, wala silang ibang magagawa laban sa isang pinakamalakas na bansa. Nagipit si Xiong Ba dahil sa tanong na iyon ni Lei Chen. Paano niya ilalahad ang kaniyang sama ng loob sa mismong Crown Prince ng Fire Country?
Napansin naman ni Qu Ling Yue ang paghihirap sa mukha ni Xiong Ba, kaya naman siya na ang sumagot: "Nahirapan ang aking Uncle Xiong sa tanong ninyo Senior. Alam ni Uncle Xiong ang buong storya sa likod ng insidente. Kaya naman kung inaasahan niyong sasagot siya na wala lang iyon sa kaniya, imposible ho iyon. At ikaw Senior, bilang Crown Prince ng Fire Country, baka hindi ninyo magustuhan ang isasagot ni Uncle Xiong." Mas malapit si Qu Ling Yue kay Lei Chen kaya hindi niyang ikubli ang tunay niyang opinyon.
Humalakhak ng malakas si Lei Chen.
"Pasensya na. Hindi ko inisip ang tanong ko. Hindi ko inisip na malalagay sa hindi komportable ng sitwasyon si Hall Chief Xiong sa tanong kong iyon. Sige babaguhin ko ang aking katanungan. Kung bibigyan ka ng pagkakataon, manghihingi ka ba ng hustisya sa nangyari?"
Sa oras na iyon ay maging si Qu Ling Yue ay natigilan.
"Anong ibig niyong sabihin Senior?"
Nagpatuloy sa pagpapaliwanag si Lei Chen: "Kasalanan ng Fire Country ang nangyari kay Junior Ling Yue ngunit hindi man lang nagbigay ng paliwanag ang aking Ama sa nangyari. Dati pa ay malapit na ang Fire Country at Thousand Beast City sa isa't-isa. At sa palagay ko ay mukhang sumobra ang aking Ama sa kaniyang ginawa. Kahit na ako ang Crown Prince ng Fire Country, ako pa rin naman ang Senior ni Qu Ling Yue at kapwa disipulo. Sa sinapit ni Qu Ling Yue, paano ko magagawang manahimik na lang na parang walang nangyari? Bakit ko pa iimbitahin si Miss Jun para makatulong kay Qu Ling Yue?"
Nagkatinginan si Qu Ling Yue at Xiong Ba dahil sa sinabing iyon ni Lei Chen. Hindi nila inaasahang ito ang dahilan sa imbitasyon ngayon ni Lei Chen.
Tuluyan nilang naintindihan ang ibig talagang sabihin ni Lei Chen.
Pero hindi pa rin nila maintindihan kung bakit ginagawa ito ni Lei Chen.
"Sa tingin ko ay naguguluhan kayong dalawa sa mga sinabi ko. Mayroon akong hindi pa sinasabi sa inyo." Saad ni Lei Chen.
"Ano 'yon?" Tanong ni Xiong Ba.
"Sa totoo lang ay hindi ko talaga gaanong kilala si Young Miss Jun. Bago ko siya inimbitahan para gamutin si Ling Yue ay hindi ko talaga siya kilala. Ang tunay na nagdala kay Young Miss Jun para gamutin si Ling Yue ay hindi ako kundi ay ibang tao." Nakangiting saad ni Lei Chen.
"Hindi ikaw?" Nagulat si Xiong Ba sa rebelasyong iyon.
Tumango si Lei Chen.
"Ang taong nagdala kay Young Miss Jun ay pareho niyong kilala. Iyon ay walang iba kundi ang kaibigan kong si Jun Xie."
Agad na naalala ni Xiong Ba ang gwapong binata.
"Siya?" Bulalas ni Qu Ling Yue. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig.
Nagpatuloy sa pagsasalita si Lei Chen: "Siya ang itinuturong salarin sa nangyari kay Ling Yue kaya naman hindi niya magawang tanggapin nalang iyon. Kaya naman inimbitahan niya si Young Miss Jun para magpunta dito at gamutin si Ling Yue. Kaya nakakahiyang tanggapin ang pasasalamat niyo Hall Chief Xiong."
Nakapako ang mga mata ni Xiong Ba kay Lei Chen. "Bakit niyo sinasabi iyan samin ngayon?"
Pagak na tumawa si Lei Chen: "Hindi niyo pa ba naririnig?"
"Narinig ang?"